Chapter 2: Panira ng araw

34 3 0
                                    

Ayun natapos na din kaming bumili ng mga school supplies ni momz kanina sa mall...

Nawala na din yung impaktong lalake...

Pagod na pagod na kami ni momz kaya mag lu-lunch nalng kami sa restaurant. Ito yung pinaka favorite naming restaurant ni momz dahil korean ang mga ingredients at recipes nito kaya masarap. Isa sa favorite kong food sa korean-Steak restaurant ay ang kimchi at sushi. Yan talaga ang dalawang favorite ko na food as in sa lahat ng foods korean dishes talaga yung pinakamamahal ko.charr.

Nagorder nalang kami ng food ni momz ang taas kasi ng pila at ang dami pang tao...

Ito yung inorder namin.... Kimchi, sushi, beef steak, korean soup, extra regular rice, and lastly my favorite drink chocolate shake.

Ang daming tao baka wala na kaming mauupuan ni momz, baka meron pa sa taas maghahanap nalang ako...

"Mommy I'll just go up stairs baka maubusan na tayo ng place.." Sabi ko kay momz. Tumango lang siya.

Nang malapit na ako sa stairs napakadaming lalakeng tumitingin sakin. Takte!! sa legs ko pa naman manyak! Binilisan ko nalang pagtawid ko sa hagdan para wala ng magtingintinginan sakin.

Pagkadating ko sa taas....

Putek! Bakit siya nandito? anong ginagawa niya dito? Pati ba namn dito mang bwi-bwisit siya! Impakto talaga.

Napahinto ako sa paglalakad ko patungo taas sa stairs at bumalik ako agad sa baba dahil nakita ko yung impaktong lalakeng mang bwi-bwisit na naman ng araw. Letche!

"Wait Miss!?" Napahinto naman ako dahil hinawakan at hinila niyang kanang kamay ko. Bwisit makaalis na nga. Nakakahiya ang dami pa namang taong nakatingin samin napasigaw kasi siya. Impakto talaga!

"What! What do yo want?!" Sabay baba ko sa stairs at putek napahinto na namn ako dahil hinila niya yung braso ko.

"Ano ba! Tigilan mo nga ako!" Sabi ko.

Dumating din momz na may dalang foods...

Nakita kaming dalawa ni impakto at yung mukha ni momz parang ewan hindi mapinta. Na shocked ata siya. Nakatunganga pa.

"Omg!! Hi Jilian long time no see!"

What the! Pati ba namn si momz kilala sila? Sino ba talaga siya? Duh whatever. Wala ako pake kung sino ba siya basta impakto siya.

Napatulala lang ako sa gilid dahil magkakilala pala sila. Letche naman. Sa kadamidaming tao sa world siya pang nakilala ko bwisit.

"Hi Tita Shamz! Kumusta po kayo?" Sabi niya kay mommy..Ngumiti din si momz.

Tita ka diyan mukha mo!!!

Nagmano din siya kay momz at kinuha niya yung tray na mabigat dahil ang daming foods. Then pumunta siya sa table kung saan ko siya nakita kanina at dun niya nilapag ang tray na may foods...

"So Jilian when pa kayo bumalik dito sa Pinas?." Tanong ni momz kay impakto.

Sumunod nalng ako kay momz papunta sa table kung asan nandoon si impakto. Tumahimik nalang ako baka magalit pa si momz sakin.

"Uhmm last week lang po Tita maaga lang po kami bumalik kasi malapit nang school." Sagot niya kay momz.

Umupo nalang ako sa chairs at kinuha ko yung phone ko sa bag at nag wa-wifi...na OP na kasi ako sa topic nila putek!

Umupo din si impakto sa gilid ko letche kang impakto ka wag ka ngang lumapit sakin nakakamalas. Pero syempre tumahimik nalng ako dito baka naman kasi magagalitan pa ako ni momz. Pa fake friend nalng ako nito kay impakto.Tsk!

"Ahh really? Saan ba nga yung school mo?" Tanong ni momz kay impakto. Kumain nalang ako ng sushi gamit ang chopsticks at nilamon ko yung whole sushi masarap kasi eh favorite ko pa. Hindi nalang ako nakinig sa usapan nila.

"Sa Golden Souls University po.." Aniya.

Nang nasabi niya yun napahinto ako sa pagkakain sa sushi na nasa lalamunan ko. Tumingin ako sa kanila parang shock na shock at tumayo ako agad parang ewan.

"WHAT THE!!!"

So ibig sabihin doon siya mag-aaral sa ta-transferan kong school? No please no..

"Shassy!..."

Napaupo nalang ako. Napagalitan na kasi ako ni momz. Kinain ko nalang yung sushi ko at tumahimik. Bwisit ayan tuloy. Bakit sa bagong kong paralan pa siya mag-aaral bakit siya pa. Akala ko ba ok na ako sa school na yun pero hindi pala dahil sa impaktong to. Nakakainis!

"Ahh Jilian sorry ha? Ganyan kasi talaga si Shassy." Mommy talaga wag ka ngang magpatawad diyan sa impaktong yan. Aish naman momz bakit mo naman sinabi yung name ko. Malalaman niya tuloy.

"Ok lang po tita. Ganyan talaga siya sakin dahil may atraso pa ako sa kanya. Kanina kasi sa mall." Tumaas ang kilay ni momz at tumitingin sakin tas tumingin naman kay impakto. Ngumiti siya sa aming dalawa...ngiti na nakakaasar.

"Aba kaya naman pala. Alam niyo ba napakabagay niyong dalawa. Yiee"

Aish andito na naman tong pagka abno ni momz para siyang bata kong magsalita. Makakain na nga lang. Pati ba naman si momz panira ng araw.tsk.

Kumain nalang ako nakakagutom na kasi. Kinuha ko nalang yung earphones ko para hindi magiging awkward. Para kunwareng wala akong narinig sa mga usapan nila. Pagkakita ko sa gilid namumulang pisngi si impakto at parang nahihiya. Hindi pa naman siya tapos kumain so sabay sabay nalang kaming kumain kasama si momz.

Ah! Alam ko na may gusto ata tong si impakto sakin. Haha ito na yung pangaasar ko at magre-revenge ako sa kanya dahil ngayong araw napaka bwisit talaga.
LETCHENG ARAW TO...

MR. BULLY'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon