3rd Person POV...
Limang araw matapos ang trahedyang naganap sa Virginia, ito ang unang beses na muling magsasama ang konseho para pagusapan ang lumalalang pagkilos ng grupong hexagram laban sakanila at iba pang kaalyansa ng coven, kagaya ng Sta. Barbara ng Inglatera . Hindi taimtim ang umagang ito para sa mga miyembro ng konseho, may bumabagabag sa kalooban ng ilan. Isang mainit na tensyon mula sa mga miyembro nito, bagamat hindi maibulalas ng bibig ay halata mo ito sa kanilang mga kilos.
Si Genevive , ang kasalukuyang rediant ng Coven. Mahigit talong daang taon na ang kanyang edad, ngunit batid ng lahat na hindi tumatanda ang mga gaya nila kaya tila nasa trenta'y anyos palamang ang kanyang itsura.
Maagang dumating si Geneivive, hindi siya mapakali simula nang tila minata siya ni Eros sa harapan ng lahat. Tila lumalakas na ang loob nitong kalabanin siya. Kung hindi niya lamang kailangang panghawakan ito ay matagal na niya itong binura sa kanyang landas.
Meron siyang binabalak laban sa'kin, sigurado ako roon. Wika ni Geneivive sakanyang isipan.
Alam niyang matalino si Eros at mahirap kalabanin, sa totoo lamang ay minsan na siyang natalo dito ng iapela nito ang kanyang karapatan na manahin ang rediancy na plano na niyang ipasa sa panganay na anak na si Andromeda o di kaya'y sa anak na lalaking si Jeremiah, kagaya ng ginawang pagpasa sa kanya ng kanyang inang si Beatrice ng mahawakan nito noon ang trono. Sa pagdinig na isinigawa ng konseho ay kumapi ang karamihan kay Eros, tanging si Leandro lamang ang kumapi sakanya. Kung alam niya lamang na papabor dito ang lahat ay noon pa lamang ay hinadlangan na niya ang mga kilos nito.
Nasa ganitong pagiisip si Genevive nang dumating ang kanyang kabiyak. Si Leandro, ang dakilang taga-sunod ni Genevive. Kung iisipin siya ang lalaki ngunit lagi siyang sunod-sunuran sa kanyang asawa.
Iniabot sakanya ni Leandro ang isang balunbon ng mga papeles. Kakaunti ito hindi gaya ng inaasahan niya. Lalo siyang kinabahan.
Hindi maiwasang magisip ni Genevive ng kung ano-ano kaya naisip niya paimbestigahan sa tulong ng kanyang asawa ang babeng dinala ni Eros, ngunit ngayon ay higit na kadudaduda ang mga kinikilos nito.
"Ito lang?!" Bwiset na sabi ni Genevive sa asawa.
"Blangko ang ilan sa mga papeles niya. Gayon pa man ay pilit akong nagpapaimbestiga para makakuha ng mas marami pang impormasyon." Wika ni Leandro.
"Sinasabi ko na nga ba, kailangang mas bantayan natin ang bawat kilos niya." Naiiritang bulalas ni Genevive.
"Tila kay aga ng inyong bangayan." Biglang pagpasok ni Suzzette.
Suzette, marahil kilalang kilala na siya ng iilan bilang pinuno ng mga healers.
Kung mas kikilalanin natin siya ay napakabuti ng kanyang kalooban. Itinatag niya ang House of Apollo upang magturo ng mahika sa medisina, sa totoo lamang ay hindi siya pabor sa ibang paggamit nito lalong lalo na kung gagamitin ito sa dahas. Isa siya sa mga hindi masyadong aktibong miyembro ng konsehong ito pagkat hindi niya nais ang magulong kalakaran dito.
Hangad niya lamang ay ang mga makakabuti para sa mga nasasakupan niya kaya napilitan siyang maging kabahagi nito. Isa siya sa mga pinakamatatandang miyembro ng Coven kaya masasabing hindi basta basta ang kanyang kapangyarihang taglay, lalo pa't mas lumalakas ang taglay na kapangyarihan ng mga mangkukulam sa paglipas ng panahon.
Madaling itinago ni Geneivive ang mga papeles na hawak niya, isniksik niya itong mabuti sa iba pang mga papeles na nasa harapan niya.
"Lady Suzette, hindi ko inaasahan na makakadalo ka ngayon." Nabiglang wika ni Geneivive.
![](https://img.wattpad.com/cover/109115770-288-k155506.jpg)
BINABASA MO ANG
Extramundane (Book 1: VOID)
FantasíaAng ordinaryong buhay ni Agape ay magugulo sa paglabas ng mga sikreto, sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kaniya. Isang makabagong mundo ang pilit niyang hahamakin na kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan , isang mundo na pilit ipinalimo...