Nang nakarating na ako sa bago kong school.
"Bye kuya Lex sundoin mo nalang ako this 5:00 pm ok?" Sabi ko kay manong driver..
---- Golden Souls University ----
Sa wakas andito na ako sa bago kong school. Excited much ako kaya pak na pak ako ngayon. Ang ganda pala dito, ang taas ng mga bulidings at ang daming plants especially flowers. Ang dami ding guard kanina kasi sa pagbukas pa sa entrance gate ng school may apat na guard na akong nakita at dito naman sa campus may dalawang lady guard.
Sigoro napaka strict na paaralang to..l
Pagkatakbo ko papunta sa entrance door ng campus ang daming tao agad na tumitingin sakin, ang iba nagbulng-bulungan, ang iba naman tulala at ang iba naman nalalag yung mga panga. Paglakad ko maynarinig akong bulungan galing sa isang groupong lalake na nasa gitna. Mga gwapo naman sila pero hindi gaano. Sigoro mga sikat to dahil ang gwapo nila eh.
*Uyy pare tignan niyo oh ang lakas ng tama niya ang ganda*
*Oo nga pare ang ganda at sexy pa namn*
*Siya ata yung bagong student dito at higit sa lahat single lang siya pre NBSB din*Single mukha niyo! Excuse me lang ha! Hindi niyo alam kung sino ako! Meron na akong apat na ex! At higit sa lahat hindi ako NBSB!
Pupunta sana akong CR pero hindi ko alam kung saan ba yun, hindi ko pa kasi kabisado tung paaralang to eh. Napakalaki kasi pero mas malaki pa yung paaralan ko noon kesa sa ngayon.
Magtatanong nalang ata ako.
Ayy ayun parang mabait to maganda pa naman baka pwede ko tong tanungin.
"Uhmm miss excuse me can I ask?" Tanong ko sa babae.
Tinignan niya ako sa ulo hanggang paa. Aba ang taray pala ha. Tssk. Tinignan niya ulit yung mukha ko.
At ngumiti siya sakin parang alam na niya na bago ako sa paaralang to.
"Ahh Yes of coarse.." Hay jusqo salamat. Kala ko mataray to hindi naman pala.
"Uhmm can you tell were the comfort room--" Napigilan ako sa pagsalita.
"Oh my gosh! Tama nga ako ikaw yung bagong student here right?" Sabi ko na nga ba.
Ang dami kasing nagrequest na mga estudyante sakin sa facebook at Twitter kagabi. Kaya ayun kumalat na tatransfer ako dito sa GSU.
"Ahh oo." Sabi ko. Hinawak niyang kamay ko at nakipag shake hands sakin sabay ngiti. "I'm Krissa Yap" Aniya. Ngumiti din ako at nakipag shake hands. "Shassy Oreca" Sabi ko. Finally may nakilala na ako.
"Sa CR ka diba? Tara mag C-CR din ako." Hinila niya ako patungong CR. Ang daming nagtinginan sakin at pinagtsismisan pa naman ako.
Sawakas may nakilala na rin ako hindi na ako ma O-OP.
Pagpasok namin sa CR sa isang pintuan pa lang marami ng mga vandalism at tinignan ko agad ito.
May mga nakasulat na mga pangalan sa mga lalake at may i love you pa. Tsk. Echos ganito pala ang mga estudyanteng babae dito? mga love struck.
Tinuro din ni Krissa ang nakasulat na 'f*ck u Brice'.
"Oh nga pala Brice yung ex ko. Pinaasa niya lang kasi ako sa wala at pinagpalit lang ako sa iba. Kaya f*ck u sa kanya." Aniya.
"Eh bakit pinagpalit ka naman?ang ganda-ganda mo nga eh." Sabi ko habang nag hugas ng kamay.
Inilabas ko yung make-up kit ko at naglagay ako ng konting foundation sa mukha ko.
"Aba ang arte ah." Naglagay naman ako ng lip balm. "Hindi n--" Napahinto ako dahil may pumasok sa CR.
Pero nang nakita niya si Krissa parang natatakot tas umalis agad.
"Anyare dun?" Tanong ko.
*ringggggggg*
Tinapos ko na yung pagre-retouch ko kasi nag bell na. Tinali ko yung buhok ko pa bun at inayos yung mga sarili namin."Malalaman mo rin kung ano talaga ako.." Aniya. Umalis na rin kami sa CR at ang dami na namang mga estudyanteng nagtinginan. "Lika na! Mag fa-flag ceremony na." Aniya.
Hinila niyang kamay ko patungong Atrium at nag line up kami sa line ng mga girls.
Sheyt ang daming estudyante! Ang ingay...ang iba naman nagsintinginan samin ni Krissa. Ang iba naman nagbulung-bulungan tssk! Bahala kayo sa buhay niyo! Mga kurimaw.
"Saang section ka nga pala Shassy?" Tanong niya. "Sa Section B..." Sagot ko.
"Talaga!?" Napatakip siya sa bibig niya. Shock na shock siya. "Homayghad! Shassy napaka swerte mo!" Niyugyug ni ya ako.
Ano bang nakaka swerte sa Section B!? Malas nga eh dahil pinangarap kong maging science class pero ayun nahulog sa Section B. Letche naman!!!
Hanggang sa na tapos ang flag ceremony pumunta na agad ako sa Section B kung saan ako na a-assigned.
Nang umupo na ako sa upuan sa front pumasok agad yung guro namin. Adviser ata siya namin at babae siya matangkad, makinis, mestiza, mahabang buhok at naka Harry Potter glasses.
Tiningnan niya yung buong silid at parang may hinahanap siya. At putekkk tumitingin siya sakin......
"Ehe-ehemm newbie can you please introduce yourself to us..." Aniya habang tumingin sakin na parang nagtatarayan sabay turo sa front. Nagtinginan din yung mga kaklase ko(as in ulo hanggang paa).
Nakakahiya... Tumayo nalang ako at pumunta sa pinaka front (letche ba't sa front pa naman!) at nag introduced na ako agad.
"Ehem.." Napalunok muna ako ng laway at nagsimula din."Uhmm Hi.. I'm Shassy Leen Oreca, 15 years old and--" Napahinto ako dahil may nagbukas sa pintuan na hindi kumakatok.
Pagkatingin ko sa pumasok na lalake.... JUSKO LORD!!!
SI IMPAKTO NANDITO!
No please hindi to maaari hindi pwedeng magkaklase kami ni impakto. Bwisit naman!!