Chapter15

2.9K 57 1
                                    

Buong byahe nila pauwi ay tahimik lang si Pia, pero hindi sya mapakali, palipat-lipat sya ng posisyon sa kinauupuan nya. At kahit itry nyang ibaling ang atensyon sa mga papeles nya, ay ayaw gumana ng utak nya. Parang nagiging Claustrophobic na rin sya. Hindi nya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, tuwing madadako ang tingin nya sa driver nyang nakaheadphones ay nanginginig ang kamay nya at nagiging uneasy ang bawat kilos nya.

Kinuha nya ang salamin at make-up, sa unang pagkakataon, ngayon lang sya nagretouch kahit pauwi na sya.

-------

Hindi alam ni Dave kung bakit sya binigyan ng headphones ni Pia, ang sabi kase nito gamitin nya daw, kaya't ginamit nya nga habang nagmamaneho, pero kahit may takip ang mga tenga hindi pa rin nya nakakalimutang sulyapan si Pia, panay nga ang lipat nito ng posisyon, may sisilip sa kanang salamin, sa kaliwa, guguluhin ang papel at ang huli nagmake up? First time ata yon?

May lakad kaya to? 

"Ma'am, may lakad pa ho ba kayo?"

"ay kambing na may bangs!"

Ano daw sabi nya???

(SILENCE)

"WAHAHAHAHAHAHAHA"

"A-anong nakakatawa?"

"Ma'am, nakikinig rin pala kayo ng radyo?"

"hindi! narinig ko lang yun sa mga janitor, bakit? anong nakakatawa huh?"  

"wala naman po ma, nakaktuwa lang ho kase, ganyan ho pala kayo magulat?"

"SHUT UP! OKAY? CONCENTRATE ON THE ROAD OKAY?"

bigla namang tumalima si Dave.

"Ma'am, may pupuntahan pa po ba kayo?"

"wala bakit?"

"kase ho nagmimake-up kayo.."

"Wala. I'll tell, if I have."   

Sa pagkakataong iyon, naibalik na muli ni Pia ang nawalang composure sa kanya, kailangan nya lang palang tarayan si David. Pero habang kausap at sinisinghalan nya si David, patuloy pa rin ang pagnginig ng kamay nya... (Anong hiwaga ang meron sa kamay ni Pia? Hindi kaya may Parkinson's disease sya??)

---------

"Asan na yung inuutos ko sa inyo na ipadala dun sa gagang Pia na yun ha?" sigaw ni Joyce sa mga tauhang inutusan nya.

"Ma'am, pinadala na po namin...."

"eh bakit wala pa rin akong balita sa reaksyon nya HA? panung pagpapadala ba ang ginawa nyo??"

My Beautiful Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon