SHASSY'S POV
Isang buwan na ang nakalipas first anniversary na namin ni Kaizzer. Naging kami kasi dahil umamin siya sakin at umamin din naman ako sa feelings ko sa kanya kaya ayon..
Isang buwan na din kaming magkaibigan ni JM a.k.a. impakto. Sila bessy naman, si krissa at Jenny ayon lomalove life na ang mga kurimaw kaya hindi na kami masyadong nagbo-bonding dahil puro nalang date date kay Yadi at Marcus..Tssk..
Eh ako naman palagi nalang akong parang kamatis, kamumula sa kilig. Si kaizzer eh palagi nalang may pakulo. At every Saturday may date kami. Ang sweet niya no?? Yieeee.. gigil mo si acoe.
At ngayong intrams na napakadami nang tao sa school at marami na ding bumibili ng mga ticket, may maglalaro kasi mamaya sa gym yung basketball team namin sa batch na "Golden Flame" vs sa ibang batch. Nakabili nadin kami ng ticket nila bessy krissa at Jeany, manonood kasi kami. Maglalaro kasi mga lalabs namin.hihi..
At promise naman sakin ni kaizzer na kung mananalo daw sila hahalikan niya ako as in sa lips.. Wahh*___* ano kaya feeling nun?? Excited ako..
"Huyy!!! Bakit ka nakatulala diyan?? Tara na!!!" aray!! Ang sakit nun!
"Arayyy!! mambatok naman eh!!" Sinundan ko lang siya.
Nandito kasi kaming tatlo ni krissa at Jenny sa Atrium ng campus at ang dami-dami ng estudyante dito. Andito na namn yung mga hinayupak na mga seniors.
Pumunta kami sa CR para makapagready mamaya sa game ng mga lalabs namin. Eh ano pa bang gagawin namin? Edi mag support sa kanila at dapat maganda kami para full confidence sa pagsuporta at pagcheer sa mga lalabs namin..
"Ok tapos na ako!! Teka asan yung mga banners natin??" tanong ko.
"Hala oo!! Baka makalimutan natin.. andun pa sa locker..." sabi ni krissa habang naga-apply ng kylie lipstick sa labi niya. Si Jenny naman nagaayos sa buhok niya..
"Bilisan niyo na guys malapit nang magstart ang game.. baka wala na tayong maupoan.." sabi ko.
"Ohh ito nah ito nah..." sabi nila habang patapos na.
Umalis na kami sa CR at pumunta agad sa mga locker namin para kunin yung mga banners. Yung banner ko may nakatatak na "Go! Kaizzer!!" at may heart sa gilid..
Pagkatapos namin kunin yung mga banners, tumakbo kami patungong gym. Ang dami nang tao, paano na to? Paano na kami makapasok?? Hayssss.
Mayamaya may tumakbong lalake patungo sa kinatatayuan namin tapos tumigil na siya.
"Ahhh excuse me po.. kanina pa po kayo hinahanap nina kaizzer, yadi at marcus.. may upoan daw silang inireserve sa loob para sa inyong tatlo.." sabi nung lalake.
"Ahhh cge thank you.." sabi ko.
"Pumasok na po kayo sa loob..."
"Cgee..."
Pumasok na kami sa loob...
Nandito na pala lahat ng mga players at ang dami na ng tao..
Eh saan naman yung upoan na pina reserve nila??.. Puno na lahat. -_____-
Biglang may humawak sa kamay ko. At pagtalikod ko nakita ko sila Kaizzer abalang-abala.. At bigla niya akong niyakap..
"Babe andito ka lang pala.. kanina pa talaga kami naghahanap sa inyo, akala ko hindi ka na pupunta eh kung wala ka dito paano na ako makalaro? Eh wala yung inspiration ko.." aniya habang nakayakap sakin.
Bahala na yung mga tao! Hala sige!! Tingin pa ng tingin! Mainggit lang kayo forever!
"Pshh! Ikaw talaga.. Andito na nga eh! Andito na ako.... saan pala yung upoan na pinareserve niyo??" tanong ko at agad niyang tinigil ang yakap.
Hinawakan niya ulit yung kamay at hinila patungo sa taas kung saan nandun ang pinareserve na upoan para samin.. Eh yung dalawa naman, si Krissa at Jenny nagse-sweet pa sa mga boyfriend nilang si yadi at marcus..
Umabot na kami sa taas kung saan ang batch namin nakaupo.. Nagsintinginan na naman yung mga estudyante, yung iba namn nagbubulungan, yung iba kinilig.. hahayss people nowadays... Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako.
"Sige babe ah! Dito ka lang..para makita ko yung babaeng pinakamamahal ko...yieeeeeee~ nagblush siya oh..." panunukso niya sakin kaya napablush ako.
"Kaizzer naman eh!!" I said shyly and then he suddenly smiled..
"Ahahah ang cute talaga ni Shassy..." he said while pinching my cheeks.
"Ahhhh! Aray!.. sakit nun ah!" sabi ko habang pinapalo yung mga kamay niya.
Wala lang siyang ginawa kungdi ngiti ng ngiti.. psh! Abnormal talaga! Pero mahal ko naman.. yiee.
Nakita kung papalapit na sila krissa at Jenny magstart na kasi yung game..
"Cge na! Punta ka na dun! Galinga mo ha!!" Sabi ko habang pinapaalis si kaizzer.
"Gagalingan ko para sayo babe~ and promise me kung manalo kami eh kiss kita ah?" Aniya.
"Oo.. cge na!! Hinahanap kana nila.." pinaalis ko na siya at bumalik narin ako sa upoan namin.
Nakita ko nang bumalik si kaizzer sa gilid ng court kung saan nandun ang team nila. Mayamaya, bigla siyang humarap kung saan kami nakaupo at ngumiti siya sakin. At bigla namang kinikilg yung babae na nasa likod ko, akala niya siya yung ningitian ni kaizzer, assuming ang kurimaw..ahahah. Ako yung ningitian niya hindi ikaw! tsk.
Mayamaya, nagsimula na yung game...
Ayun! Nabawi ni marcus...takbo takbo.. pasa kay kaizzer.. Shoot!!!
"Wooohhh!!!!" Sigaw ng batch namin at kami naman paos na paos na kakasigaw..
_________________________________________________
To be continued...Ano sa tingin niyo guys? Mananalo ba sila kaizzer??.
I'll update next next day💞💞