“ Sino kaya sila? At anong kailangan nila sakin?” tanong ni Pia sa sarili habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak, nasa opisina na sya ngayon. Isang malaking question mark pa rin sa kanya ang paghabol ng isang itim na kotse sa kanila nang nagdaang gabi. Buti na lang at hindi armado ang mga iyon, sa tingin nya.
“Ma’am, I would like to remind you that you have a meeting with the board at exactly 10 am and right after that you’ll have to be in the VTR to be a panel and by 4pm, you’ll visit the field ma’am” mula iyon sa intercom na nagcoconnect sa kanya at sa secretary nyang si Angelie.
“okay, I’ll be there..” tiningnan nya ang relo nya, sakto, quarter to 10 na.
Pagbukas nya ng pinto, doon naghihintay ang secretary nya, pati na rin ang driver nya, ito kasi ang tagabit-bit nya ng mga papeles nya. At ang huli ay nakangiti. Kita na naman nya ang mga maliliit na dimples nito sa gilid ng labi.
“ Let me ma’am” sabi ni Dave kay Pia, nang mapansin nyang marami itong dala.
Annoying! sigaw ng utak ni Pia. Napakunot sya ng noo. Hindi nya alam, pero simula nung insedenteng nangyare sa may CR nya, eh naiirita at naiilang na sya dito, na hindi nya ito matitigan ng matagal, worst matawag ang pangalan. WEIRD!
“ikaw naman talaga ang magdadala nito…” abot nya kay Dave at nauunang maglakad.
Nang medyo nakalayo-layo na si Pia, tinanong nya si Angelie.
“bakit kaya nakasimangot na naman si Ma’am?”
“malay ko… dapat nga alam mo kasi tuwing umaga kasama mo sya!” bulungan ng dalawa.
Sa loob kasi ng ilang lingo ay naging malapit na rin sa isa’t-isa si Angelie at Dave, nalaman na nga ng huli na may asawa’t anak na si Angelie, at dito rin sya minsan nagtatanong tungkol kay Pia, ang hindi lang nito alam, ay kung paano namantay ang ina at kapatid ni Pia, pag si Manang Linda ang tinatanong nya ay ayaw naman nitong sabihin.. past is past na daw. Tsk..
“Are you having a conversation behind my back?” tumigil sa paglalakad si Pia sabay humarap sa kanila, napaatras naman sila ng bahagya.
Nakita naman nya sa blind spot ng mata nya na napalunok si Angelie.