Chapter 6: War sa Canteen

17 3 0
                                    

Wahhhh nagugutom na ako hindi kasi ako kumain ng breakfast kanina eh.

Pumunta kami agad ni krissa sa canteen. Humanap ng table at kumuha ng pagkain. Ganito kasi yun... Kung kukuha ka ng foods, drinks, etc. magsa-swipe ka lang ng ID mo. Diba ang cool!?

"Huyy!! ngiti-ngiti mo diyan ha.." Sabi ni Krissa. Habang kumuha ng chocolate shake at salad. Tsk matakaw kasi yan.

"Haaaaa walaaaa" napakamot naman ako. Ni-ngitian ko lang siya.

"Sesss.. Lalake yan noh? Sigoro may nagiging crush kana. Yiee--" hindi ko na siya pinatuloy. Mayamaya baka may makarinig pa. Pagtsi-tsismisan na naman ako.tsk.
"Huyy! Hindi noh.. Anong crush ka diyan wala kaya!.." Padabog kong sinabi.

"Sesss.. Eh kung wala kang crush bakit ka nagbu-blush? Yieee.." Naiinis na talaga ako sa babaeng to ah. She will never stop teasing me with guys. "Tumigil ka na--"

------slow motion------
Ang gwapo niya bess kahit naka side view..ang tangos ng ilong..flawless skin..
Siya yung ideal boyfrie---

Teka nga! Si impakto na naman!

Ang lapit-lapit nun ah. Parang one inch nalang MAGKAHALIKAN NA KAMI!!

Takte! Kinuha niya yung nagiisang letche flan na akin sana pero kinuha niya!

"Huyyy impakto akin yan ah!" Sabi ko habang inayos yung pagkain na nasa trey ko. Desert nalang kasi yung kulang yung letche flan sana pero ayun kinuha naman ni impakto. Kahit ba naman dito sa canteen mang bwi-bwisit siya. Hayss.

"Tskk. Kung sayo toh ba't hindi mo kinuha. So akin na toh." Bumelat naman siya sakin. Ehhhhh!!! Nakakainis!

"Duh! First come first serve!" Sabi ko habang nagcross arms.

"Eh ako kasi una nakakuha so sa akin na toh.. Blehh" Bumelat na naman siya. Putek! Impakto talaga!

"Tsk! Makaalis na nga!hmp!" Umalis nalang kami ni krissa sa kinatayuan namin at pumunta kami sa table kung saan may nakalagay na 'reserve' para samin ni krissa.

Teka nga ba't may bag ditong panglalake. Eh reserve na tong table para samin. Makaupo na nga..

"Soo kilala mo pala yung lalakeng yun bess? Ang gwapo noh?" Aniya habang may nakalamon sa bibig.

"Gwapo...... Pero impakto." Sabi ko.

"Ayyy grabe siya ohh..ang swerte mo na nga dahil pinansin ka niya, kahit nga ako hindi talaga ako pinansin kahit kelan." Ha? Ako lang yung pinapansin niya? Eh bakit namn.

"Ano? Ako lang yung pinapansin niya? Bakit hindi ba siya pumapansin kahit sa mga barkada niya? Oh kahit sa close friends niya?" Tanong ko.

"Ok makinig ka ha? Ganito kasi yun... Tuwing summer may concert kasi yan kaya kung tuwing school days napaka busy niya dahil sa career niya. Palagi siyang nagsusulat ng mga songs at palagi nalang hindi na gugustuhan sa manager at producer niya kaya kelangan niya ng progress sa pagsusulat ng mga songs. Sooo kaya siya napaka snob sa lahat, kahit guro hindi na niya pinapansin, at pati narin yung mga barkada niya hindi na niya napansin. Nang dahil lang sa napaka busy niya sa career. Kaya ayun..."

"Ahhhhh" Nakatunganga lang ako dito.

Kaya pala sa classroom hindi talaga siya pumapansin. Papansin lang yun kung may importanteng activities sa klase. Kagaya ng math... Partner kasi kami tuwing may activities sa math and guess what?. Matalino pala siya sa math. Waw ang galing pala ng impakto na yun. Dibale impakto parin siya. Hmp!

"So naiintindihan mo na?." Aniya. Tumango lang ako.

Ayun naubos na namin ang snacks kaya babalik na kami sa mga rooms namin.

Pagpasok ko sa classroom namin wala pa yung guro namin sa Science subject kaya hindi pa ko late. Umupo din ako sa upuan ko. Wala pa naman si impakto kaya hindi pa ako ma awkward. Ang awkward kasi hindi talaga siya nagsasalita. Puro nalang siya sulat ng sulat sa note book niya.

Teka nga! May naalala ako. Kaninong bag kaya yung nandoon sa table namin kanina sa canteen. Eh baka naiwan lang.

Mayamaya dumating na din yung guro namin sa Science. And guess what!? Gwapo siya noh. Pero may asawa na. Tssk.

"Good morning class..."

"Good morning Sir Diaz! It's nice to see you again!" Bati ng buong estudyante.

Asan kaya si impakto wala kasi siya sa tabi ko. I mean sa tabi ng chair ko!

Duhhhh! Ba't ko ba naalala yung impaktong yun. Hmp!!

******ringgggggg******

Ayun na tapos narin ang buong morning session so lunch na. Yeay! Favorite subject ko...ang lunch. Hihi. At hanggang ngayon wala parin si impakto sa classroom. Hindi parin pumapasok.

Aishh! Ano na bang nangyayari sakin! Hmp!

Maglu-lunch na nga lang ako... Baka gutom lang.

MR. BULLY'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon