Kabanata 8

453K 18.7K 6.9K
                                    

Kabanata 8: Drunk

Hindi ko alam kung bakit pero dinala ko si Ryde sa kwarto ko. Binawi ko rin agad ang pagkakakapit ko sa kanyang braso. Nanlaki ang mata nya habang iginagala ang mata sa paligid.

"I have no contraceptive right now,"

Nanlaki ang mata ko. "Shut up! Bakit ba hindi ka na lang umalis kanina?  Alam mo namang mainit ang ulo sa'yo ng mayabang na 'yon eh!" Gigil na sinabi ko.

Naglakad ito at pabagsak na humiga sa kama. Tumingin ito sa kisame bago nagpakawala ng buntong hininga. Tumaas ng bahagya ang kanyang itim na sando.

"I'm sorry. Hindi ko gustong pag-alalahin ka."

"W-What?"

Dumapa ito at tinagilid ang ulo habang nakatingin sa akin. Pumapadyak pa ang paa nito habang nakangising nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang.

"I'm really sorry for that, Love."

"No! Sinisira mo ang birthday ni kuya! "

Tumango ito bago umupong muli. Tinanggal nito ang kanyang sapatos at tanging medyas lang ang iniwan.

"What are you doing?" I asked. "Hey! Ryde!" hinampas ko sya ng unang nang aktong aalisin nya ang kulay itim nyang sando. Buti na lang at 'di nya itinuloy.

"I'm tired,  Chels. Pwedeng bukas na lang tayo mag-usap?" Inaantok na sinabi nya bago humiga. Niyakap nya ang isang unan ko at ibinaon nya ang mukha nya do'n.

Natawa ako sa inis. Okay. Bakit ko ba kasi sya hinila papunta sa kwarto ko? Bakit ba kasi natakot akong baka magkasakitan sila ng mayabang na 'yon? God! Ano namang pakialam ko?!

"Umuwi ka na, Ryde."

"Hmmm?"

"Baka kung anong isipin ni Kuya Led!" Nataranta ako nang maisip 'yon.

Inaantok na tumingin ito sa akin. "Like what?" tanong nya.

"Na---Ano."

"Ano?" ngumisi ito.

Nagulat ako nang biglang may kumatok. Mabilis na ibinaon muli ni Ryde ang mukha nya sa unan at hindi na umimik.

Inis na binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin si Jean at Trisha. Malaki ang puwang sa pagitan nila at hindi nag-iimikan.

"Ibinigay mo na ba,  Chels?" Naiiyak na sinabi ni Jean. Sinipa nya ang pinto kaya lumawak ang pagkakabukas nito. Napatakip ito sa kanyang bibig nang makita si Ryde na tulog. "Oh my god! B-Bakit?" Nanginig ang kanyang labi.

Inis na hinila ko sila palabas at isinara ang pinto. Hinarap ko si Jean na hindi makatingin sa akin.

"Hindi na kita kayang tignan sa mata,  Chels." naiiyak na sabi ni Jean.

"Imposibleng may mangyari sa kanila sa ganon kaikling minuto. Magtanggal palang ng damit ay isang minuto na,  ang paghalik ay kadalasang tumatagal ng limang minuto---"

"Trisha! My god!" Nangilabot ako sa sinabi nya. "Walang nangyari, okay?  Inilayo ko lang si Ryde dahil baka magkagulo at masira ang gabing ito!" Mamamaos ata ako sa kakasigaw para ipaliwanag ang sarili ko.

Bakit ba kasi ako ang namomroblema sa gulong ginawa ng malanding lalaking 'yon? Dapat ay tahimik lang ako at hayaan silang magkagulo.

Ngumiwi si Jean. "Go ahead,  Trisha. Kami na ang bahala." nanlaki ang mata ko nang ipagtulakan ni Jean papasok sa kwarto si Trisha.

Umiwas si Trisha at binatukan si Jean.  "Bwisit ka! Bahala nga kayo dyan!" umalis na si Trisha na malamang ay bumalik na sa taas.

Tumingin ako kay Jean na nakanguso. Kumalabog ang dibdib ko nang biglang may humalakhak sa loob ng kwarto. Sobrang saya ng halakhak na 'yon na parang wala ng bukas.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon