Chapter 2

5.9K 153 4
                                    


SECOND

"Kuya masyado ka naman yatang nagpapagod sa trabaho ngayon. Parang ako na tuloy ang ama ni Sam." puna sa akin ni Third. Pumasok na naman siya ng walang pasabi dito sa opisina ko. Intruder talaga.

"Mabuti na yan para naman matutuhan mo agad ang magpakaama." pabiro kong sabi. Natawa naman ng malakas si Third.

"Di ko na kailangan ang training Kuya. Baka di na nga ako mag-asawa eh." mapait nitong tugon kaya napatitig ako sa kanya. Tumawa naman ito kahit alam ko na may dinaramdam ito.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo. May laman kasi yung sinabi mo eh." pag-uusisa ko sa kanya. Umiling naman siya sabay balik sa nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Kuya lagi namang may laman ang mga sinasabi ko. Ikaw lang ang wala." tatawa tawa nitong bwelta kaya naibato ko sa kanya yung nalukot kong papel kanina.

"Sige lang Third. Malalaman ko din yan...sooner later." nasabi ko na lamang. Ang loko, tinawanan lang ako.

"Okay. Let's see." hamon pa nito kaya napailing na lamang ako sabay tuloy sa pagbabasa sa dokumento na isinumite sa akin ng sekretarya ko kanina.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko habang sa papeles nakatutok ang aking tingin. Narinig ko naman ang marahas nitong pagbuntong hininga.

"Tinawagan ako kanina ni Iris gamit ang telepono ni First. Umiiyak daw kanina si Sam sa kwarto dahil di ka na daw niya nakakalaro." doon ako napatingin sa kanya. Nabitawan ko din ang papeles na hawak ko.

" Para ka kasing may iniiwasan sa mansion eh. Kaya nga tayo ayaw paalisin nina Mom at Dad sa mansion kahit may pamilya na daw tayo para araw araw tayo nagkikita. Pero heto ka at akala mo naman naghihirap sa sobrang subsob sa trabaho." napapailing na ani Third. Napaiwas ako ng tingin.

Sa mga nakalipas na araw lagi akong maaga pumasok dito sa opisina, nauunahan ko pa nga madalas ang janitor at mas nahuhuli pa din akong umuwi kaysa sila.

Totoo ring kahit gusto na namin ni First bumukod ayaw naman nina Mom at Dad. Ayaw nila mahiwalay sa amin at sa apo nila.

"Anong oras tumawag? Bakit sa'yo tumawag at hindi sa akin?" tanong ko.

"Mga isang oras na din siguro ang nakalipas. Nahihiya daw sa'yo si Iris. Mas close kasi kami." napapangiting ani Third. Proud eh?

Tumayo ako para makaalis. Guilty nga akong this past few days talaga sa pagtulog nito ko na lamang siya nakikita.

"Uwi na ako." sabi ko saka nagmamadaling lumabas sa opisina. Sinundan na lamang ako ni Third.

"Bili ka ng pasalubong. Pambawi Kuya. Nahihigitan ka na ni Kuya First sa pagpapakaama. Madadagdagan pa sila after 8 months." nakangising ani Third saka nagpatiunang naglakad. Napangisi ako ng mapait.

Naunahan na ako ni First sa lahat. Di ako papayag na pati sa pagpapakaama, mapag-iwanan pa ako.

Dumiritso na lamang ako sa isang mall para bilhan ang anak ko ng tinuro niya noon na fairy gown.  Di kasi namin nabili last time na nagpunta kami dito para mamasyal dahil bigla na lamang siyang nagkalagnat.

"Babagay po yan sa anak niyo sir." pang-uuto naman sa akin ng saleslady ng inaabot niya sa akin ang box na may laman ng gown. Napangiti na lamang ako.

Syempre anak ko yata yan. Maganda ang genes ko kaya tiyak na napasa sa kanya. Kaya kahit sako ipasuot bagay pa rin.

Napailing ako sa naisip ko.Yabang ko ba?

Nagmamadali akong tumungo sa parking lot matapos magbayad saka pinaharurot ang kotse pauwi sa mansyon.

Bahala na kung makita ko silang masaya basta mapasaya ko man lang ang anak kong nabalewala ko.

I suddenly feel guilty.

I became selfish again para lang sa sarili kong nararamdaman.

*sigh*

Falling into Place(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon