Chapter 1: The First Time we Met..

1.3K 17 2
                                    

 Izandra is the name .. tinatawag ako ng mga kaibigan ko sa pangalang Iza..  16 yrs old palang ako..  First year College ..   Frist Day nga pala ng school ngayon at new student ako dito..  kaya naglibot muna ako sa campus, ang laki din ng campus na ito ha,  habang naglalakad ako may nakita akong mga babaeng nagkumpulan sa isang tabi..  na curious ako kaya naman pinuntahan ko..  pero nang lumapit ako, mas lalong hindi ko makita kung ano ang tinitilian ng mga babaeng ito.. 

  napatingin ako sa may gilid ko at nakakita ako ng isang mono-block, at yun ang ginamit ko para tung-tungan..  nang naka akyat na ako..ang unang napansin ko ay ang grupo ng mga lalake.. na mayroong  nakakatakot na mga mukha.. napansin ko rin ang isang lalakeng napaka amo ng mukha.. meron siyang dalawang maliliit na earings sa Left ear niya.. wooh.. ang cool niyang tingnan, kaya lang.. ewan ko ha, pero sa sobrang kinis ng mukha niya, ay mukha siyang babae.. bakla ba tong lalakeng to? oo siguro, sayang.. type ko pa naman ang looks niya..  kaya lang , nagtataka ako, bakit pinalilibutan siya noong mga pangit na lalakeng iyon?  may-away  bah?

"bitawan mo nga ako!" oh isa pa tong babaeng to? bakit siya nasali sa gulong to? ahh.. hindi kaya love triangle ang meron dito? para tuloy akong nanunuod ng teleserye..  "Kent! ano ba! tama  na nga yan!" sigaw ulit nung babae.. ang pretty niya..  no wonder pinag-aagawan siya ng mga lalakeng ito..

"ano! kapag nakita pa kitang lumapit kay Nessa, gugulpihin kita! tandaan mo yan!"


aalis na sana yung Kent ba yun pero bigla niyang sinuntok  si gwapong lalake..  "Kent! sabing tama na eh!"  natumba yung lalake sa sahig, ang lakas talaga siguro ng suntok nung Kent.. 

sinubukan pang tulungan ni sino ba to, si ah! si Nessa na tumayo kaya lang hinila na siya nung asungot..  kawawa naman yung lalake.. .. nakitingin lang ako sa kanya hanggang sa napansin kong kami nalang palang dalawa  ang nandito.. at nakapatong parin ako sa upuan.. kaya naman pasimple akong bumaba at  tumalikod sa kanya.. kaya lang.. nakaramdam ako ng awa.. napatingin ako ulit sa kanaya.. panay ang dura niya ng dugo..

at dahil naawa ako sa kanya.. lumapit ako.. lumuhod ako sa harapan niya.. at dahan-dahang tiningnan ang mukha niya, at kung kayo ang nasa katayuan ko ngayon, siguradong mamatay kayo sa kagwapuhan niya.. napakaganda ng mga mata niya, Chinito siya.. ang tangos pa ng ilong, may kissable lips pa.. eh kung halikan ko na kaya ito?

JOKE! umaandar na ang kagagahan ko.. "ayos ka lang ba? san ang masakit sa iyo?" tanong ko sa kanya.. napatingin siya sa akin , kaya lang ang mga mata niya nang-aapoy sa galit kaya naman napa-atras ako ng konti.. kayo kaya ang tingnan ng ganun? tinganan natin kung makakakita ka pa.. "sino ka ba ha?! at anong paki-alam mo! umalis ka na nga!"  abat ang lalakeng to! kung maka-pagsalita! tumayo na siya at tinalikuran ako.. may pag-ka gaga ako pero hinding-hindi ako papayag na gaganituhin lang ako ng lalakeng to! humanda ka.. "hoy! kinaka-usap pa kita wag mo akong talikuran !"  kaya lang hindi na ako pinansin,..  aba't sinusibukan talaga ako ng lalakeng to ah! tinanggal ko ang doll shoes ko at  ayun binato sa kanya! at sapul sa ulo niya! "aray!! "  naplingon siya sa akin at ang sama pa ng tingin, sige aaminin ko , medyo kinabahan ng kaunti.. 

"wag na wag mo akong tatalikuran! kita mo naman na kina-kausap kita diba?! bastusan lang?"


bigla siyang naglakad papunta sa akin.. hinawakan niya ang dalawang braso ko ng napaka-higpit! as in! ang sakit na nga eh! "sino ka ba ?!ha? at anong karapatan mong tapunan ako ng sapatos sa ulo ha?!"  my gosh! galit na talaga siya, pero hindi yan uubra sa akin.. hinawakan ko ang left hand niya at pinilipit ito patalikod.. hindi ko ba nasabi sa inyo na na master ko ang Judo at taekwando?  "aaaraaay! bitawan mo nga ako!"  at ayun pina upo ko doon sa mono-block na pinatungan ko kanina.. 

GANG PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon