Chapter37

2.7K 46 0
                                    

HELLO! salamat sa mga naglagay nito sa kanilang RL :D

ENJOY READING.

________________________

Chapter 37

“Ate Pia, klas ka daw po ni Kuya Eyb… pakiss daw po…”

Hindi alam ni Pia, kung matatawa o magagalit, maiinis o kikiligin… talagang ginamit nya pa ang bata para lang sabihing crush nya ito…

Gamit ang tsinelas, binato nya si Dave..

“oy, anong kasalanan ko?” buti na lang at nakaiwas si Dave, pati si Kakay na katabi nya ay nakaiwas din..

Binato pa ulet ni Pia ang isang pares… sa totoo lang, front nya lang yun eh.. kase natatawang kinikilig nya. hindi nya lang talaga pinapahalata..

“Oy teka naman Pia, hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko eh….” Sabi ni Dave nang nakaiwas ng pangalawang beses sa tsinelas ni Pia, at akmang ibabato sa kanya ang lata na nadampot nito.

Hindi nya nga alam kung bakit nambato sya eh…

Panu na lang pala kung sa iisang bahay na sila tumira edi magiging battered husband sya? Nako lang!

“Napakamanyak mo! Etong para sayo! Mmmm!” at hinampas ni Pia ng planggana si Dave sa ulo.

“aray naman, manyak ba yon? Eh nahalikan na naman kita dati ah?” sabi ni Dave sabay sapo sa ulo..

Nakita nyang lumaki ang mata ni Pia at pinamulahan ito ng mukha…

“aba’t! talaga naman!!!!!” oo nga pala, nahalikan sya ni Dave nung sumakay sila ng MRT…. Arrrghhhh! Bakit kailangang ipaalala yon??? Sa inis at hiya nya, bumalik si Pia sa kinauupuan, gamit ang lakas, hinatak nya yung upuang kahoy, syempre pinaupo nya si Nene katabi ni Kakay.

“oy-oy! Mabigat yan ah! Pia….” Sabi ni Dave habang pinangdedepensa ang kamay!

“Manyak ka!!!!’ sigaw ni Pia,

“o—oy!!!!!”

Ibabato na sana ni Pia ang table nang biglang tumalon si Dave sa dagat…. Nagtaka naman sya, agad nyang binaba ang tabla..

Biglang umahon si Dave… si Pia, nakita nya… tumatawa.. ganun din ang mga bata… ano ba naging itsura nya? tsaka teka… first time na naman to… narinig nyang tumawa si Pia, hindi yon fake, kundi totoong tawa, yung halakhak. Ang sarap palang pakinggan ng mga tawa ni Pia… nakakaenganyo.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA”

“bakit ka tumalon?” tanong ni Pia.

“eh syempre papaluin mo ko nun? Kesa naman magkapasa ang gwapo kong mukhan de bale nang mabasa ako!”

“mmm!” gamit ang planggana , mahinang pinukpok ni Pia si Dave sa ulo.

“aray!” sabi ni Dave sabay hawak sa ulo nya…

Tumawa ulet silang tatlo… para naman makaganti hinila ni Dave ang kamay ni Pia sa tubig…

‘Dav---mmmm” bago pa man makareklamo si Pia, nasa dagat na sya, hawak ni Dave.

Umahon sya sa tubig para huminga.

“you! Why did you do that!” sabay hampas sa ulo ni Dave na kinatawa naman ng dalawang bata, nakita ito ni Pia, at naenganyo sya sa tawa ni Nene, kaya’t natawa na rin sya… hawak ni Dave ang bewang nya…

Biglang nilapit ni Dave ang bibig nya sa tenga ni Pia.

“ang sarap pakinggan ng tawa mo…. Your laugh sounds like heaven”

My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon