Kabanata 20: Kissed
Hindi ko alam kung ilang minuto akong namalagi sa loob ng kwarto ko. Pilit ko pa ring inaalis sa aking utak ang nangyari kanina--- Ang pagkalabit ni Ryde sa gitara, ang pagbuka ng kanyang bibig, ang pikit niya at pagkanta. I must admin he's hot. Ryde is really hot. Hindi ko 'yon maipagkakaila.
Tumayo ako at nag-umpisang maghanap nang maisusuot sa cabinet ko. Napatingin ako sa table nang marinig ang vibration ng phone ko. Naabutan kong bukas ang ilaw no'n kaya tinigil ko muna ang paghahalungkat sa cabinet para lapitan 'yon.
Blaze is calling...
Answer
Decline
Sandali akong natigilan. Matagal-tagal na rin nong huli kong nakita ang pangalan nya sa screen ng phone ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil sa lakas ng kalabog sa dibdib ko. Habang nakatingin ako sa screen ay mas sumisikip ang paghinga ko.
My hands were trembling in nervous. Kahit na ganon ay kinuha ko pa rin ang phone. Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko bago sinagot ang tawag. Answered.
"H-Hello..." Damn. Even my voice was shaking.
Narinig ko ang mga mabibigat na paghinga sa kabilang linya at dinig na dinig ko rin ang mga stereo. "Hey... Good evening, Miss Vellarde." Masaya nyang bati na ikinakunot ng noo ko.
"Blaze? Are you drunk?" I asked. Agh! Isn't it obvious, Chels?
He chuckled, "They say yes, so I think... I am."
Lumapit ako sa bintana at binuksan 'yon. Parang kailangan ko ng malamig na hangin para kumalma ang nagwawala sa loob ko. Mabilis na niyakap ako ng hangin pagkabukas ng bintana at halos yakapin ko ang sarili ko dahil sa lamig.
"Where are you?" Tanong ko dahil alam kong wala siya sa kanilang bahay. Base sa ingay na galing sa background ay malamang nasa isa syang bar.
"Aww... My princess still cares for me. How sweet?"
Damn. Lasing nga ang loko.
Narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto. "Chels?" Dinig kong tawag ni Kuya Led mula sa labas. "Kain na..." aniya pa. Inilaya ko sa tainga ko ang phone para sumagot.
"Mauna na kayo!" sigaw ko.
Wala na akong muling narinig na ingay mula doon kaya inilapit ko ng muli ang phone ko sa tainga ko. "Blaze?" Tawag ko sa kanya.
Muli kong narinig ang mga mabigat na paghinga sa kabilang linya. "I am torn, Chels. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin." Ngayon ay biglang lumungkot ang kanyang boses.
Huminga ako nang malalim. "Where are you?" Muli kong tanong.
BINABASA MO ANG
Trapped (Book 1)
RomanceTIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wants to move on but whenever she tries, she always ends up back to him. This kind of affection is absurd for Ryde Leibniz. That's why whenev...