Iza's POV
hindi ko alam na ang sakit pala.. minsan inisip ko, malaki ba talaga ang kasalanan ko.. at mas lalo akong nasaktan dahil sa ibinigay ko na ang tiwala ko sa kanila.. lalo na kay V, at mukhang hindi lang tiwala, kundi pati na rin siguro ang puso ko, at nakaramdam ako ng galit sa sarili, dahil sa naging mahina ako at bumigay agad.. hindi ko mapigilang umiyak, wala na akong lakas dahil sa ang dami ko nang nailabas na luha kagabi, ngunit patuloy parin ang pagtulo nito..
pilit akong pinapatawa ng mga kuya ko lalo na si kuya Baekhyun.. pero hindi ko pa ata kayang tumawa, hindi pa ngayon.. kailangan ko pa ng oras.. nakaupo lang ako sa kama ko nang lapitan ako ni kuya Kris..
"hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa iyo.. gusto mo bang resbakan namin sila?"
lumingo lamang ako.. ayoko namang masangkot si kuya sa problema ko.. kasalanan ko kung bakit ako naging mahina, at kailangan ko itong harapin..
"hmm.. ayaw mo.. kung ganun laban mo to.. kailangan mong maging matatag, wag na wag mong ipapakita na naging mahina ka.. kung ginago ka nila, edi gaguhin mo rin sila sa konsensya.. wag kang aalis bilang leader nila, alam kong masakit na lagi mong nakikita ang taong nanakit sayo, pero doble ang sakit na mararamdaman nila.. "
napatingin ako kay kuya sa mga sinabi niya.. nga naman.. may point siya. kaya naman kahit mahirap ngumiti, nagawa ko. Dahil kay kuya Kris, i managed to smile..
pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.. "kaya wag ka nang umiyak.. kasi kahit anong iyak mo diyan, hindi ka naman papangit eh.. " napangiti nanaman ako ni Kuya Kris.. hay, panu nalang kaya kung mawawala si Kuya Kris sa buhay ko.. hindi lang siya, kundi ang boung Exo.. siguro matagal na akong nagpakamatay.. buhay nga naman..
**************KINABUKASAN..*********************
naglalakad ako sa hallway ngayon.. ibang iba ang aura ko ngayon.. isang madilim pero punong-puno ng malagim na confidence ng ipinapakita ko.. pumasok na ako sa classroom at nakita ang BTS na nakatingin rin sa akin.. pero may napansin ako, magkaiba ang tingin sa akin nina J-hope, Suga , Rap Mon at Jimin sa akin.. hindi ka, hindi nila alam na pinaglalaruan lang ako nina V at Jungkook? mukha nga..
napatingin naman ako kina V at Jungkook na halos magkapareho ng emosyon na pinapakita..
"hi Iza!!" Jimin.
"Leader--oops.." J-hope.
"good morning Iza.." Rap mon.
"Good Morning! ^^" Ako.
tiningnan ko sina V at Jungkook sa mata sabay ngiti sa kanila.. ang smile is one of my seldom evil smile..
kitang kita sa mukha ni V ang pagiging sorry sa mga ginawa niya. .kung hindi ko lang siya minahal, siguro hihinto na ako at papatawarin siya, pero dahil nagpakabobo ako.. pauulanan ko sila ng konsensya.. lalo ka na V..
maya maya lang ay nagsimula na ang klase..
*******************
salamat at natapos na rin ang klase.. tumayo ako at inayos ang mga gamit ko sa desk ko.. hinintay ko munang lumabas ang mga classmates namin.. at nang nakalabas na silang lahat..
"may under ground battle tayo mamaya.. " Ako.
"ha? anong grupo daw?" Jimin..
napatingin sina V at Jungkook sa akin.. i just gave them a devilish smile..
"Exo.... sila mismo ang humamon sa akin.. they have their conditions of course.. kita tayo mamayang 10:30 ng gabi ha.. ^^"
"Iza, please stop.. can we talk? guys pwede iwan mo muna kami ni Iza.. ...Jungkook maiwan ka.." V.
"no, you need to talk alone.. " Jungkook.
okay i didn't expect this.. pero no matter what? hinding hindi na ako magiging mahina.. not ever again..
nang naka alis na sila, biglang lumapit sa akin si V at hinawakan ang magkabilang balikat ko..
"Iza.. i am so sorry, sa lahat.. oo, aaminin ko plinano ko na ang lahat.. pero sa kalagitnaan, gusto ko nang itigil, Iza promise.. i wanted to end this, i want to tell you about it, pero hindi lang ko maka hanap ng tamang tiyempo.. mahirap din sa part ko iyon Iza.. "
"kahit na matagal mo na itong sinabi sa akin iisa lang parin ang hangganan at patutunguhan nito.. alam mo bang nagtagumpay ka sa pagkuha ng tiwala ko? oo nakuha mo iyon.. ang galing mo naman palang umarte eh.. akala ko talaga totoo.. mag artista ka nalang kaya noh?"
"Iza please take this conversation seriously--"
"seriously? you want me to take this conversation seriously? bakit ko naman gagawin iyon? sineryoso mo ba ako? kahit man lang ba yung pagkakaibigan natin, sineryoso mo?"
"well.. hindi.. nung sa simula.. pero--"
"iyon naman pala eh.. kaya wala kang karapatang utusan akong seryosohin ang usapan natin na wala rin namang patutunguhan.. "
i want leave now.. hindi na kayang pigilan ng mga mata ko.. ayokong makita niya akong umiiyak.. ayoko.. agad kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng classroom..
bigla niyang hinigit ang kamay ko..
"Iza please.. pinagsisisihan ko na ang lahat.. hindi ako nakapag-isip ng tama dahil sa tumatak sa akin ang insidente na nangyari kay kuya Jin... na naging dahilan ng galit ko sayo.. na dapat hindi.. " bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hawak-hawak ang kamay ko..
"you know V, it's not a big deal.. I'm just your Toy.. .... wala lang naman ako sa yo diba.. kaya no need to feel sorry.. after all, i'm a gangster, i'm used of betrayals.. " Ako.
"you think yun lang iyon?! do you think luluhod ako ngayon sa harapan mo kung laruan lang ang turing ko sayo?! ha!?" bigla siyang tumayo at isinandal ako sa pader.. "Iza, nung naging tayo , totoo ang pagmamahal ko sayo nun! at kahit kailan hindi nagsinungaling ang puso ko.. maaring ang utak at galaw ko oo, pero lahat ng ginawa ko sa iyo labag sa puso ko.. do you understand?! Iza mahal kita.. mahal na mahal.. so please.. give me another chance to make things right.. please.."
"gusto mong bigyan kita ng isa pang chance? okay.. but give me time to heal the scars you just opened.. " bago ako umalis..
"at yung sinabi ko kanina na underground battle, totoo iyon.. kita nalang tayo.. "
at kasabay nun ang pag-alis ko.. palabas na ako ng gate nang bigla akong napatigil dahil sa naalala ko ang mga sinabi ni V sa akin.. totoo kaya yon? half of me is hoping that it is true and the other half is telling me no.. and suddenly i find myself crying.. kaya naman pumara na ako ng taxo pago pa may makakakita sa akin..
BINABASA MO ANG
GANG PRINCESS
Teen FictionI AM A TWO FACE PERSON I HAVE MY GOOD AND BAD SIDE.. I AM AN ANGEL OUTSIDE.. BUT I HAVE MY DEVIL INSIDE.. I AM KIND ENOUGH.. BUT EVIL BEYOND ENOUGH..