Chapter11

3.3K 81 2
                                    

Update na naman.. hehehe.. VOTE, COMMENT AND do RECOMMEND.. please..... :))))

CHAPTER11

Nakita ni Dave na namula ang pisngi ni Pia, lihim syang napangiti dahil, ang ganda nito sa paningin nya. At natuwa sya sa nakitang namula ito, akalain mo yun? Distant at cold na babae, biglang namula.haha.


Dahil biglang pumasok sa CR si Pia, saglit nyang nilibot ang paningin sa kuwarto nito, puro awards ang nandun, walang ni isa mang picture nito o ng pamilya nito, naupo sya sa couch, hindi naman siguro magagalit si Pia.


Mula sa Cr ay narinig nyang tinawag sya nito at kinakampayan na lumapit.


“yes ma’am?” tanong nya nang makalapit kay Pia.


“Pumunta kang convenient store, buy me sanitary napkin, then umuwi ka, kumuha ka ng pamalit ko, dalian mo!” utos nito .biglang sarado ng pinto


“HA?” nanlaki ang mata nito. Naiwan syang nakanganga. Sabi na nga ba, yung pangalawang  iniisip nya ang tama, meron itong buwanang dalaw at tumagos iyon sa slacks na suot nito, kulay pale kasi iyon, kaya;t halatang-halata, pero sandali, Sya bibili ng Napkin? Oh c’mmon.?!


Kumatok sya sa pinto, bumukas naman, sumalubong sa kanya ang galit na Pia.


“Ano? Di ka pa umaalis?” asik nito.


“Ma’am, bibili po ako ng napkin?” tanong ni Dave dito.


“Kakasabi ko nga lang diba?”


“Pero ma’------“ hindi na sya pinatapos ni Pia magsalita at sumagot na sya.


“lalake ka? Bakit babae lang ba bumibili ng sanitary napkin?, sige na umalis ka na!” maotoridad nitong pahayag at muling sinara ang pinto.


This is totally disgusting! Sigaw ng isip Dave. Narinig nya itong sumigaw mula sa loob ng banyo.


“Dalian mo na!”


“OPO!” sumigaw din sya.


Naman! Naman! Umalis si Dave na hindi maipinta ang mukha, naiinis sya kay Pia, dahil sya ang inutusan nitong bumili ng napkin, kalalaki nyang tao, ano na lang sasabihin ng mga nakakakita sa kanya? Parang gusto nyang manapak! Bakit kasi hindi na lang si Angeline ang utusan nya?


Paglabas nya ng oposina nito ay wala ng secretary neto at konti na lang ang mga staffs na nandoon, ibig sabihin ay uwian na., pag tingin nya ng orasan 5:30 na. uwian na nga. Actually kanina pang 4:00 pm.


Pagpasok nya sa convenient store, napakamot si Dave ng ulo, madaming tao sa naturang store! At halos babae.


“Naku naman”inis na  bulong nya. Bakit ang daming tao ngayon sa convenient store na yon ng mga panahon nay un.

My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon