West Virginia, USA
A's PoV
Pinaandar ko ang aking makina matapos ay tinanaw ko ang oras mula sa isang digital na relo ng kotse; 3:03am (March, 18), Madaling araw na pala. Inabot nanaman pala ako ng madaling araw para tapusin ang mural na pinipinta ko. Buti nalang ngayon ang dating ni kuya Eros, I'm Relieved.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho kahit na tila hindi gusto ng ilong ko ang umaalingasaw na matapang na amoy na nangagaling sa marumi kong kamay na puno ng pintura. Lalo pa itong pinalala ng hangin na nagmumula sa airconditioner at kulob na kotse.
Isang makisig na anghel na mayroong ginintuang buhok at mga bughaw na mga mata, sa lahat ng paulit-ulit kong panaginip ay ito ang pinaka nakakuha ng atensyon ko. Malabo ang wangis niya sa aking panaginip kaya ipinita ko itong walang depinisyon ang mukha at blanko. Ito ang pinagkakaabalahan kong gawin sa nakaraang anim na araw, sa wakas natapos ko na rin.
Matapos kaming lumipat at manirahan sa isang maliit na bayan dito sa West Virginia ay nagsimula akong pumasok sa isang maliit na art school, dito ipinagpatuloy ko ang aking kursong fine arts. Dalawang taon na ang nakaraan at ito ako ngayon, ang naging buhay ko ay ang pagpipinta. Hindi ko alam kung bakit marahil ay kinakalma ako ng pagpipinta, kapag ginagawa ko 'to nararamdaman kong masaya ko at wala akong ibang iniisip kung hindi ang damdamin ng larawan ng pinipinta ko.
Kataka-takang habang umaandar ako ay tila komokonti ang bakas ng ilaw sa paligid, kaya naman hindi ko maiwasang kabahan. Biglang nagpatay sindi ang headlights ng aking kotse dahilan upang mas lalo kong hindi makita ng maayos ang daanan na na hinaharangan ng pakapal ng pakapal na hamog.
Ilang saglit pa ay nararamdaman ko na ang tuluyang pagbigay maging ng aking makina. "Ano bayan masisiraan pa ata!" Naiiritang sambit ko,"Pagminamalas ka nga naman."
Lalong kumapal ang hamog sa paligid, tanging ang mapupusyaw na kulay lamang ng mga street lamps ang nagsilbing ilaw ko. Hanggang sa mapagtanto ko ang malabong pigura ng isang tao sa harapan ko. "BEEEEEEEEPPPPP!!! "Isang malakas na busina ang pinakawalan ko ngunit huli na dahil naramdaman ko ang malakas na pagtama nito sa sasakyan.
Kinapakapa ng aking kamay ang aking flashlight at hinablot ito. Agad akong bumaba ng kotse at kabadong inapuhap ng paningin ko ang nasagasaan ko. Itinapat ko ang flashlight sa makapal na hamog.
Ngunit wala... Walang kahit na anomang bakas ng tao sa paligid. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa iyon dahil mas lalo akong nilalamon ng takot lalo na ng isa-isang nagsabugan at sumiklab ang mga natatanaw kong street lamps na para bang may sariling buhay ang mga ito.
Kakaiba ang paligid , napakatahimik at walang katao-tao. Naramdaman ko ang bahagyang tila paninikip ang ruby necklace na bigay saakin ni mama kaya naman napahawak ako dito. Halos wala na talaga akong makita sa napakakapal na hamog sa paligid. Kaya mas pinili ko ang humingi na lamang ng tulong. Sinuwerte akong isang maliit na kulay itim na truck ang dumaan at pinara ko upang humingi ng tulong.
Agad namang bumaba ang isang matandang lalaki upang tumulong saakin, inobserbahan at tinignan niya ang sira ng makina ng kotse, habang binuksan ko naman ang pintuan ng driver's seat upang kunin ang cellphone ko para makatawag at humingi ng tulong kay mama. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Isang babaeng nakakulay itim ang biglang sumulpot sa likuran ng matandang lalaki sa likuran kasama ng babae ang dalawang napakalaking itim na mga asong lobo. Nakita kong nanginig sa takot ang matandang lalaki, tinutukan siya ng patalim sa leeg.Walang isang segundo ay bigla na lamang humandusay ang katawan nito sa malamig na sahig. Napatakip ako ng bibig sa nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Extramundane (Book 1: VOID)
FantasiAng ordinaryong buhay ni Agape ay magugulo sa paglabas ng mga sikreto, sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kaniya. Isang makabagong mundo ang pilit niyang hahamakin na kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan , isang mundo na pilit ipinalimo...