LESSON 06- Punishment

4.8K 248 14
                                    

PRINCE’S POV

KANINA ko pa hinahanap si Belle at hindi ko siya nakita sa classroom nila at sa cafeteria. Nakita ko siya sa may gitna ng school ground habang nakadipa ang mga kamay at may aklat sa ulo. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong ginagawa niya doon at nakatayo siya ng ganoon. Ang init-init kaya.

“Bakit hindi mo tanungin iyong multong bakla na nangulit sa akin kanina habang nagkaklase kami?” Mataray na sagot niya sa akin.

Multong bakla? Isa lang ang kilala kong baklang multo dito sa Wellington High. Si Tyrone o mas kilala bilang si Sharon. Isa siyang dating teacher dito sa pagkakaalam ko.

“Si Sharon ba ang tinutukoy mo?”

“Si Sharon o kahit na ano pa ang pangalan niya, siya ang dahilan kung bakit ako pinarusahan ng teacher namin!”

“Ano bang ginawa ni Sharon?”

“Ginulo niya ako habang nagkaklase kami. Hindi ko na napigilan at napasigaw ako. Ang akala tuloy ng teacher namin ay siya ang sinisigawan at pinapaalis ko. Ang akala ko ba ay kinausap mo na lahat ng multo dito? Bakit may gumagambala pa rin sa akin? Hindi ba nila maintindihan na may tamang oras para sa mga hinaing nila sa akin?”

“Kinausap ko na silang lahat. Isa lang siguro si Sharon sa mga multo dito sa Wellington High na nais nang makaalis sa lugar na ito kaya ka niya kinukulit. Hindi mo siya maiintindihan kasi hindi ka naman katulad namin na ang tagal na dito sa lupa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung kailan ba kami makakaalis dito. Para kaming mga daga na nakakulong sa isang kahon. Iyon at iyon lang din ang nakikita namin. Walang bago. Paulit-ulit. Isipin mo ang ganoong pakiramdam at baka sakaling maintindihan mo kung bakit nangungulit sa iyo si Sharon.”

Natahimik si Belle sa sinabi ko. Baka tinamaan siya, hindi ko alam.

“Kailan nga pala natin kakausapin ang mga multo para makapilit na tayo ng mga tutulungan natin?” tanong ko.

“Mamayang gabi siguro. After ng class. Kapag wala nang tao dito sa school,” sagot niya. Parang masama ang loob.

“Masama ba ang loob mo? Hindi kita pinapagalitan, ha. Nais ko lang ipaunawa sa iyo kung bakit ka kinulit ni Sharon. Hayaan mo at kakausapin ko ulit siya.”

“Hayaan mo na. Okay lang. Naparusahan na ako, e. 'Wag na lang sanang mauulit.”

Magsasalita pa sana ako nang may makita ako babae na papalapit sa kinaroroonan ni Belle. Natatandaan ko siya, Siya iyong nakabangga ni Belle noong unang araw ng pasukan. Nilapitan nito si Belle.

“OMG, Belle! I heard you! Nagsasalita ka nang mag-isa? You’re not just dumb, you are crazy! Luka-luka!” Tumatawang sabi nito. Inilabas pa nito ang cellphone at tinutok iyon kay Bella. “Come on, magsalita ka ulit mag-isa. Papasikatin kita sa Facebook! Isang baliw na student na nagsasalita nang mag-isa! Ang gandang caption, right?”

Nagulat si Belle sa pagdating ng babaeng iyon. Agad siyang tumahimik at hindi na ako pinansin.

Itinulak ng babae si Belle at nalaglag ang aklat nito sa ulo. Pinulat niya agad iyon at ipinatong ulit sa ulo niya. Hindi na lang ito pinansin ni Belle kaya naman tila nainis ang babae at umalis na lang din.

-----***-----

BELLE’S POV

“NAKITA mo na, Prince? Iniisip nilang nababaliw na ako dahil sa inyong mga multo!” asik ko sa kanya.

At talagang si Sharpay pa ang nakakita sa pagsasalita ko nang mag-isa which is hindi naman talaga ako nagsasalita nang mag-isa dahil kausap ko si Prince na ako lang ang nakakakita.

Si Sharpay 'yong babaeng nabangga ko noong first day of school. Nalaman ko kay Monica ang pangalan niya at ito daw ang “queen” sa school na ito. Ewan, basta mayaman daw ito. Pero may tsismis na ampon daw ito ng mayaman nitong guardians.

“Hayaan mo na lang sila. Basta, mag-concentrate ka na lang sa pagtulong sa akin para matapos na ang lahat ng ito.”

“Do you think matatapos ang lahat ng ito kapag natulungan na kita, Prince? Sa iyo, siguro, oo. Pero sa akin? Hindi. Nakakakita pa rin ako ng multo kahit matulungan pa kita. Ako ang dehado dito.”

“Mamayang gabi, okay? Sa rooftop ng lumang building…”

“Prince--” Hindi pa man ako tapos magsalita ay nawala na naman siya.

Ang insensitive naman ng multong iyon! Nakakainis siya. Sarili lang niya iniisip niya!

-----***-----

HININTAY ko munang makatulog ang parents ko pagsapit ng gabi bago ako pumuslit paalis ng bahay. Muli, dala ko ang aking bike papunta sa Wellington High. Sa likod na ako ng school pumasok dahil nakita kong may guard na nagbabantay sa may gate. Mas okay pala sa likod dumaan dahil hindi ganoon kataas ang pader. Nakaakyat ako doon nang walang kahirap-hirap.

May dala akong flashlight pero hindi ko ginamit dahil nga baka makita ako ng guard. Nagtago na lang ako sa dilim at nakakapagtaka na wala akong nakikitang kahit isang multo o kaluluwang gumagala. Nasaan kaya sila? Baka day off nila or napagod kakagala sa gabi.

Tinahak ko na ang daan papunta sa lumang building. Muntik pa akong mapasigaw nang papaakyat na ako sa hagdan papunta ng rooftop ay biglang sumulpot si Prince.

“Nakakagulat ka naman! Pwede ba, magbigay ka man lang ng sign kapag lilitaw ka!” aniya sa multo.

“Ang dami mong sinasabi. Tara na sa taas.” Seryoso ang mukha at boses nito.

Anong problema niya? Bakit parang ang seryoso niya yata ngayon. I mean, mas seryoso siya ngayon.

Dahil hindi ko rin naman masasagot ang tanong kong iyon ay smunod na lang ako sa kanya papunta sa rooftop. Pagdating ko doon ay nasagot ang tanong ko kanina kung bakit walang multo sa school ground. Iyon ay dahil nasa rooftop silang lahat! Nakapila ng ayos sa harapan ng isang table at chair. Sa ibabaw ng table ay may mga papel.

Inginuso ni Prince ang table at chair. “Doon ang pwesto mo. One hundred sixty nine lahat ng multo dito sa Wellington High kaya baka matagalan ka sa pag-interview sa kanila. Kung sino lang ang kaya mo ngayong gabi ay iyon lang muna. May mga susunod na gabi pa naman.”

“O-okay…” Iyon lang ang nasagot ko at pumwesto na ako sa table na nakalaan para sa akin. May ballpen pa doon. Paano kaya nila nagawa ito? Nakakahawak ba sila ng mga bagay?

Nasa likod ko si Prince at sinabi niyang uumpisahan na ang interview.

Nakuha ko na kung para saan ang ballpen at mga papel. Doon ko isusulat ang info sa mga multo para ma-review namin ni Prince kung sino ang karapat-dapat na anim na multo na tutulungan namin.

Ang una sa pila ay isang babae. Natatandaan ko siya. Siya iyong nasa cafeteria na may hinahanap.

“Ano pong pangalan niyo?” Medyo may takot pa ako dahil ikaw ba naman ang palibutan ng napakaraming multo. Pero nakakatuwa rin kasi disiplinado silang lahat. May pila pa talaga at maayos iyon.

Umubo muna ang babae bago sumagot. “Ako si Cora… May hinahanap ako sa paaralang ito. Ang anak ko. Dito ko siya iniwan. Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya dito dahil alam kong nandito siya…” Umubo ulit siya.

Isinulat ko ang mga sinabi niya sa papel. “Ilang taon na po ba ngayon ang anak niyo?” tanong ko.

“Marahil ay kaedad mo siya…”

“Seventeen po?”

“Oo. Ganoong edad nga…”

Isinulat ko ulit iyon. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Sige po. Okay na. Next!” sigaw ko sa kasunod na multo sa pila.

Hindi ito magiging madali. Alam ko.








TO BE CONTINUED…

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon