"Ano pa ba kelangan ko bilhin para sa school momz?" Tanong ko kay mommy.Andito kasi kami sa mall bumibili ng mga gamit para sa school. Eh nakakainis nga palagi nalang ako inilipat kahit saang school pero ok lang naman sakin dahil private yung bagong school na ta-transferan ko. Ayaw ko kasi sa mga public school sabi kasi nila magulo daw. 'Daw'.
"Buy what you want cause I'll pay it for you. ok?" Sabi ni momz. Oh nga pala si Sham Oreca yung pangalan ng mommy ko kahawig kasi kami. Yung mata ko lang ang hindi kasi sa tatay ko yun na kahawig. Hindi ko alam kung sino tatay ko, basta wala na kong pakialam, bahala siya sa buhay niya, bahala siyang mamatay. 12 months palang daw ako iniwan niya na kaming dalawa ni mommy. Ewan ko kung bakit, basta wala akong pake.tsk
"Ok momz.." Sabay ngiti ko. Kinuha ko yung gusto ko kasi sabi ni momz siya na daw lahat magbabayad. Ang bait talaga ng momz ko. Kaya lab na lab ko.
Kumuha ako ng walong notebooks at apat na extra notebooks, yun kasi ang nakalagay sa requirements kaya bibilhin ko nalang lahat..
Next is art materials omg! I love art materials. Gustong-gusto ko talaga ang mga art materials kasi hubby kong mag paint tsaka drawing.
Kaya pumunta ako sa art materials side sa mall.....
Booggshh!!
********************Aray! Yung tuhod ko na gasgas putek walang hiyang lalake to. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan. tsk. Ayan tuloy naka damay ng tao. Bwisit!
"Hala miss sorry...sorry talaga hindi ko sinasadya." Hindi ko lang siya pinansin.
Tumayo ako agad at tumingin ako sa tuhod ko...
Jusqo ang tuhod ko na gasgasan!! Eh kahit iisang gasgas sa legs ko wala nga tapos yun lang? Ma gasgasan lang sa impaktong lalakeng to? Sh*t!
"Miss sorry talaga hindi ko sinasadya." Aniya.
Tumingin ako sa kanya..... aba ang impaktong lalake ganito ka gwapo? Pero naman napaka tanga niya naman. Nagasgas tuloy yung tuhod ko.
"Anong sorry! Hindi mo ba to nakikita?!" Sabay turo ko sa tuhod kong may gasgas at dumudugo. Naka short kasi ako.
Tumingin ako sa mukha niya.....aba mukhang nagalala siya ah.
Bwisit ka naman kasing lalakeng ka. Impakto!
"Ehh ipadala nalang kita sa clinic kung gusto mo?." Aniya. Dumating naman yung yaya namin. Putek namn kahit kailan talaga napaka panira moment tong yaya ko.tss
"Hala jusqo maryosep! Anong nangyare sa tuhod niyo madam?." Sabi ni yaya. Sabay tingin at hawak sa tuhod ko.
"Aray!" Tumawa din yung impaktong lalake. Anong nakain niya abnormal ba siya? Ang sakit sakit kaya sa sugat ko.. siya pa naman tong may kapakanan ng lahat. "Eh kasi yaya itong lalakeng to hindi kasi tumitingin sa dinadaanan. Impaktong--" napahinto ako. Dahil tumingin si yaya sa lalake parang nahihiya at nagpatawad.
"Sorry po Mr. Fuentes! Kayo po pala. Patawad po sa mga salitang--" napahinto din si yaya kasi sumingit si impakto. Wait. Magkakilala sila ni impakto? Why? Bakit ang impaktong lalake pa naman. Malas!
"Ok lang ok lang tsaka ako naman talaga yung may kasalanan sa lahat ng ito kaya ako magsorry. Patawad po.." Tumingin siya ulit sakin at nangumiti.
Sinamaan ko din siya ng tingin, sinipatan at tinaasan ng kilay.
"Ohh sige yaya Rim mauna na ako may bibilhin pa kasi ako." Paalam ni impakto.
Kilala niya talaga ang yaya ko? Sino ba siya para kikilanin yung yaya ko.
"Ok Sir." Sabi ni yaya.
Ha?! Anong sir ka diyan hindi yan karapatdapat matawag na sir kasi napaka impakto yang lalakeng yan.!
Bwisit parang napupuno na talaga ako!,
"Oh by the way yaya.. Your alaga is so beautiful.." Sabi niya kay yaya. Sabay ngiti at kindat sakin.
Bwisit hindi ka cute kaya wag kang magpacute!
Tsaka ano daw? Beautiful daw ako?.. Oh yes yes thank you for reminding me because maganda talaga ako. Jk... Totoo namn tsk.
Umalis na rin siya. Nag wave din siya sakin at kay yaya kaya dinilaan ko lang at sinipatan.
Ka sira ng araw bwisit!