LESSON 16- Fighting Together

3.4K 169 10
                                    



Belle’s POV

HININTAY ko munang makatulog sina mama at papa bago ako umalis ng aming bahay. Naglakad na lang ako para makapunta sa school dahil wala na akong masakyan. Hindi naman ganoon kalayo ang Wellington High kaya keri lang.

Nasa gate pa lang ako ng Wellington High ng gabing iyon ay nakita ko na ang mga kaluluwang nagkakagulo sa loob. May dala akong bagpack kung saan laman niyon ang mga kagamitan na sa tingin ko ay magiging useful just in case na may hindi magandang mangyari. Wait nga lang… Ano bang nangyayari? Oh… Ngayon nga pala iyong dating ng sinasabi nilang Tagasundo. Pero bakit nandito pa rin sila? Akala ko ba ay bubuksan ng Tagasundo na iyon ang lagusan papunta sa kabilang buhay para makatawid na ang mga kaluluwa dito sa Wellington High?

Ah! Hindi naman masasagot ang tanong ko kung tutunganga lang ako dito, 'no?

Inakyat ko na ang gate at nagtinginan sa akin ang mga multo.

“Anong nangyari? Akala ko ba darating ngayon ang Tagasundo?” tanong ko para sa kanilang lahat. Kung may sumagot, edi, thank you.

Si Sharon ang lumapit sa akin. Iyong multong bakla. “Belle! Tulungan mo si Papa Prince! Nandoon siya sa roof top!” Kulang na lang ay magtatalon ito at maglupasay sa sobrang paghihisterikal.

“Oo nga, Belle. Kailangan ni Prince ang tulong mo!” ani ng isa pang multong lalaki na biyak ang mukha.

Isa-isa na nga silang lumapit sa akin at iisa lang ang sinasabi nila-- tulungan ko daw si Prince.

Ano ba iyan? Ang iingay nila. Hindi ko na kaya kaya sumigaw na ako. “Sandali lang! Paano ko kayo maiintindihan kung sabay-sabay kayong nagsasalita?!” Itinaas ko pa talaga ang dalawang kamay ko. Tumigil naman sila sa pagsasalita. Masunurin naman pala ang mga ito, e. Huminga ako nang malalim saka muling nagsalita. “Isa lang ang magsasalita, okay? Ano ang nangyayari kay Prince sa roof top? Bakit sinasabi ninyo na tulungan ko siya?”

“Kinakalaban niya iyong Tagasundo na isa naman palang demonyo. Nagpanggap lang siya na tutulungan niya kami pero ang totoo ay isa siyang demonyo na nangunguha ng mga kaluluwa para gawing alipin! Ako ang huling umalis sa roof top kaya narinig ko ang pag-uusap ng demonyo at ni Prince,” sabi sa akin ng isang matandang babae na kaluluwa. Nakasuot ito ng uniform ng isang teacher.

“E, bakit hindi pa sumama sa inyo dito si Prince?”

“Nakuha kasi ng demonyong iyon si Baby at malamang ay ililigtas iyon ni Prince!” Ang matandang babae sumagot sa tanong ko.

“Kaya, Belle, please… tulungan mo si Papa Prince! Isa lamang siyang kaluluwa at wala siyang kalaban-laban doon sa chakang demonyo na iyon. Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya!” singit ni Sharon.

Tumango ako. “Okay. Fine! Pupuntahan ko na si Prince doon. Basta, dito lang kayo!” Hindi ko na hinintay ang pagsagot nila at tumakbo na ako papunta sa roof top para tulungan si Prince.

Kulang na lang ay lumipad ako or isa akong multo para nagagawa kong tumagos sa mga dingding o kaya naman ay nagagawa kong mag-teleport gaya ng ginagawa ni Prince. Pero hindi kaya naman binilisan ko na lang ang aking pagtakbo.

Demonyo pala ang Tagasundo na iyon. Tama pala ang kutob ni Prince.

Malapit na ako sa roof top. Wait ka lang diyan, Prince!

Malakas kong binuksan ang pinto papunta sa roof top. “Prince!” sigaw ko.

Nakita ko siyang nakatayo sa may gitna at sa harapan niya ay isang mala-halimaw na nilalang at alam kong iyon na ang demonyo. Ang pangit niya at nakakatakot.

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon