✪Glosaryo

31 2 0
                                    


Glossary:

Ancestral Witches- Mga terrotorial na mangkukulam, ang kanilang mahika ay nagmumula sa kanilang mga ninuno.Isang lahi ng mga mangkukulam na gumagamit ng itim na mahika na kayang bumuhay ng mga yumao(Necromancy).

Aria- Kilala din bilang "Holy Land" ito ang kapital ng pamahalaan ng mga Nephilim.

Aristocrat- Makapangyarihang lahi na nagmula sa lahi ni Lilith.

Aristocrat Royalties:

   Enchantress - Kayang manipulahin ang kalikasan at mga sinaunang mahika, natural na kakayahan nila ang paglalaho o teleportation. Pinakamakapangyarihang lahi sa ilalim ng Coven of Lilith. Ang kanilang patron ay ang panganay na anak ni Lilith si Eliphas na siya ring tagapagtatag ng Coven of Lilith.

    Sorceress/White Witches- Dalubhasa sa puting mahika at pangagamot. Ang kanilang patron ay ang pangalawang anak ni Lilith na si Hecate.

   Warlocks - May kapangyarihan ng unos,bagyo, kidlat at panahon. Ang kanilang patron ay ang ikatlong anak ni Lilith na si Cornelius.

   Elementalist/Elemental Witches- Kayang kontrolin ang apat na elemento ang hangin, apoy, tubig at ang lupa. Ang kanilang patron ay ang ikaapat na anak ni Lilith na si Circe.

   Mage - Bihasa sa paggamit ng mga sandata na mayroong mahika. Hindi katulad ng iba ang mga mages ay kinakailangan ng wands o di kaya'y dark objects para makapag-cast ng spells.Ang kanilang patron ay ang bunsong anak ni Lilith na si Medusa.

   Clairvoyant/ Psychic - Mga nilalang na may kakayahang magpagalaw ng mga bagay gamit ang kapangyarihan ng isip at makita ang hinaharap sa pamamagitan ng mga pangitain. Ang kanilang kinikilalang panginoon ay si Xexiah ang anak ni Hecate na kinikilala bilang pinakauna at pinaka malakas na psychic.



   Coven of Lilith- Isang samahang itinatag ni Eliphas at pinamunuan ng limang dakilang anak ni Lilith.

   Lady/Lady Royal- Hinahalili sa unahan ng pangalan ng isang babaeng aristocrat.

   Nephilim- Mga banal na nilalang, kalahating tao at kalahating anghel. Isinugo ng archangel na si Selaphiel , upang protektahan ang sangkatauhan.

   Plebeian- Isang terminong ginagamit para sa mga commoner, o mga walang dugong bughaw na mga mangkukulam na hindi mula sa lahi ni Lilith.

   Rediant- Ang pinakamataas na posisyon, pinuno ng Coven.

   Sta. Bridgetta- Isang ekslusibong Institusyon sa Pransya. Aristokrasya ang pamunuan dito.

   Young Master- Hinahalili sa pangalan ng lalaking magmamana ng rediancy o trono.

Notice: Ang glosaryong ito ay naglalaman ng depinisyon (Ibig-sabihin) ng mga salitang maari mong makaengkwetro sa pagbabasa. Isinulat ito upang lubusan at epektibong maipahayag ang kuro-kuro ng may-akda. 

Extramundane (Book 1: VOID)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon