VII - Hexagram

11 2 0
                                    


   3rd Person PoV,

      Ang mabagsik na amoy na tila mga nasusunog na laman ay pumapasok sakanyang ilong. Bakas sa bawat paghakbang nila ang nalilikhang makapal na alikabok. Nakasunod lamang siya sa isa  sakanyang mga panginoon, si Gray. Sakanya namang likuran ay ang isa pa nilang kasamahan na si Selene, isang bampira. 

   Hawak hawak niya ang isang pulang sisidlan na gawa sa tela, na may lamang isang bagay na hinding hindi niya malilimutan kung saan nagmula. Nasa ganoong pagiisip ang babae ng marahan siyang napahinga ng malalim. Napatigil sandali ng biglang magsalita ang kanyang panginoon.

    "Raven, nagawa mo ba ang pinagkasunduan natin?" Malamig na wika ng kanyang panginoon.

   " ...Ginawa ko, Lord Gray." Sagot niya.

   "Mahusay kung ganoon, napatunayan mo ngang tapat ka at karapatdapat sa walang hanggang buhay na ipagkakaloob sa'yo." Sagot ng itim na mangkukulam.

   Patuloy nilang binaybay ang  isang makipot na lagusan  na tanging mga lampara lamang ang nagsisilbing tanglawan nila. Mapapansin ang nagkalat na bungo sa paligid. Natigil sila sa paglakad ng marating nila ang isang pader. Ngunit hindi isang simpleng pader lamang.

   Ito ay binubuo ng mga pinagpatongpatong na mga bungo ng iba't ibang nilalang, nasa ibat ibang laki at hugis.  Nangilabot siya ng mapansin na tila nakangiti ang mga ito sakanila. Isang purong mahikang itim, ang paligid ay napupuno nito at ramdam na ramdam niya 'yun.

"Ostende ipsum,"  Binanggit ni Gray ang mga katagang ito at parang mga may sariling buhay na gumulong ang mga bungo pababa at nagbukas ang isang tagong lagusan. Pagpasok nila ay agad niyang natanaw ang isang lalaking may mahabang buhok, at itim na mga labi. Ngunit higit sa lahat ay hindi bakas ang ilang daang taong tanda nito sakanila.

   Nakasuot ito ng isang mahabang itim na roba na kagaya ng kay kamatayan. Nakaupo sakanyang trono, hawak nito sakanyang kamay ang isang baston na gawa sa ugat at may berdeng malaking dyamante sa gitna. Ang kinikilala nilang pinakamataas na panginoon, na magbibigay sa kanila ng walang hanggang buhay.  Si Vladimir.

  Sa ilalim ng inuupuang trono ay nakaguhit ang simbolo, ang kanilang sinasambang hexagram. Sa bawat bahagi ng anim na mga sulok nito ay makikita ang anim na  malalaking kandilang itim. Ang dalawa sa mga ito sa bahaging kaliwa ay nakasindi na, ang apat naman na nasa kanan naman ay hindi pa. Halos lamunin din ang isip niya ng salamangkang itim na nararamdaman niyang mula rito.

   "Ama." Sambit ni Gray, matapos ay lumuhod ito at nagbigay galang kasabay ng kanyang mga alagad sa likuran.

  "Tanggapin niyo panginoon ang aming handog, ng iyong mga tapat na alagad." Dagdag nito na tila sinasalang mbuti ang kanyang mga sasabihin,  atsaka ito tumingin sa direksyon ni Raven upang sumenyas na ngayon na ang pagkakataon upang ilathala ang kanilang napagkasunduan.

   Bahagayang tumayo si Raven sa pagkakaluhod,  hawak hawak sakanyang kamay ang pulang sisidlan. "Ito ang alay ng tapat mong alagad, Lord Vlad." Binuksan niya ang tela. Iniluwa nito ang  ulo ng isang babae, ang ulo ng kanyang sariling ina. Ang kanyang sariling inang binawian niya ng buhay gamit ang kanyang sariling mga kamay. 

   Napangiti si Vladimir sakanyang nakitang katapatan ng kanyang alagad. Tumayo siya mula sa kanyang trono at marahang iniabot ang alay sakaniya. "Mahusay Raven. Asahan mo ang iyong gantimpala." Nakangisi nitong sabi nito sa mahusay na elementalist, na alipin niya.

   Inilapag niya ang ulo sa isa sa mga sulok ng hexagram, umagos ang sariwang dugo mula rito at biglang sumindi ang itim na kandilang mayroon sa dakong iyon. Ngayon tatlo na ang nakasinding kandila nakalahati na niya, tatlo na lamang ang natitra upang buuin ang kanyang itim na salamangka. Ang bawat sulok ng hexagram ay kinakailangan ng isang sakripisyo, at ang napili niya ay ang lahing nagmula sa kay Lilith.

   Alam niyang hindi siya mabibigo kapag napasakanya ang mahika ng lahing ito, matutupad narin ang ninanais niya sa wakas. Tatlo na lamang buhay ang kakailanganin niya, isang mage, isang clairvoyant na galing din sa lahi ni Lilith at ang pinakahuli ay ang inakala niyang lahing ubos na, ang hanay ng mga enchantress. Ito ang dahilan kaya sa matagal na panahon ay inakala niyang hindi na niya magagawa ang salamangkang ito. Ngunit ngayong alam niya na may nagiisa pang natitira ay hindi siya magdadalawang isip na tuluyang wakasan ang lahing ito makuha lamang ang nais niya.

   Nasa ganitong pagiisip siya nang biglang sumulpot si Silver, ang alpha ng isa sa mga makakapangyarihang lahi ng mga warewolves. Na nagbigay narin ng katapatan sakanya para sa walang hanggang buhay na ipinangako niya. May kasama ito, isang pamilyar na babae. Lalong tumingkad ang mga ngiti sakanyang mukha nang makilala niya 'to.

   "Calypso." Nakangiting aso niyang sabi.

   Bahagyang yumuko ang babaeng kasama ni Silver, "Panginooon. Ibinibigay ko sa'yo ang aking katapatan."

"Maligayang pagdating sa aking kaharian, kay tagal na panahon na ang lumipas aking kaibigan." sambit ni Vladimir.

   Isa nanamang makapangyarihang mangkukulam ang nadagdag sa pwersa niya. Ang kanyang dating kaibigan na si Calypso, ang higit dalawang daang taong gulang na mangkukulam,  bihasa sa pagbabalabas ng mga nilalang ng impeyerno. Lalo na niyang nararamdaman ang nakaambang tagumpay.


   Tumalikod siya at hinawi ang kanyang kapa, "Maghanda kayo aking mga kampon, ipapatikim natin sa mga alibughang kalahi ni Lilith ang ating poot." Madiin na sabi nito, "Papatikimin natin sila ng impeyerno!"



   [Hexagram Symbol]   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   [Hexagram Symbol]   

Extramundane (Book 1: VOID)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon