LESSON 13- First Touch

4.5K 235 35
                                    

BELLE’S POV

SO, gusto palang makaalis ni Prince dito sa Welington High to be with Sarah. Ngayon alam ko na ang totoong reason niya. Pero medyo nagtataka lang ako kay Baby. Malakas kasi ang pakiramdam ko na alam niya kung bakit nagpakamatay si Prince. Hmm… Na-curious tuloy ako. Parang gusto kong malaman ang story behind Prince. Pero mukhang hindi ko iyon magagawa sa ngayon dahil angtatampo siya. Balat-sibuyas naman ng multong iyon. Baka nakakalimutan niyang may next case pa kaming dapat tapusin?

“Belle! Nandito ka lang pala!”

Mula sa pagkakatingin sa malayo ay napalingon ako sa aking liuran. Nakita kong papalapit sa akin si Monica. Humihingal siya at tagaktak ang pawis.

“Nakakapagod palang umakyat dito!” aniya nang makalapit na siya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?”

Mabuti na lang pala at umalis na si Baby dahil kung sakali ay baka nahuli ako ni Monica na nagsasalita ng mag-isa.

“Ikaw yata ang dapat kong tanungin niyan. Anong ginagawa mo dito? Uwian na, a.”

“N-nagpapahangin,” sagot ko.

Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang presensiya ni Prince sa paligid. Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita ko siya doon. Nakatayo at seryosong nakatingin sa akin. Chance ko na ito para kausapin siya!

Hinawakan ako ni Monica sa kamay sabay hila. “Umuwi na kaya tayo. Sabay ka na sa akin!”

Nalilito na nagapalit-palit ang tingin ko kay Monica at Prince. “M-monica, mauna ka na. Mamaya pa siguro ako--”

“No. Sumabay ka na sa akin. Wala ka na namang gagawin dito.”

“Ano kasi…”

“Belle, ilang araw na tayong hindi nag-uusap. Friends pa ba tayo?”

Nakonsensiya ako sa sinabi ni Monica. Alam kong uhaw siya sa kaibigan kaya niya nasabi iyon. Ngayon lang siguro may pumansin sa kanya kaya ganoon siya ka-clingy sa akin.

Huminga ako nang malalim sabay ngiti. “S-sige na nga. Sabay na tayo…” Napipilitan kong sambit.

“Yes! Tara na!” aniya sabay hila sa kamay ko paalis sa rooftop.

Bago kami tuluyang bumaba ni Monica ay nilingon ko muna si Prince. Ganoon na lang ang lungkot ko nang hindi ko na siya nakita.

-----***-----

KINAGABIHAN, nang makatulog na ang mama at papa ko ay tumakas na naman ako para pumunta sa Wellington High. Hindi ako papayag na lumipas ang gabing ito nang hindi kami nagkakausap. Kahit hindi na kami magkaayos tutal may Sarah na naman siya, e. Ang importante ay matapos namin ang mission naming dalawa. Bahala na. Magso-sorry ako kung kinakailangan.

Inakyat ko na naman ang gate ng school at lahat ng multong makita ko ay pinagtanungan ko kung nasaan si Prince. Baka daw nasa rooftop. Doon naman daw ito madalas. Pumunta ako sa rooftop at nakita ko nga siya doon. Nakatayo sa gilid at nakatanaw sa malayo.

Kinakabahan ako, ha.

Baka kasi i-snob niya ako. Kilala ko pa naman ang multong ito. Paiba-iba ng ugali. Wish ko lang, sana ay wala siyang topak tonight.

Naglakad na ako palapit sa kanya. Naramdaman niya yata ako kaya naman mabilis siyang lumingon sa akin. Napatigil ako sa paglalakad. Tinitignan ko kung galit ba siya o hindi pero hindi ko mabasa ang mukha niya. Blanko iyon at walang expression.

Okay. Magso-sorry na lang ako.

“Sorry!” Nagulat kaming dalawa sa pagkakasabay ng aming pagsasalita.

“Hindi ako nag-isip. Sorry!” Magkasabay ulit kami.

Nagkatawanan kami pareho.

Mabilis siyang lumapit sa akin.

“Prince, sorry, ha. Hindi ko inisip na pwede kang masaktan sa sinabi ko. Pero hindi naman ako napapagod na tulungan ka, e. Nag-eenjoy ako sa totoo lang. Kung sa palagay mo, mali na maniwala ang mga multo sa Tagapagsundo, tutulungan kitang kumbinsehin sila. Gagawin natin iyon habang ginagawa natin ang ating mission. Para kapag nakatulong na tayo sa mga multo ay makakaalis ka na dito sa Wellington High… Makakasama mo na si Sarah…”

Ewan ko ba kung bakit ko pa isiningit sa speech ko si Sarah. Hindi naman siguro ako nagtunog nagseselos, 'di ba?

Kumunot ang noo niya. “Paano mo nalaman ang tungkol kay Sarah?”

“Sinabi ni Baby.” Medyo tumawa pa ako. “'Wag kang mag-alala, makakasama mo rin siya.”

“Belle, alam mo--”

“Si Helena. Tapusin na natin ang case niya. Napadaan ako kanina sa principal’s office. Umiiyak na naman siya. Nakakaawa siya.” Alam kong magpapaliwanag siya about kay Sarah pero pinutol ko na lang. For sure, sasabihin niya na mahal na mahal niya si Sarah kaya nais na niyang umalis sa Wellington High.

“Sige. Gusto mo bang puntahan natin ngayong gabi ang bahay ng nobyo niya na si Emman Ruiz?”

Tinignan ko ang oras sa aking wristwatch. “Medyo maaga pa naman. Ten pa lang. So, sige!” tugon ko.

-----***-----

PRINCE’S POV

HINDI ko alam ang rason ni Baby kung bakit niya sinabi kay Belle ang tungkol kay Sarah pero ang mas tumatakbo sa isip ko ngayon ay kung bakit tila naramdaman ko na nagseselos si Belle kay Sarah. Ewan ko kung tama ang pakiramdam ko pero iyon ang nararamdaman ko.

Baka naman may gusto na siya sa akin?

Hay, mahirap sabihin. Ngunit masaya ako na okay na kami ni Belle.

Aaminin ko, medyo naging balat-sibuyas ako sa sinabi niya. Para kasing ang dating sa akin ay gusto na agad niyang matapos itong mission namin para hindi na kami magkasama. Nagtampo ako pero nag-isip din ako. Partner kami ni Belle kaya hindi pwedeng pinapatagal namin ang away namin.

Akmang lalakad na si Belle paalis nang tawagin ko siya. “Belle!” Huminto siya at tumingin sa akin. “Gusto ko lang magsorry ng pormal sa iyo. Sorry. Pipilitin kong hindi na maulit ang nangyari…” Buong pagpapakumbaba na sabi ko.

Ngumiti siya. “Okay lang iyon. Ganoon naman talaga ang mag-partners, 'di ba? Minsan may mga hindi pagkakaintindihan. Ang importante ay ayos na tayo. Alam mo, lumakad na tayo.”

“Okay!”

Sandali akong naglaho at lumitaw ako sa unahan niya. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

“Ano iyan? Hahawakan mo ang kamay ko?” Natatawang tanong ni Belle.

“Oo na. Alam ko, hindi natin mahahawakan ang isa’t isa pero subukan lang natin.”

Kumibit-balikat siya. “Okay,” aniya.

Inabot niya ang kamay ko. Para akong tinamaan ng kidlat nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Belle na dumampi sa kamay ko. Nagkatinginan kami at hindi makapaniwalang napanganga.

Sabay naming tinignan ang mga kamay namin na sa unang pagkakataon ay nagtagpo, nagdampi, nagkahawak. Ang init ng kamay niya. Ramdam ko ang dugong umaagos sa bawat himaymay ng kanyang ugat.

“N-nahahawakan mo a-ako…” Nanginginig na sambit ni Belle. “P-papaanong nangyari ito?” sabay tingin niya sa akin.

Umiling ako. “Hindi ko alam. Sa pagkakaalam ko kasi ay nakakahawak ako ng bagay o tao kapag makakaramdam ako ng matinding emosyon. Pero mas maganda siguro kung… sulitin na natin ang pagkakataon na ito at baka hindi na maulit.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tumakbo tayong magkahawak ang kamay!” sabi ko sabay kindat sa kanya.




TO BE CONTINUED…

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon