Chapter 18: healing wounds

244 5 0
                                    

18

Iza's POV:

hinang hina na ako.  halos pintig lamang ng puso ko ang naririnig ko..  ang labo na rin ng paningin ko.. " o ano?? lalaban ka pa??" tiningnan ko na lamang sya ng masama.. hindi ko na ata kayang magsalita ng maayos dahil sa napakasakit ng panga ko.. "sa susunod kasi, sundin mo na lamang ang utos ko, nang sa ganun hindi ka masasaktan okay??" at kasabay noon ay ang pagalis nya ng kwarto.. gustong gusto kong umiyak sa lahat ng sakit na nararamdaman ko kaya lang naisip ko na tama lang to sa akin.. mukhang ganito nga talaga ang nakalaan sa akin.. kasalanan ko rin naman eh.  kung napigilan ko lang sana ang sarili ko nung araw  na iyon edi sana hindi sya nagagalit sa akin.. napangiti na lamang ako.. tumayo ako at napasandal na lamang sa pader..napaisip na lamang ako kung ano na ang mga pinanggagawa ng mga lokong iyon ngayon..

sana naman nasa maayos silang kalagayan.. at kung pwede di na sila pumunta pa dito..  humigit isang araw na nga pala ako dito.. kamusta na kaya  sila??

*********

Reiko's POV

lumabas ako sa kwarto at tumungo sa kwarto kung saan naroroon si Danika, tumutugtog siya ng piano, kung tinatanong niyo kung anong realsyon ko kay Danika yun ay ako ang kanyang pinsan, ako na lamang ang naiwan sa lahat ng pamilya niya.. nung araw naman kasi na nangyari ang insidente na ginawa ni Iza sa kanya ay namatay ang kanyang kapatid.. kung alam ko lang sana na iyon ang nangyari ay matagal na akong umiwi sa Pinas para maisugod si Aika sa ospital, ang nakababatang kapatid ni Danika.  Nang nailibing na si Aika ay hindi man lang nakasama si Danika dahil sa isinugod siya sa ospital.. Lubos ang galit niya dahil sa siya pa ang naunang isugod sa ospital kesa sa kapatid niya na naghihikahos na.

nang naikwento niya sa akin ang lahat ng pangyayari ay namuo ang galit sa akin.. galit na galit ako kay Iza.. galit na galit ako sa lahat.. kay Angelika na naospital dahil sa ginawa kong aksidente, ang witness na si Leah na ngayo'y comma dahil din sa isang aksidente.. kung napapansin niyo na lahat sila ay idinaan ko sa isan aksidente dahil sa magaling ako doon.. Isa ako sa Top Professional Crime scene Investigator sa amerika, at alam ko kung paano magiging reliable ang lahat ng sitwasyon, buti nga at iyon lamang ang naabutan nila.. matagal na rin sanang na-aksidente ang Iza na iyan.. ngunit huwag ko raw muna siya galawin.. siya daw ang tatapos sa kanya.. ipapadama niya raw ang lahat ng paghihinagpis niya nang namatay ang kanyang kapatid.. dahil sa inabandona siya ng lahat ng aming pamilya maliban lang sa akin.. dahil naiintindihan ko siya..

pilit kong ipahayag ang aking pamilya ang side ni Danika ngunit hindi na nila ako binigyan ng pagkakataon..  hanggang sa ako'y itinaboy na rin ng aking magulang..mabuti na lamang at mayroon na akong trabaho. " Tinawagan ko na sila, sigurado akong gumagawa na sila ng plano ngayon.. " napatigil siya sa pagpapiano sa sinabi ko sa kanya.. tumayo siya at naupo sa isang silya sa nakatutok lamang siya sa sahig, mukhang wala nanaman siya sa kanyang  sarili . tumungo ako sa kanya at lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.. "maayos rin ang lahat.." nginitian ko siya ngumiti naman siya sa akin.. " ano na ang gagawin ko kapag nakahiganti na ako kay Iza? sa tingin mo ba mapapalagay na ako? mukhang wala namang manyayari sa mga ginagawa kong ito eh.. " 

oo, alam kong walang magbabago sa mga ginagawa namin nito.. pero gusto ko lang naman siyang tulungan, sa simula palang, kami ang pinaka matalik sa lahat ng pinsan ko.. nanatili lamang akong tahimik.. " hindi naman nito mapapabalik ang kapatid ko, kakamuhian parin ako ng lahat ng kapamilya natin.. walang magbabago.."  agad ko na lamang siyang niyakap..  hindi ko rin naman alam kung ano ang gagawin ko .. ang hirap naman..  pero teka, meron pa-- hindi parin naman niya naririnig ang kanyang  side ni Iza, kung bakit niya nagawa iyon.. 

GANG PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon