VIII - Atake

8 2 0
                                    


A's PoV,

    Kahapon, kinabahan ako sa naging reaksyon nung clairvoyant, si Jade. Para siyang nauutal nung subukan kong tanungin kung anong nangyayari, sabi niya wala lang daw tsaka ngumiti sa'kin, pero alam kong peke at pilit ang mga ngiti na iyon. Ang pakiramdam ko may hindi siya masabi sa'kin, mukhang hindi siya naging komportable sa'kin kaya mas minabuti ko nalang na kusang umalis. 

   Heto ako ngayon nakikipagtitigan  sa aking repleksyon sa salamin, ibang iba na ang ayos ng babaeng ito. Ibang iba na pati ang pananamit niya. Parang hindi ko na siya kilala. 

   Napapikit ako at agad ding dumilat.

   Pero pagdilat ko ng mga mata ko, para akong nilamon ng salamin na nasa harap ko. Puro kulay pula lamang ang nakikita ko, kasing pula ng sariwang dugo. Hanggang sa nagliwanag at parang niluwa ako ng salamin sa harapan ko, pero puro lamat at basag basag na ito, nakita ko ang repleksyon ko sa basag na salamin ganoon parin ang suot ko, hawak hawak ko ang isang espadang pamilyar sa'kin.

   Nilibot ko ang panigin ko at pinakarimadaman ang buong paligid. Sira ang lahat ng mga kagamitan, ang lahat ay tinutupok na ng apoy. Mayroong basag na digital na orasan sa lapag pinulot ko ito at  gumagana pa ito, 11:31 PM, nakalagay dito ngunit parang halos mapundi na ang ilaw nito. Teka, pamilyar ang orasang ito ah? Doon naging klaro ang lahat sa'kin. 

   Narito ako sa kwarto ko. Pero anong nangyayari, bakit sira sira na lahat ng gamit? Biglang may sumiklab sa'king likuran. Pagtingin ko sa may bandang pintuan ay may limang malalaking asong nababalutan ng apoy, ang talas ng tingin ng mga ito sa'kin tila gusto akong kaining buhay. Nagulat ako nang kusang gumalaw ang katawan ko at itinutok sa mga ito ang espadang hawak ko.

Umalulong ang nasa gitna at sabay sabay silang  umamba na tila gusto akong sakmalin.

  Akmang sasakmalin na'ko ng isa  ng biglang may pulang liwanag ang bumulusok, ang  liwanag ay nagmumula sa ruby necklace na bigay ni mama.  Nilamon muli ako ng kulay pulang liwanag. Naglaho ang lahat at parang hinigop muli ako mula sa kawalan. 

  Parang niluwa sa isang napakasikip na bagay. 

   ---Pagdilat ko, nakita ko ulit ang sarili ko sa harapan ng salamin, pero hindi na ito basag. Napahawak ako sa aking dibdib, nakapa ko ang necklace na bigay ni mama, mainit ito.

   Ano ba yung nangyari? Isa ba iyong pangitain? Para akong napunta sa hinaharap.

   Pero kumabog yung dibdib ko nang mapansin ko 'yung relong nakita ko. Ang oras dito, 11:30 PM. Isang minuto nalang ang pagitan. Hinanda ko ang sarili ko. Kinuha ko 'yung isang espada na mula kay Luna sa ilalim ng kama ko, sabi niya kasi ay kakailanganin daw namin 'yun sa pagsasanay ngunit isang linggo palang naman ang makalipas ng mapunta ko rito kaya hindi pa kami nakakapagsimula.  Ang totoo hindi ko alam gamitin ang espadang 'to dahil sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman ako nakakahawak nito sa buong buhay ko. 

   May kumalampag sa may bandang pintuan kaya napakilos ako, Napatingin ako sa orasan, 11:31 PM. Hindi ko alam sa sarili ko, pero parang ang gaan gaan ng espadang hawak ko.  Kagaya ng inaasahan biglang bumalibag ang pinto at nagkapirapiraso tumama ang ilang piraso nito sa may salaminan dahilan upang maglamat ito ang iba naman ay naramdaman kong gumasgas sa'king balat dahilan upang magtamo ako ng mga sugat.  Sinundan pa ito ng isang malakas na pagsiklab na naging  dahilan naman upang kumalat ang apoy sa buong paligid, inuluwa ang tatlong asong nababalutan ng apoy. 

Tama nga ako ng hinala, napunta nga ako sa hinaharap kanina. Isa nga 'yong pangitain.

   Hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob na itutok ang espadang hawak ko sa mga hindi ko kilalang nilalang sa harapan ko. Pero kagaya ng nasa pangitain ko nagawa ko. Akmang susugurin ako ng isa nang tila may sariling buhay ang katawan kong gumalaw upang laslasin ang leeg nito. Naging dahilan iyon upang mapulbos 'yung halimaw. 

Extramundane (Book 1: VOID)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon