LESSON 02- Handsome Ghost

8.5K 326 35
                                    

BELLE’S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BELLE’S POV

ALAM ko naman na kung paano panandaliang papaalisin o itataboy ang mga kaluluwa at iyon nga ang ginawa ko kagabi bago ako pumasok sa bahay nang magmula ako sa Wellington High. Natutunan ko iyon sa aking Lola Saling na nasa probinsiya sa Quezon. Isa kasi itong kilalang albularya doon at tinuruan niya ako kung paano maitataboy ang mga multo. Ang Lola Saling ko din ang nagpaliwanag sa akin kung bakit nabuksan nang husto ang aking third eye. Ayon kay lola, maaari daw talagang mabuksan ang third eye ng isang tao kapag muntik na itong mamatay. Iyon daw ang maaaring nangyari sa akin.

“Tapos mas maganda siguro kung sumali tayo sa mga club. Tutal, last year na natin ito--” Napatigil sa pagsasalita si Monica nang mapansin niyan wala dito ang aking atensiyon.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng school at kumakain ng lunch. Whole day kasi ang pasok namin.

Bigla akong siniko ni Monica. “Hoy! Ano ka ba naman, Belle? Kanina pa ako kwento nang kwento dito pero hindi ka naman pala nakikinig sa akin. Nakakainis ka naman, e!” anito sabay kagat sa sandwhich at inom ng iced tea.

Kumurap-kurap ako. “Ha? Ano nga ulit sinasabi mo?”

“Wala! Kumain ka na lang at mukhang wala ka namang interes sa mga sinasabi ko.”

Mukhang nagtampo na ito ngunit hinayaan ko na lang si Monica.

Paano ba naman ay may nakikita na naman akong multo at nasa loob iyon ng cafeteria. Isang payat na babae na panay ang gala doon. Sa tantiya ko ay nasa edad treinta na ito. Okay naman ang hitsura nito, hindi nakakatakot kaya kanina ko pa siya tinitignan. Hindi ko alam ngunit tila may hinahanap ito doon. Ewan ko kung tama ang aking sapantaha. Na-ba-bother lang kasi ako.

Tinapos na nila ni Monica ang kanilang lunch. Nang marinig na nila ang tunog ng buzzer ay bumalik na sila sa kanilang classroom para sa huling tatlong subject nila para sa araw na iyon.

-----***-----

PRINCE’S POV

TUMAGOS ako sa pader at pagkatapos niyon ay naglakad ako paakyat sa hagdan. Hindi ko na kailangan pang buksan ang pinto sa aking harapan dahil katulad ng sa pader kanina ay tumagos lang din ako doon. Sumalubong sa akin ang malamig na hanging panggabi sa rooftop ng lumang building sa Wellington High.

Dito ako madalas tumambay dahil ito ang aking teritoryo. Sa rooftop na ito kasi ako namatay. Ayaw ko rin kasi makipagsiksikan sa iba pang kaluluwang katulad ko na nakakalat sa iba’t ibang parte ng paaralan.

Oo, patay na ako at isa akong kaluluwang hindi malaman kung saan tutungo.

Umupo ako sa gilid ng rooftop habang tanaw ko ang kalawakan ng buong paaralan. Nagkalat na naman ang mga multong katulad ko ay tila nakulong na sa loob ng Wellington High. May bata, estudyante, teacher at kung anu-ano pa. Lahat sila ay dito namatay. Lahat ng mga ito ay may unfinished business kaya hindi makatawid sa kabilang buhay. Ako? Wala naman akong unfinished business. Sa ibang paraan kasi ako nagpakamatay.

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon