Kabanata 23: Dirty Players
I love you... Ilang ulit kong binasa 'yon at umaasa akong mag-iiba ang mga nakasulat. Hinablot ni Jean ang hawak kong notebook at itinapon sa kama. Hindi ko 'yon pinansin bagkus ay bumagsak pa ang tingin ko sa sahig.
Damn it. Nawalan akong ng ganang manuod ng laban nila. Hindi ko rin gusto ang pakiramdam na ito. Parang ang bigat ng paghinga ko at kinapos ako sa hangin. Hindi ko ngayon alam kung ano ang mas maganda. Sana ay isang ordinaryon numero na lang ang mga 'yon at walang ibig sabihin. I wish I could change its meaning to a nonsense one. Sana ay ganon na lang nga.
"What are you going to do now?" Jean asked me. Nakangisi ito na parang nag-aasar. "Alam ko na," pinitik nito ang daliri nya bago mahinang natawa. "You're going to deny it again. Gagawa ka ng isang rason at 'yon ang paniniwalaan mo."
Hindi ako nakapagsalita.
"Am I right, Miss Chelsea Vellarde?"
"W-What if it was just an ordinary fraction? Paano kung nag-over think lang tayo na---"
"Fine! Believe in what you want... H'wag mo akong idamay sa kahibangan mo." Napanganga ako sa sinabi nya.
Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi nya. Tumaas ang kilay ko. "Bakit may pakiramdam ako na ipinagtutulakan mo ako kay Ryde?" Naguguluhang sinabi ko.
Tumawa ito bago ako inakbayan. "Chelsea, my best friend... May problema ka sa pakiramdam." Malakas na tumawa ito bago kinuha ang pouch nya na nakapatong sa table. "H'wag mo munang isipin 'yan... Tara na at baka pagkarating natin do'n ay makasalubong na natin silang lahat na pauwi."
Tumayo ako at kinuha ang phone ko. Inilagay ko ito sa bulsa ng jacket ko bago lumabas ng kwarto ko. Gaya ng bilin ni Jean ay kinandado namin lahat. May susi naman si Kuya kaya hindi problema 'yon.
Tahimik na binaybay namin ang tahimik na kalye. Gabi na at tanging ang liwanag lang mula sa buwan at mga nagkalat na lamp post sa paligid ang nagbibigay ng liwanag sa daan. May mga kasabay namin at base sa mga narinig kong pinag-usapan nila ay papunta rin sila para manuod ng laro.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko nang mag-vibrate ito. Tumambad sa akin ang isang text message mula kay Kuya Led. Sumilip din si Jean at nung nabasa nya 'yon ay mahina syang tumili.
"Baka raw makahabol pa si Kuya..." Sabi ko kahit na nauna nya pang nabasa sa akin. Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang phone ko.
Pagkarating namin sa covered court ay hinila ako agad ni Jean sa pinakaunang bleacher malapit sa scoring board. Ramdam ko ang excitement sa kanya na dumoble dahil sa text ni Kuya Led. Medyo nahiya ako sa mga nakaupo na do'n dahil isiningit lang ako ni Jean. Agh! Hindi ba sya marunong mahiya?
Tumingin ako sa loob ng basketball court. Nasa loob na sina Ryde, Jude at 'yong lalaking mayabang na muntik nang makipag-away nung birthday ni Kuya Led. Inayos ni Ryde ang kanyang wrist band na itim na lagi nyang isinusuot. Kinuha nito ang bola na ipinasa ni Jude at drinibble. Mahinang tumalon ito at binitawan ang bola. Umangat ang kanang bahagi ng kanyang labi nang makitang maayos ang pagkakabitaw nya. May mga tumili nang ma-shoot 'yon.
"Bili lang ako, ah?" Pumalad ito sa akin. Saka ko lang naalala na nakalimutan ko ang pouch ko. Agh! Tanging phone lang ang nadala ko. Masyado akong lutang kanina na hinayaan ko lang si Jean na hilain ako.
"Nakalimutan ko sa bahay 'yong pera ko." Ngumuso ako dahil alam kong hindi nya ito papalagpasin.
"Okay... Libre ko." Hinawi nya ang mga taong nasa daan at sumingit do'n. Napailing na lang ako dahil first time kong narinig na sinabi nyang libre nya ako.
BINABASA MO ANG
Trapped (Book 1)
RomanceTIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wants to move on but whenever she tries, she always ends up back to him. This kind of affection is absurd for Ryde Leibniz. That's why whenev...