VI- Jade

14 2 0
                                        


Jade's PoV,

   Hindi nanaman ako mapakali. Parang pakiramdam ko may mali. Inabot nanaman ako ng madaling araw sa pagiisip ng kung ano ano.

   Nakilala ko ang isang misteryosong babae kanina. Nagpunta siya sa'kin dahil inakala niyang matutulungan ko siyang ibalik ang nawala niyang ala-ala. Hindi ko naman siya matulungan dahil wala naman din talaga akong kakayahan na gawin iyon.

   Ang totoo marami na akong narinig sakanya simula pa lamang nang dumating siya rito sa Sta. Bridgetta. Ang pangalan niya ay Agape, sabi nila mula raw siya sa silangang bahagi ng Amerika. Sa Virginia. Balita ko isang pagatake nanaman ang ginawa ng rebeldeng grupo na Hexagram, nang sila ay pumaroon ay isa siya sa mga naging puntirya.

   Naging laman siya ng mga usap usapan sa loob ng Sta. Bridgetta. Pero hindi ako naging interesado sa karakter niya. Maliban ngayon na ako na mismo ang nakasaksi ng pagiging kakaiba niya.


  _________________________________________________

   Abala ako noon sa pageensayo sa paggamit ng aking mga tarot cards. Nang mapansin ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan ng aking bahagyang bukas na pintuan. Nakatitig lamang siya dito at parang nagdadalwang isip kung maglalakas loob na buksan ito.

 "Pasok," Salubong ko sakanya. "Maupo ka," Nakangiti ko pang sabi sakanya at nginitian ako nito pabalik. 

   Mainam ang kanyang kasuotan. Pero halata namang hindi siya komportable rito. Malakas ang kutob ko na si Luna ang dahilan kaya napilit siyang masuot ng hindi ganoon kakonserbatibong damit. Maganda siya walang duda roon pero hindi siya ang tipo ng babaeng magdadamit ng maiiksi kagaya nito, marahil naninibago siya.

   "From the heart comes power." Bulalas  ko, tinapunan niya naman agad ako ng isang tingin na para bang ako ang pinaka tangang nilalang mundo. "'Ayun ang ibig sabihin ng mga salitang iyon, ex animo potentia." Paglilinaw ko, nakita ko kasing tinititigan niya ang mga letrang nakaukit sa pintuan ko bago ko siya imbitahang pumasok sa loob.

" Huwag kang mag-alala hindi ko nababasa ang isip mo, kagaya ng iniisip mo ngayon." Biro ko pa.

"Ano?" Natawa ako sa naging reaksyon ng mukha niya.

"Hahahaha, nagbibiro lamang ako. Hindi ko talaga nababasa ang nasa isip mo dahil kailangan kitang hawakan para gawin iyon." Sambit ko atsaka umayos ng postura. "Ako nga pala si Jade, clairvoyant." Pagpapakilala ko.

"Narinig ko na nga ang tungkol doon mula kay Luna" Kasabay nito ay ang pagtango nito bilang pagsangayon. " Agape." Pagpapakilala nito.

"Ang ganda ng pangalan mo, ang ibig sabihin nito ay ang pinaka mataas na uri ng pagibig." Sabi ko nabasa ko ang tungkol doon sa isang aklat ng mga Griyego.

"Salamat. 'Yun nga ang sabi nila," Sambit nito.

"At isa kang? Tanong ko dahil hindi naman niya binanggit.

"Mage." Tipid na sagot nito.

  Sinabi niya na isa siyang uri ng mangkukulam, isang mage. Marahil iyon ang pinaniniwalaan niya. Pero sigurado akong hindi kapangyarihan ng isang mage ang nararamdaman ko mula sakanya. Malakas iyon pero nakatago, ito ang duda ko. Idag dag mo pang maging ang aura niya ay walang kulay kaya hindi ko talaga siya mabasa.  

  Agad na akong nagtaka ng subukan kong basahin ang isip niya. May nakaharang na mahika rito, isang mahika na hindi pamilyar saakin. Ang isang ordinaryong mangkukulam o kahit na ang mga aristocrat na galing sa lahi ni Lilith ay nababasa ko ang isip sa oras na mahawakan ko siya at gustuhin ko. Ngunit ang sakanya, hindi ko mapasok.

Extramundane (Book 1: VOID)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon