Chapter20

2.8K 69 3
                                    

bukas  na pala mag AARMY si Lee Teuk... ang sakit.. maghihintay pa ako ng 2 years... bakit kase ganun sa Korea?? asar!!!! di bale, makikita pa naten sya sa kwento ko... TT^TT

----------------------------

napamulat si Dave.

"Ma'am!" 

bigla namang umiwas ng tingin si Pia,

tinakpan ni Dave ang katawan nya gamit ang kamay nya.

"hehehehehehe"

tumayo si Dave, pero bigla rin syang napaupo dahil sa jkirot na dulot ng sugat nya.

"aww.." sabay hawak ni Dave sa tagiliran nya.

Para namang naramdam ni Pia ang hapdi ng sugat ni Dave, pati sya napangiwi ng nasaktan ito.

"hu-huwag ka munang tu-tumayo.." sabi nya, sabay talikod..

"Ma'am---" may sasabihin pa sana sya.. wag na lang.. mamaya na lang..

BLAAG!

napangiwi si Dave nang narinig nyang padabog ang pagsara ng Pinto ni Pia.

"Galit kaya yun?" pagtatanong nya sa sarili.

".... last day ko na pala kahapon.. tskkk...tskkk" iiling-iling sya.

"...sana magbago pa isip nya... arraayy.." humapdi na naman ang sugat nya.

------------------------------------------------

"Ma'am, muntik-muntikan na naming makuha... may humarang!"

"kung hindi ba naman kayo utak manok! maiisahan ba kayo? ilan ba silang humarang at itong buboy eh naospital pa?" tukoy ni Joyce sa mga inutusan nya upang kidnapin si Pia.

"ma'am isa lang po..."

"ANO?? ISA LANG???..mmmmm!" sabay sampal sa nagsalita.

"MGA DUWAG! IISA LANG ? NAISAHAN PA KAYO??LUMAYAS KAYO SA PANINGIN KO!!!"

"Ma'am, ang bilis po kase..."

"LAYAS!!"

naisuklay ni Joyce ang kamay sa mhabang buhok.. sabay sindi ng sigarilyo.

"hindi man kita nakuha ngayon Pia, malay mo bukas o kaya sa makalawa.. hindi ako titigil hanggat hindi ko naipaghihiganti ang kapatid ko!"

--------------------------------------------

Nagulat si Pia sa paraan nya ng pagsara ng pinto, hindi nya namalayang padabog ang pagsara nya, tiningnan nya ang kamay, wala syang parkinson's disease pero nanginginig ang kamay nya. namamawis.

"mmmhooooo" napahinga si Pia, grabe na naman ang kaba nya..

Tumingin sya sa pinto na para bang may Xray vission sya, saka dumirecho sa CR.

Hindi pa rin makakilos ng maayos si dave, pero nagawa na nyang makatayo, pipihitin na sana nya ang pinto palabas ng opisina ni Pia nang biglang bumukas ang pintong pinasukan ni Pia.

"oh? saan ka pupunta? diba sabi ko, jan ka lang?" sabi nito na wala man lang ekspresyon sa mukha.

May sinabi ba sya?

"Ano hindi mo narinig? Umupo ka!" utos nito.

nakatayo lang si Pia sa may pinto, hinintay nya lang si dave na makaupo. Dahan-dahan ang lakad neto, yung tipong bagong tuli.

Katatayo lang, pauupuin na naman...ang sakit mejo ngingiwi-ngiwi pa si Dave.

"ahhhhh...." narelieve naman si dave kahit papano nang makaupo sya, samantalang si Pia, ayun nakatingin lang sa kanya. Umayos ng upo si Dave, andun pa pala si Pia.

"Bakit po Ma'am?"

Lumapit si Pia, mula sa likuran nya, ibinaba nya ang hawak ng first aid kit sa lamesa, saka umupo. hahawakan na sana ni Dave ang kit, nang tabigin ni Pia ang kamay nya.

"Ma'am?" may pagtataka sa muka ni Dave.

walang imik na binuksan ni Pia ang kit, kumuha ng bulak, betadine, gauze, masking tape na maliit, alcohol.

"Ako na." with her plain and cold voice.

O.o

Anu daw? sya? Sya ang maggagamot ng sugat ko? Ano to joke? aaahhhh! baka panaginip!! pinisil ni Dave ang sugat.

"ARRRRRRAAYAYYYYYYY!!" napapikit sya, pagdilat nya. Hindi nga sya nananaginip. SI PIA ANG GAGAMOT NG SUGAT NYA.

"Bakit mo kinurot ang sugat mo? nahihibang ka na ba? ayaw mo bang gumaling?" sabi ni Pia, nakaredi na ang bulak na may Alcohol.

"Ah hinde po..." ^o^

"yun naman pala eh..." sabay punas ng bulak sa sugat nya.

"ARRRAYY!"

"wag ka ngang maingay!" napahinto naman si Pia.  ~.<

"Ma'am, ang sakit!" reklamo ni Dave.

"syempre nililinis ko ang sugat mo!" ~.<

"o-okay..." napapaarko na ang katawan ni Dave sa sakit, kada pahid ni Pia ng Alcohol at betadine, hindi na sya umaaray, mejo madiin kasi ang pagpahid neto, tinitiis nya lang, ang mahalaga, malapit sa kanya si Pia, tinitingnan na lang nya ito para hindi maramdaman ang sakit.

Ang lapit-lapit ni Pia sa abs, este kay Dave, nakayuko sya, pinipigilan nya ang panginginig, at sa tuwing nararamdaman nyang nakatitig ito sa kanya, mejo dinidiinan nya ang pagpahid, ngayon nya lang kase ito nagawa, ito na rin ang pasasalamat nya sa ginawa nito para sa kanya, hindi man nya nakita, alam nyang ito ang sumagip sa kanya, She can't voice out the words "THANK YOU"  pinipigilan nya ring tumingin sa muka ni Dave, kaya't pinipilit nyang ifocus ang sarili sa sugat nito.

"Ma'am?" Dave breaks out the silence.

Napatigil naman si Pia sa paggagamot ng sugat nya.

"Ano?"

nakatitig lang sa kanya si Dave. Mata sa mata. walang gumagalaw sa kanila, para bang ang oras ay huminto. pati ang Brownian Movement ng mga dust huminto. si Pia naman parang naestatwa nang hindi nya alam, parang may kapangyarihan ang mata ni Dave, parang time stopper. 

parang may taglay namang magnet ang mukha ni Pia, kaya't napapalapit sya...

lapit....

lapit......

lapit........

lapit.........

until their faces are inches away from each other.

wala pa ring umiimik... parehas silang nakikiramdam.... naamoy ang hininga ang bawat isa.

nakita ni Pia na lumunok si Dave, samantalang ang huli ay nakatingin si mga labi nya.

lapit....

"Ma'am......here's your schedule for tod-------"

napaatras silang dalawa nang bumukas ang pinto ng opisina ni Pia at iluwa nito si Angeline.sa gulat ni Pila naisaksak nya ang bulak na may betadine sa sugat ni Dave.

"ARRRRRAAAYYYYY!" napakislot ito sa sakit.

--------------------------------------------------------------------------------------------

itowtowloy...

wag maingay. magcomment daw kayo o kaya magvote sabe ni Pia, ayan oh nakatingin sya sayo >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon