...
Narinig mo na ba ang maalamat na kwento ni Lilith?
Si Lilith ang ay ang sinasabing unang asawa ni Adan bago si Eba, ayon ito sa banal na libro ng mga hudyo. Sabi nila maraming mga pahina ng bibliya ang nawawala parin hanggang ngayon, at ang istoryang ito ay kabilang na roon.
Ang Bathalang lumikha ay hinubog ang tao mula sa alabok ng lupa, ayon sa alamat nililikhang mag-isa ng Diyos si Adan, hindi mabuti para sa tao na mag-isa. Kanya ring nilikha ang isang babae mula sa lupa gaya ng paglikha kay Adan at tinawag siyang Lilith.
Agad na magsimulang mag-away sina Adan at Lilith. Sinasabi sa alamat na isang araw ay niyaya ng lalaki ang babae na makipag-isa sa kanya, inutusan niya itong humiga sa ilalim niya.Sinabi ni Lilith na hindi siya hihiga sa ilalim ni Adam ngunit sa ibabaw lamang ni Adan. Sinabi ng lalaki na hindi siya magpapailalim kay Lilith sapagkat siya ang higit na superior.
Sapagkat napupuyos sa galit ay sinambit nito ang ipinagbabawal na salita, ang pangalan ng Diyos, na di umano lingid sa kaalaman ng lahat liban kay Bathala, na tanging ang dalawangnilalang lamang na ito ang nakakaalam ng tunay na pangalan niya ( Sabi sa alamat kapag nalaman mo ang tamang pag-banggit dito ay magiging makapangyarihan ka.)
Dahil sa pag-sambit ng mga salitang ito, naging-makapangyarihan si Lilith, nagkaroon siya ng mga itim na pakpak bumulusok sa alapaap at nilisan ang hardin ng Eden.Dahil sa kawalan ng tiwala ay inalis ni Bathala ang pangalan niya sa kanilang mga ala-ala. Ngunit sa ikalawang pagkakataon, nalungkot ang lalaki.
Si Adan ay nanalangin sa maylalang at nagsabi sa Soberanya ng uniberso na ang babaeng ibinigay mo sa kanya ay lumayas. Muli binigyan ni Bathala ng katuwang ang lalaki, na kilala ng lahat bilang Eba. Sa pagkakataong ito, ginawa ni Bathala si Eba mula sa tadyang ni Adan at hindi nagmula direkta sa alabok na binigyan ng buhay, ito'y upang maiwasan na maulit ang malagim na pangyayari.
Ngunit muli natukso silang gumawa ng kasalanan, sa parehong dahilan, pagkaganid sa kapangyarihan. Sinabi ni Lucifer na kapag kinain nila ang ipinagbabawal na bunga ay magiging makapangyarihan sila, natukso si Eba at Adan at kinagat ang bunga. Sa pagkakataong ito, patuloy ng nagalit ang Diyos kaya inabandona niya ang dalawa at pinalayas sa hardin ng Eden. Silang dalawa ang pinamulan ng lahi ng mga tao sa ating modernong panahon.
At si Lilith? Sinasabing matapos siyang lumayas sa hardin ay pinarusahan siya ng Diyos. Si Lilith ay nagtungo sa iba't ibang pook . Marami din ang nagsasabi na siya ang nag-tatag ng Witchcraft (Pangungulam) kinilala siya bilang "Mother of Witchcraft."
Sa paglipas ng panahon ay umibig ito sa isa ring makapangyarihang nilalang isa sa mga punong anghel ng kalangitan si Raphael isang ipinagbabawal at isinumpang pagiibigan, kaya tinalikuran ng kalangitan ang lahi ng mga mangkukulam. Gayon pa man ay nagbunga ang kanilang pag-ibig ng limang supling.
Ayon pa sa mga sabi-sabi, matapos ang ilang buwan, nagsilang si Lilith ng limang sanggol ng sabay sabay sa ilalim ng pulang buwan na siyang pinanggalingan ng kanilang kapangyarihan at siya ring babawi nito. Ipinangalan niya ang panganay bilang si Eliphas, ang pangalawa bilang Hecate, ikatlo si Cornelius, ikaapat si Circe , at ang bunso bilang Medusa. Lahat ng mga anak ni Lilith ay may taglay na mahika kagaya niya, kaya naman hindi nagtagal ay itinuro niya rin sa mga ito ang lahat ng nalalaman niya sa mahika.
Ang lalaking panganay ay higit na naging makapangyarihan kesa kay Lilith, kaya nitong manipulahin ang kalikasan at mga sinaunang mahika(Pinagmulang lahi ng mga Enchatress). Ang pangalawa ay isang babaeng nagpakadalubhasa sa puting mahika at medisina(Pinagmulang lahi ng mga Sorceress/White Witches). Ang pangatlong lalaki ay maykapangyarihan ng unos,bagyo at kidlat(Pinagmulang lahi ng mga Warlock). Babae ang ikaapat at kayang kontrolin ang apat na elemento ang hangin, apoy, tubig at ang lupa(Pinagmulang lahi ng mga Elemental Witches). Samantala ang bunsong babae ay naging bihasa sa paggamit ng mga sandata na mayroong taglay na mahika(Pinagmulang lahi ng mga Mages).
Matapos ang ilang daang taon ay nalagutan na ng hininga si Lilith. Si Eliphas bilang pinakamakapangyarihan ay nagtatag ng isang samahan na inalay sa kanyang ina, tinatawag ngayon na Coven of Lilith. Hindi kagaya ni Lilith ay kabutihan at puting mahika ang pinagyabong nito.
Ngunit isang araw si Medusa na kilala bilang pinaka matapang at mahusay sa paghawak ng sandata, naninibugho siya sa kanyang kapatid dahil sa inggit ay minsan niya nang sinubukang paslangin ang mga ito. Ayon sa alamat pinarusahan at isinumpa ng mga kapatid niya si Medusa na walang sinuman ang maaring makakita sa kanyang mukha ng hindi nagiging isang bato, at ginawa ang wangis nito bilang isang kalahating tao at kalahating halimaw na ahas atsaka itinakwil sa ibang dimensiyon.
Si Hecate naman ang pangalawang anak ni Lilith ay umibig sa isang mortal, ngunit binihag ito ng mga tao dahil nalaman ng mga ito na may relasyon sila ni Hecate na kilalang mangkukulam sa Salem ng panahong iyon, sa utos ng dalawang mayaman at makapangyarihang pamilya ang mga Valier at mga Bienne( Tinuturing ng mga taong sugo ng demonyo ang mga may kakayahang gumamit ng mahika dahil sa pagtakwil dito ng langit). Ang lalaki ay itinali at ipinako, linatigo at analipusta. Isang dapit hapon nalagutan ng hininga ang lalaki sa pagitan ng araw at ng buwan.
Nanigbugho si Hecate at sangalan ng araw at ng buwan ay isinumpa niya ang mga nilalang na nagpasakit sa kanyang iniibig. Ang mga Valier ay isinumpa niya bilang mga halimaw na hayok sa dugo , takot sa sinag ng araw, sila ang mga naunang mga bampira(Vampires). Ang mga Bienne ay isinumpa niya bilang mga nilalang na hayok sa laman at alipin ng buwan, sila ang mga naunang taong-lobo(Warewolves). Kagaya ng araw at ng buwan ay hindi muling magtatagpo, ginawa niyang natural at mortal na magkaaway ang dalawang lahi.
Hindi alam ni Hecate na nagdadalang tao siya, matapos ang ilang buwan ay isinilang niya ang isang malusog na batang lalaki pinagalanan niya itong Xexiah , kagaya ni Hecate ay lumaki itong matalino ngunit hindi inaasahang higit na makapangyarihan ang isip nito sa kahit na kanino pa man, nakikita nito ang hinaharap at maykakayahang magpagalaw ng mga bagay gamit lamang ang kanyang isip(Pinagmulang lahi ng mga Psychic).
Kung totoo ang mga sabi-sabi, walang nakakaalam. Pero ikaw naniniwala kaba?
_________________________________________________________
Sa kasalukuyan ang Coven of Lilith na itinatag ni Eliphas ay ang naging pinakamalakas na samahan, naging kaalyansa ito ng gobyerno ng mga mortal (Tanging ang matataas lamang na opisyal ang nakakaalam ng existence ng mga supernaturals).
Ang Kapital ng Coven of Lilith ay nasa ilalim ng pangalan ng isang ekslusibong at tagong institusyon sa Pransya, ang Sta. Bridgetta. Pinamumunuan ito sa pamamagitan ng aristokrasya o sa ilalim ng mga aristocrat.
Ang konseho ng mga aristocrat ay binubuo ng limang makakapangyarihang pamilya, ang hanay ng mga enchantress ang pinakamataas na posisyon. Ang apat pang posisyon ay ang mga puting mangkukulam, mga warlocks, mga elementalist, at hanay ng mga mages. Ang Coven of Lilith din ay binuksan para sa mga saykiko, bilang tanda ng alyansa nila sa mga ito.

BINABASA MO ANG
Extramundane (Book 1: VOID)
FantasyAng ordinaryong buhay ni Agape ay magugulo sa paglabas ng mga sikreto, sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kaniya. Isang makabagong mundo ang pilit niyang hahamakin na kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan , isang mundo na pilit ipinalimo...