LESSON 12- Displeasure

4.2K 224 11
                                    

PRINCE’S POV

NALAMAN ko kay Baby na karamihan sa mga kaluluwa na nasa Wellington High ay natuwa sa pagdating ng Tagasundo na iyon. Naiintindihan ko naman sila dahil katulad ko, karamihan sa amin ay nais nang makaalis dito at makatawid na sa kabilang buhay. Ngunit, hindi dapat kami nagtitiwala agad-agad sa Tagasundo na iyon. Paano kung nililinlang lang sila niyon? Paano kung hindi maganda ngunit masama ang nais niyon?

“Wala ring magagawa kung kakausapin mo sila. Ang sabi ng iba, hihintayin na lang nila ang pagbabalik ng Tagasundo. Kakaunti na lang ang umaasa sa iyo at doon sa babaeng bukas ang third eye,” ani Baby sa akin. “Ilang kaluluwa lang naman daw kasi ang pwede niyong tulungan. Paano naman ang iba?”

“Kung pwede lang lahat kayo ay tulungan namin ngunit alam niyo naman na ilang kaluluwa lang ang pwede kong tulungan. At pagkatapos no’n ay makakatawid na ako.”

“Bahala ka na, Prince. Gawin mo na lang iyang gusto mo. Basta kami aasa kami kay Tagasundo.”

“Baby--”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil unti-unti na siyang nawala.

Hay! Bwisit!

Medyo hirap na nga kami ni Belle sa mission namin tapos dadagdag pa itong problemang ito. Sa tagal ko dito ay napamahal na ako sa lahat ng mga multo dito. Hindi man ako ganoon ka-showy sa kanila pero importante silang lahat sa akin. At hindi ako makakapayag na mapahamak kahit isa sa kanila.

Mukhang kailangan kong makausap si Belle tungkol dito.

-----***-----

BELLE’S POV
NAKAHIGA na ako para matulog nang biglang sumulpot sa tabi ng kama ko si Prince. Sa hitsura niya ay mukhang may problema siya. Ano kayang nangyari sa pakikipag-usap niya kay Helena?

“Belle, may problema tayo!” aniya.

“Anong problema? Kay Helena ba?” Napabangon tuloy ako.

Umiling siya. “Hindi. Nakausap ko na siya. Okay na. Nakuha ko na ang address ng nobyo niya.”

“Iyon naman pala, e. So, ano ang problema?”

“May dumating na nagpakilalang Tagasundo sa Wellington High. Ang sabi nito sa mga kaluluwa doon ay may lagusan na magbubukas papunta sa kabilang buhay. Magaganap iyon sa ikalawang pagbilog ng buwan! At sabi ni Baby, karamihan sa mga kaluluwa ay naniniwala sa Tagasundo na iyon. Belle, kailangan nating pigilan ang mga multo!”

Okay. Parang gets ko na kung bakit nagkakaganito si Prince.

Napailing na lang ako. “Natatakot ka ba na lahat ng multo ay pumasok sa lagusan na iyon? Tapos wala ka nang matutulungang multo? Bakit hindi mo na lang hintayin ang pagbukas ng lagusan, Prince? Para mas maging madali ang lahat. Hindi mo na kailangan ng tulong ko para makatawid ka. Ang selfish mo. Alam mo ba 'yon? Bakit mo pipigilan ang mga multo doon sa pagtawid nila sa kabilang buhay?”

Biglang natahimik si Prince. Madilim ang mukha na tumingin siya sa akin. “Bakit, Belle? Napapagod ka na bang tulungan ako kaya gusto mong tumawid na lang ako sa lagusan? Kung napapagod ka na, sige. Hihintayin ko na lang ang ikalawang pagbilog ng buwan. Pasensiya na sa istorbo. Sayang, nag-eenjoy pa naman akong kasama ka.”

What?! Nag-eenjoy siya na kasama ako? Ewan ko pero bigla akong kinilig nang palihim sa sinabing iyon ni Prince.

“Hoy! Ano bang sinasabi mo? Hindi ganoon ang--”

“Paalam…” aniya.

“Prince--” At bigla na siyang nawala sa paningin ko.

“Prince!” sigaw na tawag ko sa kanya ngunit hindi ko na siya naramdaman.

Nagtampo? Pati pala multo ay marunong magtampo?

Ah, bahala siya. Siguro naman ay hindi niya ako matitiis. Magpapakita rin sa akin iyon bukas sa school.

-----***-----

NAGKAMALI ako. Natapos na lang ang last subject namin ay hindi man lang nagpakita o nagparamdam sa akin si Prince. Talagang nagtampo siya sa sinabi ko kagabi, ha. Hindi naman sa ayaw ko na siyang tulungan or napapagod na ako kaya nasabi ko iyon. Actually, nag-eenjoy na rin ako sa pagtulong sa mga multo na tapusin ang unfinished business nila at nag-eenjoy na rin akong kasama si Prince. Kahit na moody siya. Ang sa akin lang naman, kung may mas madaling way para makatawid siya sa kabilang buhay, gawin na lang niya or namin, 'di ba? Iyon ang hindi niya naunawaan sa sinabi ko. Tatampo-tampo agad siya!

Humiwalay ako sa mga pauwi kong classmates. Nagpunta ako sa rooftop ng lumang building. Ang alam ko, madalas siyang tumambay doon dahil doon siya namatay pero wala siya doon. Bagkus ay ang babaeng multo na si Baby ang nakita ko.

“Baby, nakita mo ba si Prince?” tanong ko sa kanya.

“Hindi. Akala ko ba palagi kayong magkasama?”

“Nagtampo kasi siya sa akin kaya…” Hindi siguro tama na ikwento ko sa iba ang nangyayari sa amin ni Prince. “Sige. Salamat na lang,” bagkus ay sabi ko.

Aalis na sana ako nang magsalita pa si Baby. “Kumusta naman kayo ni Prince?”

Lumingon akong muli sa kanya. “Ha?”

“Gusto ka niya. Hindi mo ba alam?”

“Ako?” sabay turo sa aking sarili.

Lumipat si Baby sa may gilid ng rooftop at tumingin sa malayo. “Mahirap makasama si Prince. Mailap siya bagaman paminsan-minsan ay nakikipag-usap siya sa iba. Matagal na rin kaming magkakilala at alam niyang may gusto ako sa kanya pero kahit isang beses ay hindi ko siya nakasama nang matagal…”

“A-ano bang sinasabi mo?” Nagtatakang tanong ko.

Nakangiting humarap sa akin si Baby habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod. “Alam mo naman sigurong nagpakamatay siya dito, tama? Alam mo na rin ba kung bakit siya nagpakamatay?”

“H-hindi… Ayaw niyang sabihin sa akin kung bakit.”

“Ayaw niyang sabihin? O hindi lang niya maalala?”

“Hindi maalala?”

“Sa hindi malamang dahilan, kaming mga multo ay may mga alaalang noong buhay pa kami na hindi namin maalala. Marahil ang puso at utak na rin namin ang sadyang kumalimot sa mga iyon dahil sobrang saya o saobrang sakit.”

“Ang ibig mo bang sabihin ay hindi maalala ni Prince kung bakit siya nagpakamatay?”

“Hmm! Hindi niya maalala. Tama ka, Belle. Ang alam lang niya, tumalon siya dito sa rooftop. Ang alam lang niya ay nagpakamatay siya. Siguro, napapagod na rin siyang hanapin ang sagot kung bakit niya ninais kitilin ang sariling buhay kaya humingi siya ng tulong sa iyo para makatawid na siya.”

“Alam mo ba kung bakit siya nagpakamatay?”

“Alam ko pero baka kapag sinabi ko, hindi siya maniwala. Teka, ikaw ba, gusto mo na si Prince?”

Biglang namula ang mukha ko sa tanong na iyon ni Baby. Mabilis akong umiling. “H-hindi. Bakit naman ako magkakagusto sa isang multo?” Iyon ang sinagot ko pero tila may nagpoprotesta-- ang aking puso.

“Mabuti naman kung ganoon. 'Wag kang ma-attached sa kanya, Belle.”

“Bakit naman?”

“Dahil ang dahilan kung bakit gusto na niyang makaalis dito sa Wellington High ay para magkasama na sila sa kabilang buhay ng multong minamahal niya. Si Sarah…”

Para akong sinaksak sa dibdib ng isandaang beses gamit ang isang kutsilyo sa sinabing iyon ni Belle. Teka, bakit ba ako nasasaktan?

Anong katangahan 'yan, Belle?! Nasasaktan ka ba kasi may mahal na pala si Prince? turan ko sa aking sarili




TO BE CONTINUED…

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon