LESSON 15- Fake Hope

3.6K 158 7
                                    



Belle’s POV

INIISA-ISA ko na naman ang mga files ng mga multong in-interview namin ni Prince. Namimili na naman ako ng susunod na tutulungan namin. Naka-dalawa na kami. Wala akong idea kung ilang multo ba ang kailangan naming tulungan ni Prince na makatawid sa kabilang-buhay para mapuno iyong kuwintas niya pero parang hindi ko na iyon masyadong iniisip kung ilan. Sobrang nag-e-enjoy na rin kasi ako sa ginagawa namin. Nakaka-amaze lang na nakakatulong kami sa mga multo. And the best thing is nakakasama ko si Prince-- ang pinaka gwapong multo na nakita ko sa whole life ko!

Oo nga pala, speaking of that ghost… Nasaan na kaya siya ngayon? Nakalimutan ba niya na sinabi ko sa kaniya kahapon na pumunta siya dito sa bahay ngayong umaga dahil pipili na kami ng pangtatlong multo na tutulungan namin?

Baka naman busy lang din siya. Nitong mga huling araw kasi ay napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya. Alam ko naman ang reason, e. Natatakot siya dahil mamaya na yata darating iyong sinasabi niyang Tagasundo na magbubukas ng lagusan sa kabilang buhay para sa mga multo sa Wellington High. At alam ko rin kung bakit siya natatakot kapag nangyari iyon. Wala na kaming matutulungang multo. Mas madali kasi kung nasa school lang ang mga multo, madali kaming makakahanap ng pwedeng tulungan.Kapag kasi naubos ang multo doon dahil tumawid na lahat sa kabilang buhay, mapipilitan kaming maghanap sa ibang lugar which is hassle talaga.

Isa pang reason ay masama din talaga ang kutob ni Prince sa Tagasundo na iyon.

Saka medyo nakakapagduda din naman kasi ang pagdating ng Tagasundo na iyon. Out of nowhere ay bigla siyang darating para sabihin na magbubukas ang lagusan para sa kabilang buhay. Bakit ngayon pa? Hindi noon, 'di ba? Siyempre, gusto nang makaalis ng mga multo sa Wellington High kaya papatulan talaga ng mga ito ang offer ng Tagasundo na iyon!

Kaya naman ang laki-laki ng problema ni Prince ngayon.

Ano kaya kung tulungan ko siya? Saka na muna siguro itong pagpili ko sa susunod naming tulungan. Tama! Ganoon nga ang gagawin ko. I will help him mamayang gabi. Pupuntahan ko siya sa school mamaya!


-----ooo-----


Prince’s POV

HINDI ko makita ang mga katulad kong multo sa Wellington High. Kaya naman pala, nandoon silang lahat sa roof top ng lumang building. Akala mo ay may libreng bigas kung magtipon-tipon naman sila. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila naroon-- darating na ang Tagasundo. Bubuksan daw nito ang lagusan papuntang kabilang buhay. Kung lahat sila ay naniniwala, ako ay hindi. Duda talaga ako sa Tagasundo na iyon. Malakas ang pakiramdam ko na may mali at iyon ang papatunayan ko sa kanila.

“Prince, nandito ka rin pala. Hinihintay mo rin ba ang pagdating ng Tagasundo?” Nilapitan siya ni Baby.

Umiling siya. “Baby, mali ito. Hindi dapat kayo naniniwala basta-basta sa mga nilalang na hindi pa natin kilala.”

Ngumisi si Baby. “Bakit? Kanino kami maniniwala? Doon sa babaeng may third eye? E, ang bagal niyo naman kumilos. Gusto na naming makaalis dito. Ikaw ba ay hindi? 'Wag kang selfish, Prince. Kung ayaw mo bang umalis dito, bahala ka!” aniya at tinalikuran na niya ako.

Hinayaan ko na lang si Baby. Pero hindi ako aalis. Dito lang muna ako hanggang sa dumating ang Tagasundo na iyon. Gusto ko siyang makausap para malaman ko kung maganda ba talaga ang intensiyon niya sa mga kaibigan kong multo dito sa Wellington High. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang mga multo dito. Hindi na rin naman sila iba sa akin.

Nakaupo ako isang sulok sa roof top at nagmamasid. Naririnig ko ang saya sa pag-uusap ng mga multo. Sa wakas daw ay makakatawid na sila, makakaalis na raw sila dito sa lupa, makakasama na raw nila ang mga mahal nila sa buhay na nasa kabilang buhay na.

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon