Chapter 20: The Beginning

468 4 0
                                        

Tangin Lungkot ang nararamdaman, puot at paghihiganti. nakatayo si Danika, Jungkook na kakalabas pa lamang sa ospital, si V katabi ni Danika, ang iba pang miyembro ng BTS at ang Exo.  Tanging iyakan ang naririnig sa paligid.. " anak ko!! Iza!! " Iyak ng mama ni Iza na animoy nakaluhod na at halos sasama sa hukay. nasa likod naman nito ang kanyang asawa na pilit na pinapakalma rin ang mama ni Iza.. 

Danika's POV:

tumungo ako ngayon sa puntod ni Iza.. Isang lingo narin ang nakaraan nang inilibing si Iza, at sa mga boras na iyon, lungkot ang naramdaman ko, bigla kong naaalala ang mga pinagdaanan naming dalawa. " Iza wag ka mag alala, ako ang magpapatuloy ng buhay mo. Ako ang magiging ikaw, at pinapangako ko sa iyo na bawat oras ay hindi ko sasayangin. i will live your life to the fullest. yuna ang sabi mo sa akin noong bata pa tayo diba?" Lumuhod ako at inilapag ang bulaklak sa tabi ng kanyang  puntod. "you know that i have always wanted to end my life, dahil sa mga pambubully ng classmates natin noon, pero sabi mo, hanggat nabubuhay ka gagawin mo ang lahat para lang mabuhay ako. "

Napangiti na lamang ako sa sinabi ko.. ako ang gagawa nun para sa iyo Iza, lahat ng gusto mong maabot sa buhay, lahat ng pangarap ko aabutin ko para a iyo. Dahil utang ko sa iyo ang lahat, tinaggap mo parin ako kahit na muntikan na kitang patayin, tinanggap mo rin agn mali mo at pinanindigan mo ito..  Lahat ng ginawa mo babayaran ko. 

Ako ang magpapatuloy sa buhay mo Iza.. 

Ako na ang magiging bagong Iza, at lahat ng mali ko ay itatama ko para sayo.  Dadalaw ako sayo palagi. tumayo na ako at nagpaalam kay Iza. 

nang tumalikod ako nakita ko si V na nakasandal sa kanyang motor at naghihintay sa akin.. "Tayo na ?" sabi ko sa kanya..  ngumiti lamang siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "tara na.. " kasabay nito ang pag-angkas niya sa kanyang motor.. ganun rin ako. At agad na kaming umalis.. 

Jungkook's POV:

narito ako ngayon sa may pool ng bahay ko.. inulublob ko ang aking mga paa sa pool sabay hithit ng sigarilyo ko. Bigla kong naalala ang mga ala-ala namin ni Iza, nung naghahabulan kami.. Bakit pa kailangang siya'y mawala para lang matapos ang kaguluhang ito.. Nakaramdam rin ako ng galit sa sarili dahil masyado akong naging mahina, hindi ko tuloy naipagtanggol si IZa. 

Bakit siya pa? hindi ba pwedeng ako nalang? Ang rami niya pang gustong abutin. Ang dami niya pang pangarap na gustong tuparin. Pero lahat ng iyon ay nawala ng dahil sa isang lecheng pag-ibig, paghihiganti at galit. Mahirap ang kanyang sitwasyon, siguro kung ako ang nasa kinalalagyan ni IZa matagal na akong nagpakamatay.. 

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.. marahas ko itong pinunasan.  Unfair nga naman ang buhay, laging may nasasakripisyo para lang maayos ang lahat. "Ba't di mo ako sinama?"

***************************

Ilang taon ang nakalipas.. 

"Gising na~" malambing na tungo ni Iza kay V. "Iza?" nag-unat si V at umupo sa kama, ngumiti siya sa kanya at hinila siya papalapit sa kanya. "Halika ka nga dito.. ikaw talaga.." sabi niya sabay halik sa pisngi nito.. "Daddy, tara na, kailangan pa natin magprepare para sa surprise birthday natin kay Mommy.." napangiti na lamang siya sa kanyang munting anghel at ginulo ang buhok nito.. "oo na go ready youself na"

agad silang nag-ayos sa sarili nila at umalis ng tahimik sa bahay nila, tinawagan naman nila si Jungkook na ngayo'y kakabalik lang mula Korea. "oo salamat sa imbita, sigurado kang hindi mo kailangan ng tulong?" sabi pa nito kay V sa telepono. "oo, nandito naman anak ko eh.."

"sino? si Iza? kumusta na pala siya? malaki na ba?" sunod sunod na tanong nito kay V, napalingo na lamang si V habang nagdadrive..

"makikita mo mamaya, sige na nadda-drive ako.. " at kasabay nun ang pagbaba niya ng telepono.

"dad si Tito Kookie po ba yun?" tanong ni Iza at tumango lamang si V.

naiprepare na nila ang lahat at pagkagising ng pagkagising ni  Danika ay isang masayang pagsasalubong ng buong BTS ,EXO at lalo na ang kanyang mag-ama na si V at IZa. . Isang matamis na ngiti ang pumorma sa kanyang labi nang sinalubong siya ng kanyang mag-ama at niyakap siya nito. hinalikan siya ng kanyang anak na si Iza sa kanyang pisngi at isang matamis na halik naman ang kanyang nakuha mula sa labi ng kanyang asawa na si V.

Pagkatapos ng party sa kanilang bahay ay binisita nila ang puntod ni Iza. Naglakad si Iza sa puntod nito at inilapag ang bulaklak sa gilid nito. "mama, ba't magkapareho kami ng pangalan? sino ba siya mama?" tanong ni Iza kay Danika, lumuhod ito sa harapan ni Iza at hinwakan ito sa balikat, "siya ang tita Iza mo.. say hi to her.." at ginawa rin naman ng bata ang sabi ni Danika, mayamaya ay nilaro muna ni V si Iza habang naiwan si Danika sa puntod at nag-aalay ng panalangin,

"Iza, natupad ko na ang pangarap mo, yung isang tahimik na pamilya, and name your child after your name. wag kang mag-alala, iingatan ko tong regalo mo sa akin, si V, ang BTS, ang EXO at lalo na si Iza.. iingatan ko sila at mamahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanila.. at sa pagmamahal mo sa akin.. maraming salamat sa regalo ito Iza salamat.."

"mama, alis na po tayo?" napalingon si Danika sa kanyang anak na sI Iza na karga ni V. parehong nakangiti at masaya. 

sa mga oras na ito wala na akong hihilingin pa,sapat na sa akin ang makita silang masaya at namumuhay ng mapayapa.. at kahit ano mang mangyari Iza hangang hanganga ako sayo, walang makakapantay sayo dahil ikaw ang tanging gang Princess ng mga taong nakapaligid sayo, ang tanging gang princess na marunong magpatawad, marunong magmahal at marunong maawa. Kaka-iba ka sa lahat. At kung san kaman naroroon, sana ay masaya ka .

mahal na mahal ka naming lahat Iza.. 

GANG PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon