Kabanata 22

450K 18.4K 6K
                                    

Kabanata 22: Fraction

Tumigil sa pagtakbo si Jean kaya tumigil din kami. Sabay kaming naghabol ng hininga habang nakahawak sa aming mga tuhod dahil sa pagod. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa aking katawan.

"M-Manunuod ka mamaya?" Tanong ni Jean sa gitna ng paghingal nya.

Pumunta kami sa isang bleacher kung nasan ang aming mga tubig. "Saan?" Tanong ko bago uminom. Halos maubos ko 'yon dahil sa sobrang uhaw.

Pinanuod kong magpunas ng pawis si Jean. "May laro sila Blaze, 'di ba?" Aniya kaya napaisip naman ako.

Oo nga pala. May laro silang basketball. Kaya pala dinig na dinig ko ang pagtatalo nila mommy at Kuya Led kagabi dahil ayaw ni mommy na payagan si Kuya. May trabaho pa kasi sya.

"Ikaw ba?" Tanong ko. Kinuha ko ang towel ko at pinunasan ang mukha ko pababa sa aking leeg. Marami-rami rin ang nagja-jogging ngayon at medyo umiinit na rin.

Umupo ako at isinandal ang likod ko. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng upuan dahil sa pabagsak na pag-upo ni Jean.

"Hindi ko alam. Wala rin naman si Led." Malungkot niyang sinabi. "Pero andon naman sina Blaze, Jude at Ryde. May rason pa rin tayo para manuod." Ngumisi siya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Bigla ko na naman naalala ang napakinggan namin kahapon sa audio recorder. Ryde's meaning of love. EARTH means Electricifying Art Running Through our Heart. Damn. Paano nya nagawang buuin 'yon? Nice.

"Ano? Malamang na ayaw mo!" Mahinang hinampas sa akin ni Jean ang kanyang towel.

Ngumiwi ako dahil amoy pawis 'yon.

"Pupunta ako! Wala namang pasok bukas." sagot ko. Malawak na ngumiti ito sa akin.

Wala rin naman akong gagawin mamayang gabi. Next week na ang finals namin kaya sa Sunday na lang ako magrereview. Magaling naman ako pag nagmamadali. And medyo nakapagreview na rin ako kanina.

"Hindi ba talaga pupunta si Led?"

"Hindi. May pasok sya sa trabaho." Maikli kong sagot.

Kinuha ko ang pouch ko at inilabas ang phone ko do'n. Alas diyes na rin pala kaya kumakalam na ang sikmura ko. Matapos kong mag-check no notifications ay ibinalik ko na rin ito sa aking pouch.

Napatingin ako sa lalaking tumayo sa aming harapan ni Jean. Medyo matangkad lang sa amin ng konti. Nakanguso ito. Kung susuriin ay medyo bata sa amin ito.

"Ram?" Tawag sa kanya ni Jean.

Hindi sya pinansin nito. Napalunok ako nang pinaningkitan nya ako ng mata. Hala. Anong problema nito? Hindi ko naman nga sya kilala.

"Chelsea, right?" Magalang na tanong nya.

Napatingin ako kay Jean. "Kapatid 'yan ni Blaze." bulong nya sa akin.

Napanganga ako sa sinabi nya. Binalikan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan namin.

"Y-Yes. Why?" I gulped. Ngayon ko lang napansin ang pagkakahalingtulad nila ni Blaze.

Bigla itong kumamot sa kanyang batok. "Birthday ko next week. Sunday." Sabi niya kaya umangat ang kilay ko. "Punta ka!"

Natawa ako nang bigla itong umiwas ng tingin. Namula ang kanyang tainga. Ngayon ko lang napansin ang hawak nyang bola. Naka-sleeveless white shirt ito na tinernohan ng short.

"Imbitado rin ba ako?" Nakangiting tanong ni Jean.

"Sino ka ba?" Tanong niya kay Jean.

Napanganga si Jean. "Kilala kita tapos ako hindi mo kilala? Aba! Wala kang galang ah!" Hinawakan ko sa braso si Jean dahil nag-o-over react na naman sya.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon