Kasalukuyang naglalakad sina Iza at Danika patungo sa kwarto ni Iza sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Nang nakarating na sila sa kwarto ay pinahiga niya si Danika sa kanyang kama, "sandali lang Danika, tatawagin ko lang si manang para ayusan ka." Lumabas si Iza sa kanyang kwarto para hanapin si manang nang nakasalubong niya ito na papunta rin sa kanyang kwarto, inutusan niya ito na ayusan muna si Danika.
Pumasok siya sa di kalayuang kwarto mula sa kwarto niya, doon siya naligo at nag-ayos. Nilagyan niya ng benda ang mga sugat niya at naglagay narin ng ointment sa mga pasa niya. nang natapos na siya sa pagligo ay agad na siyang lumabas sa banyo at umupo sa kama habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone; isang tawag mula sa unregistered number. sinagot niya ito nang hindi man lang tinitingnan kung sino ito.
"Hello?"
"kamusta ka na Iza? akala mo ba tapos na ang lahat?" napatigil si Iza sa ginagawa niya nang narinig niya ang boses nito. dali-dali siyang napatingin sa cellphone at isang unregistered number nga ang nakalagay. muli ay tinapat niya ito sa kanyang tenga. "sino ka ba ha?!" nanginginig na tanong ni Iza sa kabilang linya. ngunit imbis na sagutin siya nito ay tinawanan lamang siya nito. muli ay nanginig si Iza sapagkat pamilyar ang boses sa kabilang linya..
"Hindi kita patatahimikin Iza, Akin ka lang at akin lang!! hindi ka pwedeng mapunta sa V na iyon!!! o kahit sa Jungkook na iyon!! Dahil akin ka lang!! nagagumapay na ako sa pagdispatsya sa kapatid ko para maangkin ka lang!! malayo na ang narating ko! at pagod na pagod na ako sa kaka habol sa iyo na hindi naman nakikita ang pagmamahal ko! " napatayo si Iza sa pagkaka-upo niya at tumungo sa bintana sabay silip sa labas. Tinakpan niya ito ng kurtina, nakatayo lamang siya sa harapan nito at nakikinig sa sinasabi ng tao a telepono.
"kaya kung hindi ka naman magiging akin, mabuti pang dalhin na kita sa impiyerno, tutal pareho naman tayong makasalan eh.. " sabi niya pa sabay tawa.. "wag ka mag-alala, nakahukay na ako ng libingan natin."
"ang rami mong sinasabi pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo!"
"hindi mo ba talaga ako kilala? kinalimutan mo na nga ba ako? o pilit lamang na kinakalimutan, alam kong alam mo na kung sino ako.. pero nilihim mo lamang sa lahat, kahit sa kapatid ko hindi ba?" hindi to maaari, imposible,pero akala ko ba matagal na siyang wala? akala ko ba namatay siya dahil sa matinding bugbog na natamo niya?
"kung hindi mo parin ako natatandaan, wag ka mag-alala.." nakikinig lamang si Iza sa kanya at naghihintay sa susunod na sasabihin..
"in fact.." nakarinig siya ng ingay mula sa kanyang likuran "nandito na ako.." at kasabay nito ang pag-atake ni Genji kay Iza, na lihim kakambal ni Kai, at nagpanggap na tunay na Kai sa EXO. Ang totoong Kai naman ay siyang namatay dahil sa matinding pagbugbog sa kanya ng isang gang, yun ay ang BTS. sinakal siya nI Genji at pilit na tinatakpan ang bunganga para hindi makasigaw..
pilit itong labanan ni Iza ngunit agad siyang sinikmuraan nito na naging sanhi ng kanyang pagkawalan ng malay.inalsa siya ni Genji at agad na itinakas sa bahay niya ng palihim. Binuksan niya ang sasakyan niya at inihiga si Iza sa front seat. mabilis siyang sumakay at pinaharurot ang kanyang saskayan sa kalasada. Nang makakadaan sila sa isang tuwid na daan ay binitawan niya ang manubela.. napatingin siya kay Iza na ngayo'y mahimbing na nakahiga sa front seat.. hinawakan niya ang kanyang kamay at inilapit sa kanya..
Nilapit niya ang kanyang mukha at dahan-dahan niyang dinampi ang kanyang mga labi kay Iza. wag ka mag alala, nandito lang ako.. mahal na mahal kita Iza. humaharurot ngayon ang kanyang sasakyan ng 200km/h. At sa sobrang bilis ay halos hindi niya maipaliwanag ang lakas ng hangin na pumapasok sa kanilang bintana. niyakap niya ng mahigpit si Iza hanggang sa tumilapon ang kanilang kotse sa isang bangin. Ilang beses umikot ang kanilang kotse sa ere at ilang bese din itong tumama sa mga malalaking puno sa paligid nila. Wasak na wasak na rin ito sa lakas ng pagkakahulog mula sa itaas..
nangtumigil ang kotse sa pag gulong ay dahan dahang ibinuka ni Genji ang kanyang mata at natanaw niya si Iza na duguan. akin ka lang Iza,akin lang... iyan ang mga huling salita na inisip niya bago sumabog ang sasakyang kinaroroonan nilang dalawa..
nakita ko siyang nakayuko at naka-upo lamang sa lapag. nilapitan ko siya at umupo rin sa harapan niya. " huy, tara na.. umalis na tayo.. " sabi ko sa kanya. Nang tumingala siya sa akin ay mga luha niya ang sumalubong sa akin.. "pano mo to nagawa sa akin?" sa pagtanong niyang iyon ay ngumiti lamang ako.. "dahil ito ang gusto ko.. "
ba't ba hindi mo ako kayang mahalin?
ano pa bang kulang sa akin?
pati ba naman sa kabilang buhay di mo parin ako kayang mahalin? kahit konti man lang ba wala?
mabuti nang ganito, nakatali ka na sa akin ngayon..
tayong dalawa, magpakailan man..

BINABASA MO ANG
GANG PRINCESS
Roman pour AdolescentsI AM A TWO FACE PERSON I HAVE MY GOOD AND BAD SIDE.. I AM AN ANGEL OUTSIDE.. BUT I HAVE MY DEVIL INSIDE.. I AM KIND ENOUGH.. BUT EVIL BEYOND ENOUGH..