A's PoV,
Limang araw na ang nakaraan simula ng dumating kami dito sa Sta. Bridgetta. Ayon sa mga nabasa ko sa mga librong pinabasa sa'kin ni Luna, ito ang punong sentro ng Coven of Lilith na pinamumunuan ng limang makapangyarihang lahi mga mangkukulam. Kung saan nagsisilbi itong katuwang ng pamahalaan ng mga mortal at mga nephilim upang protektahan ang mga tao sa tagong digmaan sa pagitan ng mga supernatural.
Sa nakalipas na araw ay hindi ko pa muling nakikita si kuya Eros. Madalas din akong magkulong sa kwartong ipinagamit sa'kin. Hindi ko maikakaila na apektado parin ako ng lubos sa pagkawala ni mama.
Isang umaga napilit ako ni Luna na lumabas ng kwarto ko at magala. Ang sabi nila isa akong mage, kaya sinubukan nila akong pahawakin ng wand pero hindi ko naman magamit iyon. Palihim ko ring sinusubukan ang kakayahan ko sa teleportation pero matapos ang gabi ng pagkamatay ni mama ay hindi ko na muli pa itong nagamit, kung dati ay hirap lamang akong gamitin ito ngayon ay hindi ko na talaga magawa. Masasabi kong hindi na naging normal pang muli ang takbo ng buhay ko.
"Marahil ito na nga iyon." bulong ko sa'king sarili. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang malaking itim na pintuan. Pumunta ako rito dahil nabasa ko sa isa sa mga librong binigay ni Luna na mayroon clairvoyant dito sa Sta. Bridgetta may kakaibang kapangyarihan daw ang mga clairvoyant o mas kilala bilang mga psychic ng mga tao, ito ay kakayahan na manipulahin ang isip. Kung ganoon ay maaring matutulungan niya akong mabalik ang mga ala-alang nawala sa'kin.
Ex animo potentia, pagbasa ko sa aking isip ng mga nakaukit na mga letra sa pintuan, salitang latin ito marahil. Mahina akong kumatok sa pintuan ngunit hindi ito nakalapat dahilan upang tuluyan itong bumukas.
"Pasok," Salubong saakin ng isang babaeng nakaupo sa isang makalumang silya sa harapan niya ay isang lamesa kung saan nakapatong dito ang bulto ng mga itim na baraha at mga itim na kandilang hindi nakasindi. Isa itong kwartong nahahati lamang sa tatlong kulay iyon ay kulay itim, pula at ginto. Mapapansin din ang sandamukal na mga nakatayo ngunit hindi nakasinding mga kandila sa iba't ibang sulok ng kwarto.
Pinagmasdan kong palihim ang babae sa harapan ko. Nakasuot siya ng isang headpiece chain na may kulay pulang mga batong nakalawit."Maupo ka," Nakangiti ito kaya hindi ko maiwasang ngumiti pabalik. Matapos ay umupo ako sa isang kahoy na upuan sa harapan ng lamesa niya.
"From the heart comes power." Bulalas ng babae, tinapunan ko naman agad siya ng isang wirdong tingin. "'Ayun ang ibig sabihin ng mga salitang iyon, ex animo potentia." Pagtukoy ng babae sa mga nakaukit na letra sa pintuan.
Ibig sabihin ba nito ay nababasa niya ang nasa isip ko?
" Huwag kang mag-alala hindi ko nababasa ang isip mo, kagaya ng iniisip mo ngayon." Magulong sabi nito.
"Ano?" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatanong.
"Hahahaha, nagbibiro lamang ako. Hindi ko talaga nababasa ang nasa isip mo dahil kailangan kitang hawakan para gawin iyon." Sambit nito at umayos ng postura. "Ako nga pala si Jade, clairvoyant."
"Narinig ko na nga ang tungkol doon mula kay Luna" Kasabay nito ay ang pagtango ko bilang pagsangayon. Atsaka nilahad ng babae ang kanyang kamay patungo sa'kin. Kinamayan ko naman agad siya ng walang pasubali kahit na wiwirduhan ako sakanya.
" Agape." Sukli ko naman ng impormasyon.
"Ang ganda ng pangalan mo, ang ibig sabihin nito ay ang pinaka mataas na uri ng pagibig." Sabi nito.
"Salamat. 'Yun nga ang sabi nila," Sambit ko.
"At isa kang? Tanong nito.
"Mage." Tipid na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Extramundane (Book 1: VOID)
FantasyAng ordinaryong buhay ni Agape ay magugulo sa paglabas ng mga sikreto, sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kaniya. Isang makabagong mundo ang pilit niyang hahamakin na kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan , isang mundo na pilit ipinalimo...