Chapter 8: Avenge...

397 8 0
                                        

V's POV

grabe  napaka wild naman ng babaeng yon!! talagang namilipit ako sa sakit kahapon.. kahit kailan talaga nakakainis ang mga babae! kaya nga ayoko sa kanila! nandito nga pala ako ngayon sa bahay ko.. kasama si Jungkook.. kanina pa siya nag-mumura sa ginawa sa kanya kahapon.. gustong-gusto niya na talagang upakan ang babaeng yun.. buit nalang mapigilan ko siya.. 

pareho kasi naming hindi gusto ang mga asal ng mga babae.. "grabe!!! nabi-bwisit na talaga ako sa kanya!!! minsan gusto ko na talaga siyang sipain sa mukha eh! F*ck Sh*t!"

natawa nalang ako sa kanina niya pang pag-sigaw sa bahay.. nasa may kusina ako at nakaupo lamang sa kitchen counter at umiinom ng hard alcohol.. ganito talaga kam ni Jungkook, kami siguro ang mag bestfriend na may mga hard na bisyo.. kung si Jungkook Chain Smoker ang tawag, ako naman Drunkard.. mahilig kasi akong uminom ng hard drinks.. 

"chill ka lang..  no need to rush.. i also want to punch her that very day.. but of course kailangan kong magpigil.. darating din ang tamang oras para sa kanya.. "  i slightly smirked.. 

nakita ko naman siyang napabuga ng sigarilyo niya.. nako mukhang frustrated talaga siya.. 

"i really don't know V..  ewan ko kung kaya ko pa bang makisama sa kanya.. sadyang nakakairita  siya eh!"

napatawa nalang ako.. sa totoo lang  ako rin naman eh.. naiinis na rin ako sa kanya.. ewan ko ba talaga.. 

siya ang pumatay kay Kuya Jin.. kinasusuklaman ko ang babaeng yon, ewan ko nga ba kung ano ang nakita ni Kuya Jin sa Kanya at minahal niya ng lubos ang babaeng yon..

napapikit ako at naalala ko kung pano namatay si Kuya..

********FLASHBACK******

"kuya, anong ginagawa mo at para saan yan?"

tanong ko kay Kuya na tinatali ang pulang ribbon  sa isang Pink na box.. mayroon din akong nakitang roses sa table.. para san ba itong ginagawa niya? Project niya ba to sa Science? H.E? o kaya Math?

hay! ano bang iniisip ko?!

"hehe.. para sa isang babae to.. sa babaeng mahal ko.. " ch! ang OA naman ni Kuya.. 

Yuck! "tss! ano ba yan kuya! walang saysay naman yang ginagawa mo eh! iiwan ka rin nila sa huli.. "

"pano mo naman nasabi yan V?" 

tiningnan niya ako na may pagtataka..

"ganun din  ang ginawa ng mama ko.. iniwan niya kami ni Papa.. kaya malungkot ngayon si papa.. wala silang kwenta! lahat ng babae sa mundo pare-pareho lang!"

tiningnan ko siya na may galit sa aking mukha..

"kaya kuya, kung ako sayo.. wag mo siyang mahalin ng sa ganun hindi ka masasaktan kung iiwan ka niya.."

napangiti siya.. .ba't ba siya ngumingiti.. may nakakatawa ba sa sinabi ko?!

"ba't ka nakangiti diyan kuya?! tinatawan mo ba ako?!"

medyo inis kong tanong sa kanya.. grabe ha! ang ganda ng speech ko tapos tatawanan lang ako?!

"hahaha V, hindi naman lahat ng babae pere-pareho.. i swear to God V, ibang-iba siya.. siya lang ang babaeng una kong minahal.. at siya lang ang kaligayahan ko..."

tiningnan niya ako ng diretso sa mata at ngumiti..

" kaya hayaan mo akong suklian ang kaligayahang binigay niya sa akin ng pagmamahal ko.. " 

GANG PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon