Binilisan pa ni Dave ang pagmamaneho.
“Hoy ano ba? Nakikipagkarera ka ba?” sarkastikong tanong ni Pia, nang mapansin nyang bumilis pa lalo ang pagmamanaho ni Dave.
“Ma’am, hindi po ba kayo na nagsabi na bilisan ko ho ang pagmamaneho?’ pamimilosopo nito.
“Napakapilosopo mo no?, bilisan mo, yung tama lang, hindi yung ganito, nakahawak na ako sa upuan! At napilitang magsetbelt! bagalan mo! “ pagtataas ng boses ni Pia.
“Hindi naman po, sumusunod lang po.” Sabi ni Dave.
Binagalan naman ito ni Dave. Napansin ni Pia na bumagal nga ang takbo ng van, sobrang bagal!
“Ano ba?iniinis mo ba ako? Gusto mo bang tanggalin na kita agad?YOU”RE F----“
Bago pa natapos ni Pia ang sasabihin, nagmakaawa si Dave.
“Ma’am, sorry na ho!! H’wag nyo ho akong tanggalin agad, ayoko ko hong mamatay ang nanay ko ng walng nagagawa please ho sumusunod lang po ako sa inyo.”
Biglang napahinto si Pia, alam kasi nya ang pakiramdam kung gaano kasakit mawalan ng ina, kaya ikinonsidera nya ito. At ayaw nyang may mawalan pa ng isang ina.
“Ayusin mo yang pagdadrive mo!” yun lang ang nasabi nya at itinuon ang pansin sa hawak na papel.
“Opo!”atubiling sagot ni Dave, bakas sya mukha nya ang kaba kanina.
Dave, kamuntikan ka na!
At maayos naman silang nakarating sa sementeryo.
Pinagbuksan ni Dave si Pia ng pinto, at sinundan ito hanggang sa narating nila ang puntod ng ina.ibinababa nya ang cake at sinindihan ang kandilang dala, tig- isa ang mommy nya at kuya nya, binaba na rin nya ang mga bulaklak.
“Ma, sorry “, usal ni Pia
Ilang minutong tahimik si Pia, nakatingin sa lapida ng ina at sa kapatid nito, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa alaala nya ang nangyari sa kapatid at nanay nya. Matatag na sya ngayon, kumpara dati na umiiyak pa sya tuwing kaarwan ng mommy at kuya nya. Ngayon ay hindi na sya umiiyak at naka tiim bagang lamang. Tiningnan lang sya ni Dave. Maya-maya pa’y bumalik na rin si Pia sa van kasunod si Dave.
Nakarating na sila ng bahay. Buong byahe ay tahimik silang dalawa, ayaw na kasi ni Dave na magsalita, baka tuluyan na syang tanggalin ni Pia, nakita nya kung pano, nagbago ang mukha ni Pia nang mabanggit nya kanina na ayaw nyang mamatay ang ina, parang naawa ito sa kanya. Nakatingi n sya rito mula sa review mirror, napansin nyang inis na naman ito. Naalala nya, hindi nya pa ito pinagbubuksan ng pinto.
“Oh? Ano to? Dito lang tayo? Hindi mo ako pagbubuksan ng pinto?” sarcastic na sabi ni Pia.
‘pasensya ho” sabay baba at pinagbuksan ito ng pinto.
Mayayaman talaga., TAMAD!! Sabagay! Haha
“Kunin mo yan” sabi ni Pia, sabay turo sa mga dala.
“Sundan mo ako at ipaliliwanag ko sayo ang mga hindi dapat sa pamamahaya ko.”
‘Opo.”
Ambigat naman nito, ano yan? Ginagawang assignment ang mga paper works?
Sinundan ni Dave si Pia hanggang Library.
“Sige ibaba mo na yan dyan. Umupo ka dito.’ Turo sa upuan sa harap.
“Ngayon, David…” panimula ni Pia. Napansin nyang napangiwi si Dave.
“o bakit?”
“ma’am, ang sakit ho kasing pakinggan yung David, Dave na lang po kasi..” pagmamakaawa nya, peo waepek pa rink ay Pia.