A's Pov,
Sinubukan kong kumawala sa mahikang bumabalot sa'kin, ganoon din si Chastity pero para kaming napakong dalawa sa malamig na sahig. Napansin ko rin na unti unti nang nanghihina si kuya Eros sa loob ng kulungang ginawa ni Fabian.
Nalintikan na...
Mula sa hangin ay biglang lumitaw sa harapan namin si Fabian. Nakangiting aso ito, "Alam niyo kasi sa susunod na makikipaglaro kayo, piliin niyong mabuti 'yung kakalaruin niyo." Tsaka ito tumingin sa'min nang nangaasar.
"Agape! Young Master! Pumikit kayo!" Narinig kong sigaw bigla ni Chastity, walang pagaalinlangan ko naman itong sinunod.
"Caecus!" Ang boses na narinig ko ay mula muli kay Chastity. Kahit nakapikit ako ay parang lumulusot sa bawat parte ng paningin ko ang sobrang liwanag na malamang ay pinapakawalan niya. Naramdaman ko ang unti unting paghupa nito, kaya nagdesisyon akong dumilat para malaman kung ano ang nangyayari.
Pagdilat ko nakita ko ang hingal na hingal na si Chastity, at si kuya Eros na halos nakabulagta na sa sahig. Inapuhap ng paningin ko si Fabian ngunit hindi ko talaga makita ito. "Nasaan na siya?!" Kaba kong tanong.
Mula sa kawalan ay lumitaw muli ito." Tsk! Nasisiraan ka naba talagang sorceress ka?! Binalak mo pa'kong bulagin!" Matapos ay naglaho muli ito nang parang bula, at lumitaw sa likuran ni Chastity, "Kung totoong nagiisip ka, alam mo sana na hindi gagana sa'kin ang mahina mong mahika bata."
Naglakad muli ito papunta sa harapan namin. Halatang naaaliw siya sa nakikita niya, para kaming mga laruan niya.
"Ang sarap sarap niyo palang paglaruan, ano? Pero marami pa kasi akong dapat gawin." Atsaka nito itutok ang hawak nitong wand sa direksyon namin, "Pero bago ko kayo pulbusin, may gusto lang akong malaman. hindi niyo ba talaga ako titigilang mga taga Sta. Bridgetta?! ANO BA TALAGANG KAILANGAN NIYO SA"KIN?!"
" Kailangan namin ng tulong mo." Sa wakas ay nakuha ko muling magsalita.
Naguguluhang ekspresyon ang gumuhit sa mukha nito, "Para saan? Napakalawak ng kapangyarihan ng Sta. Bridgetta!"
"Bagsak na ang Sta. Bridgetta." Mahina kong sabi ngunit sapat para marinig niya.
Halatang nagulat ito, "... Paanong?"
"Isang malaking pagsugod ang naganap sa kapital, ang hinala namin ay mula sa grupong hexagram." Nagsalita ang halos lugmok na sa lupa na si kuya Eros, "Agape, ngayon na" tsaka ito tumingin sa'kin.
Sa hindi malamang dahilan ay naintindihan ko agad ang ibig sabihin ni kuya Eros, "Imperium~!" Itinaas ko ang kanang kamay ko. Naramdaman ko ang pagbulusok ng isang libro sa kamay ko. Ang librong bigay ni mama.
"Papaano iyan napunta sa'yo?! Papaano mo napapasunod iyan?!" Nagulat si Fabian nang mapansin ang itsura ng hawak kong libro.
"Isa akong enchantress, at kailangan ko ng tulong mo."
Bumakas ang duda sa mukha nito, "Isang enchantress? Imposible, matagal nang dineklarang ubos na ang lahi nila."
"Siyang hindi tunay Fabian." Sagot ni kuya Eros.
"Sino ang kanyang ina?" Tanong ni Fabian.
"Ang itinuring mong kapatid na si Esmeralda, anak niya si Agape."
"Matagal nang pumanaw si Esmeralda, lapastangan!" Gigil na sabi nito kay kuya Eros.
"Sapat naba ito para magpatunay?" Napunta sa'kin ang atensyon niya, hinubad ko ang kwintas sa leeg ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109115770-288-k155506.jpg)
BINABASA MO ANG
Extramundane (Book 1: VOID)
FantasyAng ordinaryong buhay ni Agape ay magugulo sa paglabas ng mga sikreto, sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kaniya. Isang makabagong mundo ang pilit niyang hahamakin na kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan , isang mundo na pilit ipinalimo...