Simula sa gate ng mansion ng mga Monteclaro ay naglakad si Pia at Dave papunt sa terminal ng tricycle papuntang sakayan ng bus, kahit hirap na hirap si Pia sa paglalakad dahil nakahigh heels ito ay hindi naman ito umiimik habang si David ay panay ang tingin sa kanya upang masiguro na maayos ang lagay nito.
“Ma’am okay lang po ba kayo?” tanong ni Dave habang naghihintay sila kasama ng ibang pasahero sa pagdating ng bus.
“Sa tingin mo? Okay ako?” iritang sagot ni Pia, kanina pa sya naiirita, dahil una mainit at wala syang dalang payong, pangalawa, sobrang hassle, at pangatlo kanina pa sya pinagtitinginan ng mga dumadaang by standers o pasahero, sya lang kase ang sobrang pormal ang suot doon sa mabahong terminal ng bus at ang ingay pa ng paligid.
“eh ma’am kung magtatxi ho kayo mas hassle, traffic…” sagot ni Dave habang inaayos nito ang pagkakahawak nya sa mga bag ni PIa, nakita nyang nagpaypay ito gamit ang kamay at pumunas ng paawis.
“Ma’am, teka lang po ah.. may bibilhin lang ako…” paalam nya saglit kay Pia, at bigla syang tumalikod papunta sa mga tindahan.
“Teka saan ka pupunta? Ayokong maiwan ditto!” utos nya. At saka sumunod kay Dave.
Bumili pala si Dave ng Payong at pamaypay para sa kanya, hindi nya alam kung pano magpasalamt kaya nanahimik na lang sya, si Dave kase ang nagpapayong at nagpapaypay sa kanya, hindi naman nya kayang sabihing sya na ang gagawa non, dahil nakikita nyang pawisan na si Dave, bitbit kase nito sa mga braso ang 2 naglalakihang bag nya habang hawak nya ang payong ay pamaypay.
“Ang tagal naman ng Bus.... anong oras na ba?” naiinis na tanong ni Pia.
“8:30 palang ma’am, malapit nay un…” sagot ni Dave, kahit pinagpapawisan na sya ay okay lang sa kanya, wag lang si Pia, kahit hirap na hirap sya sa pagbitbit ng mga bag nito ay okay lang sya. Maya- maya pa ay dumating na ang bus. As usual, punuan meaning siksikan.
“Tara na Ma’am….!” Yaya ni Dave kay Pia.
“Makikipagsiksikan tayo dyan?” gulat na tanong ni Pia, bahid sa mukha nito ang pagkabigla. Ngayon lang sya makikipaggitgitan sa mga pawisang pasahero nay un.
“Opo! Tara na!” tiniklop ni Dave ang payong at inilagay sa bag, pati na ang pamaypay at pinauna si Pia sa paglalakad, actually ngayon na lang ulit sya sasakay ng PUB, una nong college sila, kailangan nilang pumunta sa kung saan at bus lang ang tanging transportasyon.
Sila ang huling sumakay ng Bus.
“Wala nang upuan, baba na tayo..” pababa na si Pia nang pigilan sya si Dave.
“Okay lang ho yan ma’am, malapit lang naman po ang bababaan naten..” nakangiting tugon nya.
“Masakait na ang mga paa ko kakatayo… siksikan pa dito sa mabahong bus na to! “ panggigigil ni Pia, totoo naman kase ang sinabi nya na masakit na ang paa at ayaw nya talagang sumakay sa malasardinas na bus na iyon hindi maganda ang pakiramdam nya sa bus na yon.
“San dali lang ma’am…” paalam ni Dave. Nagtaka si Pia nang sa may dulo ng bus ay may tumayong dalawang lalaki at sya ang pinapaupo, nang makaupo na, pinagtinginan sya ng ibang pasahero, sya lang kase ang umuokupa sa pandalawahang pasahero, samantalang si Dave ay nakatayo na parang ginagwardyahan sya.