Chapter4

4.8K 113 2
                                    

Pinagtest pa sya ng matanda, madali lang naman, para hindi halata, sinagot nya ng tagalong.


“Kala ko, test sa TESDA”, sabay ngisi. Pagkatapos nyang sagutan, binigay nya kay Manang


‘Ano yun?”


“Ah wala po, hehehe”


“Mataas kasi ang standard ni ma’am, ayaw nya ng magaling lang magdrive, gusto  nya may utak din.” Nakangising sagot  nito.


Chinicheck pa nito ang papel nya ng may tumawag mula sa second floor.


“Linda! Hindi pa ba luto ang pinaluluto ko?”


Lumabas mula sa isang kwaro ang isang hindi naman katandaang lalake, namumukaan nya ito, hindi lang nya alam kung sino, Mukhang naiinis na ito.

“A-ah, sir, malapit na ho!”, sagot ng matanda.


“Bilisan mo!”

“ah Dave, maiwan muna kita dyan, ihahanda ko lang yung mga pinaluto ni Sir,  hintayin mo ako, papakita ko sa’yo yung kwarto mo.’


“ah, sige po.”

^.^

Umalis na si Manang Linda.


‘kaya pala, pasulpot- sulpot itong si manang, may ginagawa sa kusina. Hhhhmmm.. sya si sir, siguro asawa nun ang amo ko…”


Mula sa sala ay lumabas sya ng bahay, ayaw nya magkakalilkot sa loob ng bahay, mamaya kung ano pa isipin sa kanya.


Nakita nya ang hardinero na nagti-trim ng mga malalaking Bonzai. Matanda na ito, at medyo mabagal nang kumilos. Nang matapos na sa Bonzai, ay yung mataas na halaman naman ang tinriman, at dahil nga mataas, gagamit sya ng hagdan, kaso, mukhang hindi na nya kaya, bakit kasi pinanuod nya lang.baliw! mamaya, sinaluhan nya si Manong at tinulungan sa gingawa, maya- maya’y nagkwentuhan na sila.


“Ganun po ba?Mang  Teban? 30 years na kayo dito?


“Aba’y oo. Maliit pa yang si Sir Ernesto, eh ako na talaga ang hardinerop dito, mabait ang pamilyang ‘yan, napagtapos ko nga ang mga anak ko sa tulong nila.”

Bakas sa Mukha ng matanda ang tuwa,


“Eh, mukha namang masungit manong !”


“May dinaramdam lang kasi yang si sir, kahit matagal ng namatay ang asaw’t anak nyang lalaki ay hindi pa rin nya lubos na tanggap.


o.o 


“ibig nyo pong sabihin… yung pagdadrive ko eh anak nyang babae? Kasi sabi ni Manang Linda, Ma’am daw.”


Kumunot ang noo nya, Ngumiti naman si manong.


My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon