Chapter 4: Beginning..

536 12 0
                                    

Iza's POV

pagkatapos ng aming klase ay dumiretso kami sa gate 10.. alam kong kanina pa kami hinihintay ng EXO.. kitang-kita ko ang pagkagulat ni Kris nung makita niya ako, oo matagal  na rin nang muli ko siyang makita , sa totoo nga namiss ko siya. kahit papano naging kuya ko na rin siya. but everything changes , minsan talaga yung mga taong hindi mo akalaing makakalaban mo ang mismong makakaharap mo.

"nandito na sila.." banggit ni Suho, isang ngiti ang na ukit sa muha ko dahil sa tuwa nang makita ko silang muli, ang lalaki na nila, pareho parin ba sila nang una ko silang makilala? tss ano namang paki ko? isa na sila sa mga kalaban ko, wag na kayong magtaka pa, sadyang ganun talaga kapag Gang na ang pinag-uusapan. 

"Iza, pano mo to nagawa? panu mo kami nagawang kalimutan at talikuran? tapos bigla lang kitang makikita bilang leader ng gang na lubos nating kinasusuklaman?! tama ba tong ginagawa mo?! ha?!" sigaw ni Kris sa akin

tingnan mo nga tong lalakeng to! kahit kailan napaka dramatic, wala naman sa oras.

"simula nang naging gang memeber ako, wala nang kabutihan ang nagawa ko, sa simula pa lamang mali na ang mga pinanggagawa ko.. ikaw rin naman diba?" tiningnan ko siya na may kakaibang ngiti sa aking labi.. bakas sa mukha niya ang inis, sa nangingitngit niyang mga ngipin na para bang gustong-gusto niya na akong kagatin. 

"akala ko ba, umalis ka sa gang dahil gusto mo nang magbago?" nabaling naman ang atensyon ko kay Chanyeol na suot ang kanyang eyeglasses at  nakatingin lamang sa baba. Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ako ng matutulis niyang mga mata..  tss, galit na ba siya? mukhang magiging masaya to.. 

ramdam na ramdam ko na ang tensyon ng iba pang myembro ng gang nila. "akala ko lang yun, kaya lang tila tinatawag ako ng kapalaran ko, may ma gagawa ba ako kung hinahanap ko ang pakikipag basagan ng mukha?" at ulit, binigyan ko siya ng ngiting kina-iinisan nila.. 

humakbang ako papunta sa direksyon ni Kai, hindi ko naman na banggit sa inyo ang relasyon namin ni Kai diba? oo, nagkaroon kami ng Relasyon,minahal niya ako, taker note! minahal NIYA ako.. ngunit kahit anong gawin kong subok ang mahalin siya, hindi ko yun nagawa. Dahil wala naman talaga akong nararmdaman para sa kanya. Kasalanan ko ba yun? 

"kamusta ka na? " sabay patong ng kamay ko sa kanang braso niya, muli nanaman akong napangiti sa panginginig niya sa galit at inis. dahan dahan niyang inangat ang ulo niya at tiningnan ako ng masama.. bigla niyang itinaas ang kamao niya na konti nalang at tatama na sa akin.. 

nang bigla tong saluhin ng kamay ni Jay.. "i don't think so.." sabi ni Jay ng palingo-lingo pang ginagalaw ang ulo niya.. 

napangiti lang ako sa inasal ni Jay, nakatawa naman isipin na napakaraming taong handang saluhin ang bawat suntok n darating sa buhay ko. ang sarap naman ng buhay ko.

masama na ba ako para sa inyo? sa una pa lamang ito.. kakayanin niyo kaya ang tunay na Demonyong ako? 

***************

Jay POV

marami akong gusto malaman, sa likod ng mga tingin ng mga members ng EXO kay Iza, ano kaya ang mga ito? hawak hawak ko parin ang kamao na muntikan nang dumapo sa mukha ni Iza, ni hindi man lang siya umilag, dahil ba alam niyang poprotektahan namin siya? tss. maghintay ka lang.. 

sa ngayon, handa kaming saluhin lahat ng kamao na dadapo sa mukha mo, pero sa huli........

sarili naming mga kamao ang dadapo sa iyo, 

itinulak ko papalayo si Kai na agad namang sinalo ng mga ka members niya, matagal ko nang pinag-iinitan tong lalakeng to.. kaunti nalang talaga. .

narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Iza.. "hindi mo pwedeng  basta-bastang gawin yun.. " itinaas niya pa ang hintuturo niya at ginalaw mula sa kaliwa hanggan kanan. ngumiti siya at tila natutuwa sa nakikita niya.. "wag nalang muna nating sirain ang pag-aaral niyo dito sa school na to..mag-enjoy nalang muna kayo.. sa ngayon " naglakad nanaman siya papalapit kay Kris at nilapit ang bibig niya sa tenga nito.. hindi ko marinig kung anong binulong niya kay  Kris pero bakas sa mukha ni Kris ang inis at galit.. 

agad na tumalikod si  Iza at tuluyan nang umalis.. sumunod na rin kami sa kanya.. napalingon naman ako muli kay Kai.. haha seryoso? umiiyak siya? iniiyakan niya tong babaeng to? tss. how stupid.. 

 makikita niya sa huli ang bagsik ng BTS... 

GANG PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon