LESSON 09- The Last House On That Street

4.3K 241 7
                                    

BELLE’S POV

SINABI ko kay Prince na kailangan na naming mag-ingat sa susunod. Ayoko naman na pati mga magulang ko ay isipin na nababaliw na ako dahil nagsasalita ako mag-isa. Kung alam lang nila ay multo ang kausap ko.

Pagsapit ng Sabado, umaga pa lang ay pinuntahan na namin ni Prince ang bahay ng lola ni Miyaka. Mabuti na lang pala at nag-bike ako dahil nasa pinakadulo ng street ang bahay na pinuntahan namin. Yari iyon sa bato. May kalakihan ngunit parang luma na. Sumilip-silip muna ako sa loob hanggang sa may makita akong isang medyo matandang babae. Namumukhaan ko siya. Siya ang lola ni Miyaka!

“Magandang umaga po!” Medyo pasigaw na bati ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa strap ng aking body bag. Mukhang galing siya sa likod ng bahay nila at nagdilig ng halaman dahil may dala siyang hose ng tubig.

“Anong kailangan mo, ineng?” tanong niya sa akin. Napansin ko agad ang lungkot sa mukha niya. Five feet siguro ang taas niya. Medyo maputi, tama ang pangangatawan. May kaunting kulubot na sa mukha.

“Dito po ba nakatira si Mrs. Doris Ferrer?” Iyon ang pangalan ng lola ni Miyaka. Alam ko na siya na ang babaeng kaharap ko pero kailangan kong magpanggap na hindi ko pa alam.

“Ako si Doris Ferrer. Ano ang kailangan mo?”

“Ako po si Belle Florence. Estudyante po ako sa Wellington High.” Inilabas ko ang aking ID at ipinakita iyon sa kanya. “May assignment po kasi kami. Kailangan po naming mag-interview ng mga dating empleyado sa school namin. Doon po kayo nagturo dati, 'di ba?” Ngumiti ako upang makuha ang loob niya. Siyempre, hindi totoo ang assignment namin na iyon. Kailangan lang naming makapasok ni Prince sa loob ng bahay para makapag-imbestiga.

Mataman akong tinignan ni Mrs. Doris. Nanatili akong nakangiti.

Tumango-tango siya. “Sige. Pasok ka sa loob pero sandali lang, ha.”

“Naku, wala pong problema. Pasensiya na po sa abala.”

Binuksan niya ang gate at pinapasok ako. Tinignan ko si Prince at nag-thumbs up siya sa akin. Nagmamalaki naman na nginitian ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya na ang galing ko talaga pero baka marinig ni Mrs. Doris. Pagkapasok sa loob ng bahay ay pinaupo na niya ako sa isang upuan. Umalis siya saglit para ikuha ako ng meryenda.

“Anong kailangan kong gawin?” tanong ni Prince. Katabi ko siya sa upuan.

“Libutin mo ang buong bahay. Maghanap ka ng clue.”

“Okay…”

Tumayo si Prince at nakita ko siyang tumagos sa isang pintuan. Hanep din ang kakayahan ni Prince at ng ibang multo, e. Kaya nilang tumagos sa kahit na anong bagay. Ganoon din kaya ako kapag namatay na ako? Malamang, oo. Multo na rin ako no’n, e. Pero kapag namatay ako, ayoko nang magtagal sa lupa. Makakadagdag lang ako sa populasyon ng multo dito. Mas marami pa nga yata sila kesa sa mga buhay. Maya maya lang ay bumalik na si Mrs. Doris. May dala siyang isang slice ng cake at iced tead. Inilapag niya iyon sa mesita sa aking harapan. After kong magpasalamat ay kinuha ko ang aking notebook at ballpen na nasa aking body bag. Props lang iyon para maging makatotohanan ang interview-kuno na ito.

“Bilisan lang natin, ineng. Ayaw kasi ng asawa ko na nagpapapasok ako dito ng ibang tao,” aniya.

“May asawa po kayo? I mean, buhay pa pala ang asawa niyo…”

“Oo naman. Sige na, magtanong ka na.”

“Okay po. First question. Kailan po kayo nag-umpisang magturo sa Wellington High at kailan kayo nagretired or nagresign?” tanong ko. Hawak ko ang notebook at ballpen na para bang naghihintay ako ng sagot niya pero ang totoo front ko lang ang mga unang tanong ko. Mamaya ay tatanungin ko na siya tungkol sa tunay naming pakay dito.

“Sa pagkakaalala ko, year 1987 ako nagsimula. Umalis ako noon year 1997…”

Tumango-tango ako. Kunwari ay sinusulat ko ang sinabi niya. Naramdaman ko bigla ang presensiya ni Prince. Lumabas na siya sa silid na pinasukan niya. Nasa likuran siya ni Mrs. Doris. Umiling siya. Alam ko na ang ibig sabihin niyon. Wala siyang nakita doon. Sumenyas siya sa akin na pupunta siya sa second floor ng bahay. Pasimple akong tumango at kumilos na siya.

“Ah, ineng? Nakatulala ka na,” untag sa akin ni Mrs. Doris.

“Ay, sorry po!”

“May problema ba?”

“Wala po. Minamasdan ko lang po itong bahay niyo. Ang ganda po kasi at ang laki. Kayong dalawa lang po ba ang nakatira dito ng asawa mo?”

“Oo. Bakit?”

“Wala po ba kayong anak?”

“M-meron. May isa kaming anak. Si Angelika…”

“Nasaan na po si Angelika?”

Agad na nangilid ang luha ni Mrs. Doris sa tanong kong iyon. Shoot! Ito na ang simula ng pagkalap ko ng impormasyon. So, Angelika pala ang pangalan ng nanay ni Miyaka.

Hindi agad nakasagot si Mrs. Doris kaya muli ko siyang tinanong. “Nasaan na po ang anak niyo?”

Pinalis niya ang nagbabantang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Makakaalis ka na! Ayoko nang magpa-interview. Siguro, ibang teacher na lang ang interview-hin mo.” Tumayo siya at tumayo na rin ako.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Mrs. Doris, nawawala si Angelika, tama? Twenty years na siyang nawawala!”

Unti-unti nang tumataas ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Alam kong iniiwasan niya ang topic tungkol sa nawawala niyang anak.

Tinabig niya ako. “Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan! Umalis ka na! Matagal ko nang tanggap na hindi na siya babalik dito sa bahay!”

“Hindi na babalik? Naglayas siya?”

Sinaklit niya bigla ang braso ko. “Umalis ka na!” Hinila niya ako palabas ng pinto pero lumaban ako.

“Kaya ka po ba umalis sa pagtuturo dahil sa anak niyo? Kasi hinahanap niyo siya hanggang ngayon?!” Nakakapit na ako sa pinto ng bahay nila dahil hinihila na niya ako palabas. Hindi talaga ko bibitiw dito hanggang hindi ko nakukuha ang sagot na hinahanap ko.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo! Umalis ka na!”

“Si Miyaka! Apo niyo siya, 'di ba? Anak siya ni Angelika! Anong masasabi niyo sa pagkamatay ng apo niyo? Bakit po siya namatay?” Natigilan ako nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakakapit niya sa braso ko. Marahan akong lumingon sa kanya para makita siyang tigam sa luha. Pakiramdam ko ay parang dinurog ang puso ko nang makakita ako ng isang ina na umiiyak “B-bakit po?” tanong ko.

“M-miyaka? Iyan ang sinabi sa akin ni Angelika noon… Fifteen siya nang sabihin niya sa akin na kapag nagkaanak siya ay Miyaka ang ipapangalan niya.” Umiiyak nitong sagot.

“H-hindi niyo po alam na may anak si Angelika?”

Umiling ito. “Paano mo nalaman iyan? Totoo ba ang sinasabi mo?”

“Opo. Sa maniwala po kayo at sa hindi, nakakausap ko ang kaluluwa ni Miyaka. Hinahanap niya po ang nanay niya dahil twenty years na daw itong nawawala.” Mas lalong napahagulhol si Mrs. Doris. Marahil ay dahil sa nalaman niyang patay na ang kanyang apo.

“Tama ka, twenty years nang nawawala si Angelika at ang hula namin ay naglayas siya…”

Nilapitan ko si Mrs. Doris at hinaplos ang likod niya. Grabe na kasi ang pag-iyak niya. “Hindi niyo po pala alam na nagkaroon ng anak si Angelika? Ngayon, alam ko na kung bakit pinapahanap sa akin ni Miyaka ang nanay niya. Iyon ay para sa inyo. Para magkasama na kayo ni Angelika. Pero, sigurado po ba kayong hindi niyo alam na nagkaroon ng anak si Angelika?”

Mariin itong umiling. “Kung totoo man ang sinasabi mo ay hindi ko alam!”

“Pero ang sabi ni Miyaka ay nakita na niya kayo isang beses. Paano nangyari iyon?” Mas lalo tuloy nadagdagan ang puzzle sa kasong ito ng paghahanap namin sa nanay ni Miyaka. Paanong nakita na ni Miyaka ang lola nito kung hindi alam ng lolo nito na nag-e-exist si Miyaka?




TO BE CONTINUED…

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon