LESSON 08- Partners

4.2K 236 11
                                    

LESSON 08- Partners

BELLE’S POV
WALA. Iniwan na talaga ako ni Prince! Akala ko ba partners kami sa mission na ito? Tapos iiwanan lang niya ako? Nakakainis siya. Mukhang I have no choice kundi ang umalis na lang. Ayoko nang magsinungaling pa sa teacher na ito at baka mabuking pa ako.

“Aaalis na lang po--”

Paging Mrs. Velasquez, please proceed to principal’s office now. Paging Mrs. Velasquez, please proceed to principal’s office now…”

“Teka, ako iyon, a. Bakit kaya ako pinapatawag sa principal’s office?” tanong ng teacher sa kanyang sarili. “Okay. Hanapin mo na lang sa drawer na iyon nag files na kailangan mo. Bahala ka na,” anito at nagmamadali itong umalis.

Kaya naman naiwanan akong mag-isa doon.

Maya maya ay biglang lumitaw si Prince sa harap ko.

Itinuro ko siya. “Don’t tell me, ikaw ang…”

Tumango siya. “Oo, ako nga. Sinapian ko lang naman iyong teacher na nasa paging area. Binasa ko kanina 'yong pangalan no’ng teacher na nandito sa ID niya. Ang galing ko, 'di ba?” Nagmamayabang na humalukipkip pa siya.

Sumimangot ako. “Pero sana sinabihan mo man lang ako, 'no? Akala ko iniwanan mo na ako kanina!”

“Magagawa ko ba sa iyo 'yon? Hindi kita iiwanan, Belle…”

Teka, bakit parang ang seryoso naman niya nang sabihin niya iyon? Nailang na naman tuloy ako.

Iniiwas ko ang tingin ko at nilapitan ko na ang drawer. “Dito daw nakalagay ang mga files, e…” Pag-iiba ko ng usapan.

Nag-umpisa na ako sa paghahanap. Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko si Prince na nakatingin sa akin. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit bigla akong naiilang kapag pinapanood niya ang kilos ko? Hay… Iba na yata ito, ha.

Pero hindi ito ang tamang oras para sa mga ganiyang bagay. Kailangan ko nang mahanap ang files ng mga dating teachers dito sa school. Ang dami kasing foldr sa drawer at kailangan ko iyong isa-isahin.

Five minutes na lang pala at male-late na ako sa next subject namin. Kailangan ko nang bilisan!

Hanggang sa isang kulay pink na folder na may nakasulat sa harapan na: Retired And Resigned Teachers.

“Nahanap ko na!” Masayang bulalas ko sabay taas ng folder.

“Magaling. Umalis na tayo dito bago pa may dumating!” ani Prince. At magkasabay kaming lumabas ng teachers’ office dala ang folder na kailangan namin.

-----***-----

HINDI pa ako nakauwi kahit tapos na ang klase. Nagpunta muna ako sa library at pinasunod ko doon sina Prince at Miyaka. Ipapakita ko kasi kay Miyaka ang lahat ng pictures ng mga dating teacher sa Wellington High para masabi niya sa amin kung sino doon ang lola niya. Para makapagsimula na kami ni Prince sa paghahanap sa nanay ni Miyaka.

Kumuha ako ng isang malaking aklat at binuklat iyon sa gitna. Inilagay ko sa ibabaw niyon ang folder. Katabi ko sina Miyaka at Prince.

“Isa-isa kong ipapakita sa iyo ang mga pictures, Miyaka. Tapos sabihin mo sa akin kapag siya ang lola mo. Okay ba?” Mahinang-mahina lang ang boses ko dahil baka marinig ako ng librarian. Ako na lang kasi ang mag-isa sa library maliban sa librarian.

Tumango lang si Miyaka sa akin.

Mataman siyang nakatingin sa folder habang mabagal kong binubuklat iyon.

“Siya!” Napahinto ako sa pagbuklat nang magsalita si Miyaka. “Siya ang lola ko. Isang beses ko lang siyang nakita pero natatandaan ko ang mukha niya.”

Napakunot ako ng noo. “Isang beses? Lola mo siya pero isang beses mo lang siyang nakita?” Nagtatakang tanong ko.

Muli siyang tumango. “Oo, Ate Belle… Basta, nakita ko siya. Isang beses…”

“Teka lang, ha. Medyo magulo.” sabi ko. “Tatanungin nga kita, Miyaka. Saan mo huling nakita ang nanay mo?”

Lumungkot ang mata niya at umiling. “Hindi ko na matandaan, ate…”

“Karamihan sa mga multo ay walang matandaan. Iyong iba, hindi alam kung paano sila namatay kaya naguguluhan din sila. Karamihan din sa amin ay maraming tanong at iyon ang bibigyan natin ng kasagutan.”

Okay. Naiintindihan ko na. Hindi nga talaga madali ang mission na ito.

Ito na nga lang kay Miyaka ay medyo sumasakit na ang ulo ko. Ano pa kaya sa iba? Baka maloka na ako sa mga susunod na mga multong tutulungan namin ni Prince.

Naaawa na tinignan ko si Miyaka at ngumiti ako sa kanya. “Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin, Miyaka. Hahanapin namin kung nasaan ang nanay mo,” sabi ko sa kanya.

“Salamat po, ate…” tugon niya.

Nagkatinginan kami ni Prince. Kinuha ko na ang profile ng lola ni Miyaka. Itinupi ko iyon at isinilid sa aking bag. Kailangan ko nang umuwi at medyo pagabi na rin.

-----***-----

KUMAWAY ako kay Miyaka habang nasa gate siya ng Wellington High. Hanggang doon na lang siya at hindi na siya makakalabas. Kasama ko si Prince sa aking pag-uwi sa bahay. Pag-uusapan kasi namin ang kaso ni Miyaka. Siya lang ang nakakasama sa akin kahit saan dahil siya ang naunang maging connected sa akin. Swerte naman niya talaga.

Pagkauwi ay kumain na agad ako ng dinner at mabilis na tinapos ang lahat ng aking assignments. Umupo na ulit kami sa kama upang pag-usapan kung ano ang magiging first step namin.

“Sa kabilang subdivision lang ang address ng lola ni Miyaka. Alam ko ito…” sabi ko.

“So, iyon ang una nating gagawin?” tanong ni Prince.

“Iyon na nga. Pero hindi ko pa iyon mapupuntahan kasi may pasok pa. Sa Saturday na lang ulit siguro. Okay lang ba?”

“No problem.”

“Pwede na ba akong matulog?”

“Okay. Matulog ka na. Good night, Belle.”

“Good night, Prince…”

-----***-----

PAGLABAS ko kinabukasan ng umaga sa aking kwarto ay nagulat ako nang makita ko sina Mama at Papa na nasa harapan ng aking kwarto. Pagkahawak sila ng kamay at parang may pag-aalala sa mukha nilang dalawa.

“May problema po ba?” tanong ko.

Nilapitan ako ni Mama at hinawakan ang aking dalawang kamay. “Anak, Belle… Ikaw, may problema ka ba? Binu-bully ka ba sa school? Wala bang gustong makipag-friends sa iyo sa school?” Sunod-sunod na tanong niya.

Binawi ko ang aking kamay sabay atras. “'Ma, a-ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan…” Tumingin ako kay Papa. “Papa, ano ito? Bakit ganiyan mga tanong sa akin ni Mama?”

“Belle, narinig ka kasi namin kagabi ng mama mo sa kwarto mo. Nagsasalita ka ng mag-isa. Baka kasi may imaginary friend ka na naman dahil may problema ka sa school. Meron ba? You can tell us.”

Mukhang napalakas yata ang boses ko habang nakikipag-usap ako kay Prince kagabi. Sa susunod ay kailangan ko nang mag-ingat.

Tinawanan ko na lang silang dalawa. “Iyon po ba? Nagme-memorize po kasi ako ng lines ko sa play namin. Kaya ang akala niyo ay nagsasalita ako ng mag-isa. Hindi naman po ako baliw para gawin iyon, 'no!”

“Pero--”

“Mama, okay po ako. Sige na, mag-aasikaso na po ako papasok. Ano pong breakfast natin?” Pag-iiba ko ng usapan.




TO BE CONTINUED…

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon