Kai's POV
nasa pangatlong palapag na kami ng school namin at papunta na kami ngayon sa kanya-kanya naming sections.. oo, pinag-hiwalay kami.. masyado raw kasi kaming marami eh para sa isang sections.. kaya wala kaming magagawa ..
nung nadaanan nami ang unang classroom na matahan namin ang 2ne1.. tss.. nagreynahan na nga sila sa section na yon.. nilampasan namin ito at agad na pumasok sa classroom namin..
nagpaalam naman ang kalahati sa aming grupo na sa huling section nalagay.
tahimik akong naglakad patungo sa silya ko at umupo..
nakaraang minuto ay pumasok na ang advider namin..
"goodmorning ma'am!!! tulungan ko na po kayo.. "
tumungo si Iza sa kinatatayuan ni ma'amat tinulungan si ma'am sa mga gamit niya.
"okay class, i remember giving you an assignment yesterday.. so please pass it now.. "
agad namang kumilos ang mga studyante, kanya-kanya sa pagkuha ng kanilang mga assignment..
nabaling ang atensyon ko kay Iza na nakataas ang kanang kamay nito at kumukuha ng atensyon sa buong klase.
"ako nalang ang magkukulekta.. walang tatayo nang hindi masyado magulo.. okay?"
ngiting sabi niya at sinimulan niya na ang pag-libot sa classroom..
sa kakatitig ko sa kanya hindi ko na pansin na nasa harapan ko na pala siya,.
"may assignment ka naman diba?"
tss.. nakakainis! ginagamit nanaman niya... yung mga titig niya sa akin na para bang walang mali sa aming dalawa.. nakakainis
sinamaan ko siya ng tingin sabay kuha ko ng assignment ko mula sa ilalim ng desk ko at inabot ko ito sa kanya..
"mabuti naman at may assignment ka!" nakangiting sabi niya sa akin.. ganun din ang ginawa niya sa ibang myembro ko..
nangnatapos niya nang libutin ang buong classroom at nakulekta niya na ang lahat ng assignment ay umupo na siya sa kanyang upuan..
maya-maya lang ay nagsimula nang mag discuss si ma'am.. ngunit bigla itong naabala dahil sa isang pangyayari.
may kumatok sa pinto namin na kumuha naman ng atensyon namin.. napatigil sa pag-sasalita si ma'am at agad na lumabas.. sa muli niyang pag-pasok ay bumungad sa amin ang isang magandang binibini..
"ma'am pasensya na po sa abala, pero pinapatawag po kayo ng principal.."
nakangiting sabi ng babae, mukha talaga siyang anghel.. nagpaalam si ma'am sa amin at lumabas ng room, susunod na sana yung babae nang bigla itong napatingin sa akin.. nabigla ako sa tingin niya iyon.. kaya naman napatingin ako sa ibang direksyon..
ba't ganun.. parang kinakabahan ako? ba't parang hindi ako mapakali? biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang nakita kong nakatingin lang siya sa akin..
at muntikan nang mahulog ang panga ko sa pagngiti niya.. isang ngiti na halos hindi ko makakalimutan.. pareho sila ng ngiti ni Iza.. yung ngiti niya nung una ko rin siyang nakita..
patakbo siyang lumabas ng classroom namin..
"wow! totoo ba toh?!!! HIMALAAAAA! ngumiti si Kai!!"
napakunot noo ako sa ingay na ginawa ni Lay..
"hindi ko akalain na ngingiti ka pa! dalawang taon ka na kayang hindi ngumingiti! " mas kinagulat ko ang pagyakap niya sa akin..
pilit kong alisin ang pagkakayakap niya sa akin..
BINABASA MO ANG
GANG PRINCESS
Novela JuvenilI AM A TWO FACE PERSON I HAVE MY GOOD AND BAD SIDE.. I AM AN ANGEL OUTSIDE.. BUT I HAVE MY DEVIL INSIDE.. I AM KIND ENOUGH.. BUT EVIL BEYOND ENOUGH..
