LESSON 14- The Reason Why He Left

4.7K 230 41
                                    

BELLE’S POV

ANG mundo talaga natin ay maraming bagay na mahirap ipaliwanag kung bakit at paano nangyayari. Katulad na lang kung paano namin nahawakan ni Prince ang isa’t isa. Kung bakit gusto ni Prince na holding hands kami habang tumatakbo palabas ng Wellington High. Kapag hinanapan mo naman ng sagot, sasakit lang ang ulo mo, mababaliw ka lang kasi wala kang makitang kasagutan.

Malamig ang kamay ni Prince. Para akong nakahawak sa isang yelo.

Habang tumatakbo kami ay bumibilis din ang tibok ng puso ko. Ewan kung dahil sa medyo napapagod na ako o dahil sa kilig na nararamdaman ko ng sandaling iyon. Ayoko na namang lokohin pa ang sarili ko ngunit kinikilig ako kay Prince.

Maya maya ay huminto na kami nang nasa tapat na kami ng gate ng school. Humihingal ako habang siya ay parang wala lang. Fresh pa rin. Haggard naman ako.

Nagkatitigan kami. Nang marealize ko na magkahawak pa rin ang aming kamay ay ako na ang kusang bumawi sa aking kamay dahil sa pagkapahiya. Baka isipin niya ay nag-e-enjoy ako masyado.

“Na-miss ko lang ang makahawak ng tao kaya--”

“Ano ka ba? 'Wag ka nang mag-explain!” Natatawang turan ko. “Bilisan na lang natin ang pagpunta sa bahay ng boyfriend ni Helena. Gusto kong matapos natin ito tonight.”

“Kaya ba natin?”

“Oo naman. Ang kailangan lang naman nating gawin ay alamin kung bakit bigla na lang hindi nagpakita si Emman kay Helena nang magkasakit ito.”

“Sabagay.”

“Tara na!”

Umakyat na ulit ako sa gate habang tumagos lang doon si Prince. Nang makalabas na ako ng school ay naghintay na ako ng tricycle sa may gilid ng kalsada. Hindi naman nagtagal at nakasakay na agad kami. Mabuti na lang at alam ng tricycle driver ang address nina Emman at naihatid agad kami doon.

Sa isang tila maliit at simpleng bahay kami bumaba. May gate iyon at mukhang gising pa ang tao sa loob dahil bukas pa ang ilaw. Nakikita namin iyon sa nakabukas na bintana. Nasa tabi ko lang si Prince.

Dahil walang doorbell ay sumigaw na lang ako. “Tao po! Tao po!” Hindi naman nagtagal at isang may edad na babae ang lumabas. Sa tantiya ko ay nasa kuwarenta na ang edad nito. Payat ang babae at maputi.

“Sino ka? Anong kailangan mo?” Nasa bungad lang ng pinto ang babae at hindi lumapit sa gate.

Habang nasa biyahe kanina ay nag-isip na ako ng sasabihin ko para makausap namin si Emman.

“Kaibigan po ako ni Emman. Nandiyan po ba siya?” Medyo pasigaw din ako upang marinig ng babae.

Sa pagkakataon na iyon ay lumapit na sa amin ang babae at tinignan nang maige ang aking mukha. “Kaibigan ka ba talaga ni Emman?” May pagdududa sa boses nito.

“O-opo. P-pinapunta po niya ako ngayon dito. 'Asan po siya?”

“Huwag mo akong niloloko! Hindi ka kaibigan ng anak ko!”

So, nanay ito ni Emman.

“Kaibigan niya po ako. Alam ko nga po na kayo ang nanay niya, e.”

“Siyempre, sinabi kong anak ko siya. Umalis ka na! Niloloko mo lang ako!”

“Hindi po! Totoo po ang sinasabi ko. Kaibigan po ako ni Emman!” giit ko.

“Kung kaibigan ka ni Emman, bakit hindi mo alam na patay na siya?”

Bigla kaming nagkatinginan ni Prince sa sinabi ng nanay ni Emman.

“P-patay na si Emman?” tigalgal ako.

“Oo. Matagal na. Kaya hindi ako naniniwala na kaibigan ka ng anak ko. Dahil kung kaibigan ka niya, alam mong patay na siya. Tapos sasabihin mong pinapunta ka niya dito? Umalis ka na.” Tumalikod na ito para pumasok sa bahay.

“Banggitin mo sa kanya si Helena…” ani Prince.

“Si Helena!” sigaw ko.

Napatigil ang babae sa pagpasok sa bahay at lumingon uli sa akin.

“K-kilala ko si Helena!”

Malayo man nang bahagya sa amin ang nanay ni Emman ay kitang-kita pa rin namin ni Prince ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata nito.

-----***-----

PAGKAPATONG ng kape sa harap ko ng nanay ni Emman na si Aling Elsie ay kinuha ko agad iyon at humigop. Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. Nakatingin siya sa akin. Namumugto ang mga mata. Kanina nang banggitin ko ang pangalan ni Helena ay napaiyak siya. Hindi ko pa alam ang dahilan pero sana malaman ko. Baka iyon na ang kasagutan para masagot na ang katanungan ni Helena.

Pasimple akong tumango kay Prince nang sumenyas siya sa akin na gagala muna siya sa buong bahay. Tumagos siya sa isang pintuan na sa tingin ko ay silid-tulugan.

Tumikhim si Aling Elsie. “P-papaano mo nakilala si Helena? Patay na siya, 'di ba?” tanong niya sa akin.

Huminga ako nang malalim. Marahil ay magsasabi na lang ako ng totoo. Bahala na kung maniniwala siya o hindi. “A-ang totoo po kasi niyan ay nakakakita at nakakausap ko ang mga multo at… nakausap ko ang multo ni Helena. Alam ko po, hindi kayo maniniwala pero iyon po ang totoo. Nagmumulto po siya sa school namin at hindi po siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman kung bakit siya iniwan ni Emma, kung bakit bigla na lang hindi ito nagpakita sa kanya matapos niyang mabulag.”

“Hindi siya iniwan ni Emman…” sabi nito na sinabayan ng pag-iling. “Ang totoo niyan ay may sakit ang anak kong si Emman na leukemia. Kaya bago siya mamatay ay ibinigay niya kay Helena ang mata nito. Hindi na nagpakita pa si Emman kay Helena dahil alam niyang magagalit ito kapag nalaman nitong idinonate ng anak ko ang mata nito… Mahal na mahal ni Emman si Helena…”

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko. Ang ginawa ni Emman para kay Helena ay napapanood ko lang sa mga korean drama na napapanood ko. Hindi ko akalain na nangyayari din pala iyon sa totoong buhay.

“Pasensiya na po, naiyak na ako…” Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang aking luha. “Ang akala po kasi ni Helena ay iniwan siya ni Emman dahil nabulag siya. Pero huwag po kayong mag-alala dahil sasabihin na namin iyon agad ngayon kay Helena para makatawid na siya sa kabilang buhay…”

-----***-----

MATAPOS makipag-usap sa nanay ni Emman ay bumalik na agad kami ni Prince sa Wellington High at sinabi ko agad kay Helena ang lahat. Ganoon na lang ang pag-iyak niya sa nalaman.

“Huwag ka nang umiyak, Helena. Hindi ba’t dapat ay masaya ka dahil ngayong nalaman mo na ang totoo ay makakatawid ka na?” Hinaplos-haplos ni Prince sa likod si Helena.

Tumingin ito sa amin at tumigil na sa pag-iyak. “Tama ka, Prince. Maraming salamat sa tulong niyong dalawa…” Biglang itong nagtaka nang unti-unti ay naglalaho na siya. “A-anong nangyayari?!”

“Relax ka lang. Makakatawid ka na sa kabilang buhay…” Nakangiti kong sagot.

“Ha? Ito na ba iyon?!” Bumakas ang saya sa magandang mukha ni Helena. Kasabay niyon ay sumabog na siya at naging maliliit na alitaptap. May ngiti sa labi at saya sa puso na pinagmasdan ko ang mga alitaptap na papunta sa langit. Nang maglaho na ang mga iyon ay siniko ako ni Prince ngunit tumagos lang siya sa akin. Hindi na niya ako ulit nahahawakan.

“Bakit ba?” tanong ko. Nakita kong nadagdagan na naman ng laman ang suot niyang kuwintas.

“Paiyak-iyak ka na naman kanina. Arte mo!” aniya.

Umirap ako. “Pakialam mo ba? Ikaw nga, hinahaplos-haplos mo pa likod ni Helena!”

“Kino-comfort ko lang naman--- Teka… nagseselos ka?” Nakakalokong ngumiti si Prince.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. “S-selos? Ako? Hindi, 'no! Diyan ka na nga! Uuwi na ako!” Pag-iwas ko at nagmamadali na nilisan ko ang Wellington High.




TO BE CONTINUED…

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon