XI - Sin City

13 2 0
                                    


A's PoV,

     Buong magdamag sa'kin ikinuwento ang lahat ni kuya Eros. Limang araw na akong tulog kaya hindi naging problema sa'kin 'yun. Ang sabi niya iilan na lamang ang nakaligtas sa ginawang pagatake ng mga halimaw. Himala raw ang pagkakaligtas namin.

    Sabi pa niya pinagisipan daw talagang mabuti ng Hexagram ang kanilang gagawing taktika laban sa Coven of Lilith. Ginamit nila ang todong kapangyarihan ng isang mangkukulam na si Calypso upang palabasin ang mga alagad ng impeyerno, na ikanasawi rin umano ng mangkukulam. Hindi tinatablan ng mga mahika ang mga uri ng halimaw na galing sa impeyerno kaya hindi ito nahaharang ng panangalang na bumabalot sa Sta. Bridgetta.

   Matapos ang trahedya bumagsak ang sentro ng kapangyarihan ng mga kalahi ni Lilith, ang Sta. Bridgetta ganoon din ang mga kaalyado nitong institusyon sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang ibang nakaligtas ay nagkanya kanya ng pupuntahan nilang lugar, walang nakakaalam kung paano namin magagawang makabangon muli lalo na at watak watak na ang mga miyembro ng institusyon. 

   Nagdesisyon si kuya Eros na kaming apat, siya, ako, si Chastity, at si Sirius, ay lumuwas pa Amerika upang magtago, dahil sa mga oras na ito ay tiyak na tinutugis na kami ng mga alagad ni Vladimir na siyang pinuno ng hexagram. Pero pagkaraan daw ng dalawang araw ay nagdesisyon si Sirius na humiwalay sa'min dahil umaasa pa itong mahahanap pa niya ang kakambal. Dahil marami parin ang nawawala at isa na doon si Luna.

    Ilang araw din kaming tumigil sa California kung saan natuto ako ng mga simpleng spell sa tulong nila kuya Eros at Chastity. Mabuti na lamang ay hindi hinayaang mawala ni kuya Eros ang librong binigay sa'kin noon ni mama. Talagang binalikan niya ito kahit na nagkakagulo na noon sa Sta. Bridgetta.

Las Vegas, Nevada, (USA)

    Bumaba  kaming tatlo nila Chastity at kuya Eros mula sa aming  sasakyan na hindi ko alam kung saan nila nakuha. Naka full disguise din kami ng jacket, shades at cap. Ito ay para hindi raw kami basta basta mamukaan kung mayroon  mang mga alagad ni Vladimir sa paligid. Dala ko rin ang librong ibinilin sa'kin ni mama.

"Agape, hindi mo na kailangang bitbitin pa yan baka lalo silang makahalata." Naguguluhan ko namang tinignan si kuya Eros.

"Ipinangalan na ni tita Esmeralda ang grimoire nayan sa'yo nang ipasa niya ito sa'yo. Kaya kung kakailanganin mo ito ay bangitin mo lamang ang katagang  imperium at kusa ang librong lalapit sa'yo."

   Kaya wala akong nagawa kung hindi iwanan na lamang ang grimoire sa loob ng sasakyan.

   Matapos nun ay inilibot ko ang paningin ko. Nagtataasan ang mga gusali, napupuno ng iba't ibang kulay ng mga ilaw ang buong paligid, malalaking billboards at mga mamahaling sasakyan. Ang mga taong naglalakad sa paligid ay napupuno rin ng mga kulay ng ginto at mga dyamante sa katawan.

 Nandito na nga kami, the sin city, Las Vegas

   "Bakit ba tayo nagpunta rito?" Tanong ni Chastity kay kuya Eros.

   "May kakilala ako rito, ... Isang kaibigan. Inaasahan kong matutulungan niya tayo." Sagot naman sakanya ni Kuya Eros. Ako naman ay nanatiling tahimik lamang at nakikinig sa anumang inuutos sa'min ni kuya Eros.

  "Diyan sa loob ng malaking Casino?" Alangang tanong ni Chastity. Tinaguan lamang siya ni kuya Eros tanda ng pagsangayon.

   "Masyadong maraming bantay sa daanan, papano tayo makakapasok diyan?" Tukoy ni Chastity sa malalaking taong  nakakulay itim na nakaharang sa daanan papasok.

  "Doon tayo sa likuran. Tiyak na walang masyadong bantay doon. " Kaswal na sabi ni kuya Eros na parang alam na alam na niya ang kalakaran dito.

   Hindi maikakailang may kalakihan ang lugar kaya medyo natagalan kami sa paglalakad upang marating ang kabilang dulo ng Casino. May bantay na maskuladong lalaki sa may pintuan sa likuran pero iisa lamang ito. 

Extramundane (Book 1: VOID)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon