After 2 hours.... Natapos na rin kaming mag practice...
Pagod na pagod na kami..Pawis na pawis.. Yung iba naman nangangamoy na..haha
Basang-basa na din yung practice costume sa cheerdance na damit ko...
Pumunta na kami agad sa changing room para magpalit ng damit..Sinoot ko na yung PE uniform ko at nagayos sa sarili.
Mayamaya.... Nagtsismisan yung ibang mga Cheerdancers na nasa room. At Tumingin sila sakin at sa mga cellphone nila..
"Ang sweet nila no?? And swerte naman ni Shassy oh..."
"Oo nga... Nabalitaan ko ring sila na daw!.."
"Ha!talaga! Bagay na bagay sila.."Hoihoi! Anong kami nah! Hindi ko siya boyfriend noh!!!
Binuksan ko agad yung cellphone ko...
Ha! May nag tag sakin??! Sa Facebook!!
Teka! Ito yung kanina sa canteen ahh!
Yung pinagtripan kami ng mga lalakeng seniors at iniligtas kami nila Kaizzer!!!
Ba't ako na tag??! Makikita to nila mommy!! Patay!
Nakita ko namang tumakbo si Krissa at Jennie palapit sakin...
"Bess!Bess! Nakita mo na ba toh??!! Na tag tayong tatlo!!" Ipinakita nila yung video sa nangyayare sa canteen kanina.
"Oo nakita ko na yan!May mga estudyante kasing nagvi-video kanina... Ano nang gagawin natin?! Kakalat na yung video..." Sabi ko..
"Eh try nating eh delete...." Sabi ni Jennie..
Sinubukan naming eh delete yung video na napost sa facebook...pero ayaw eh..
Hayss ano na ngayon??!! Kailangan tong malaman nila Kaizzer...
"Guyss kailangan tong malaman nila Kaizzer!!..." Sabi ko.
Papunta na kami sa canteen upang hanapin sila at isabi yung tungkol sa video...
Nasa campus pa kami pero marami nang nagtsi-tsismis about sa video...
Yung ibang babae tumingin samin parang naiirita.. Che! Bahala kayo sa buhay niyo!!
Tsk. Kumalat na talaga yung video... —_____—
Andito na kami ngayon sa canteen... Nagsintinginan na naman yung mga babae..
Hinanap namin sila Kaizzer... At ayun!! Nakita na namin..
Nagkatuwaan lang sila sa table... Naglalaro parang mga bata..
Hindi ba nila alam yun tungkol sa video na napost? At kumalat??
Lumapit kami sa table nila Kaizzer...
Teka!! Si impakto ba yung nasa pinakagilid na table??!!! Ba't siya tumitingin sakin?? At may notebook siyang sinusulatan.. At magisa lang siya... Kawawa nama wala ba yung mga barkada niya? Forever alone talaga
"Oiii Shassy andito na pala kayo!!" Sabi ni Kaizzer.
Ngumiti lang ako... Si Krissa at Jennie naman kinikilg dahil nandito yung dalawa.. Si Yadi at Marcus...
"Ahhh halika dito..." Hinila niyang kamay ko palapit sa kanya at pinapaupo ako...
Sila Yadi at Marcus naman ay pinapaupo sila Krissa at Jennie sa tabi nila isa-isa..
Ano ba toh? By pair? Ganun?
"Oh nga pala...Nakita mo ba yung----" hindi ko natapos dahil...
"Ahhh yung about sa video?? Asuss.... Dapat lang yun napost at kumalat para malalaman ng lahat na pinoprotektahan kita kasi nililigawan kita...."
Ha! Nililigawan niya ako!!! AKO??!!! As in me???
"Ha?!!!"
"Sabi ko... Liligawan kita...." Aniya sabay agbay sa balikat ko.
Nagulat ako sa sinabi at ginawa niya...
Nakita ko ding nakatingin lang si impakto samin at agad niya isinara yung notebook na sinulatan niya... At agad siyang nagwalk out padabog...
Anyare dun?
"Ohhh ba't ka nakatulala diya?.....Hihi ang cute mo...." He said while pinching my cheeks..
"Arrayy!...." Inalis ko agad yung kamay niya sa pisngi ko at sa balikat ko...
Nakita ko ding nagse-sweet sweet yung apat....Si Yadi kay Krissa..... At si Marcus naman kay Jennie.
Yung dalawa naman, si Krissa at Jennie.... Namumula na parang kamatis...ahaha
Mayamaya dumadami na ang mga estudyanteng babae sa pagilid... Yung iba pasulyap-sulyap... Yung iba naman kinilig.... Yung iba nagbubulungan..
"Ohhh ayan ka na naman.... Diba sabi ko huwag mo na silang pansinin..Problema na nila yan.."
"Ok fine...Natatakot lang naman kasi ako baka magkamali---"
"Na anoh? Magkamali silang tayo na? Then... Who cares... Dapat lang...kasi kung akala nila na girlfriend na kita kahit hindi pa dahil nililigawa pa kita... Then bahala sila... Wala silang pake... So dapat hindi ka matakot kasi andito lang naman ako para sayo eh...ok?" Aniya habang tinap yung ulo ko. At inagbayan ulit ako sa balikat....
"Ok..." Sagot ko...
Yieeee ang sweet nun ahhh...kilig si aqoe...
Pagkatapos nun kumain na kami agad kasi pag 1:30 babalik na naman kami sa gym para magpractice...
Tapos na kaming kumain at andito kaming dalawa ni Kaizzer sa garden ng school... Tahimik dito at walang tao... Magaganda din yung mga flowers...
"Shassy halika... Akyat tayo dito..." Nakita kong umaakyat si Kaizzer sa puno..
Lumapit din ako...
"Ehhh hindi ako marunong umaakyat ehh.." Sabi ko.
"Asuuss andito naman ako.. Lika na..At kung mahuhulog ka.. Sasaluin naman kita..." Aniya. Kinuha niya yung dalawang kamay ko at hinila pataas sa puno..
At naka akyat na din kami sa itaas..
Waaw ang ganda... Mas makikita mo lahat ng magagandang bulaklak dito...
"You like it???..." Tanong niya.. At Tumango lang ako at ngumiti..
Hinawakan niyang kamay ko while watching the beautiful view of the flowers.
Ang ganda pala ng feeling kapag kasama mo yung lalakeng gusto mo..
It's like a dream.....