Chapter 5: Name

14 3 0
                                    

Nang pumasok siya sa room natulala lahat ng mga estudyante. Pati yung adviser namin nalaglag yung panga..

ANG GWAPO NIYA PERO IMPAKTO!!

Umupo siya sa sa tabi ng upuan ko sa front. Biniwala niya lang ang mga babaeng nagpapansin sa kanya at tumingin sakin. Takte pati ba naman dito mang bwi-bwisit siya. Langya!

"Ok you may now go back to your sit Ms. Shassy.." Sabi nung adviser namin. Tumango lang ako at bumalik sa upuan ko.

Napansin kong nakatitig si impakto sakin pero wala akong pake bahala siya sa buhay niya! Pagkaupo ko sa tabi niya bigla siyang ngumiti sakin pero nakakainis kaya sinipatan ko. Tumigil din siya sa pag ngitingiti-an. Lumapit siya sakin gamit yung upuan niya.

"Pati ba naman dito Shassy iniiwasan mo ko?Tssk." Sabi niya panguso at nag pacute.

Hindi ko lang siya pinansin at nakinig nalang ako sa mga sinabi ng adviser naming si Ma'am Guzano. Nagsabi din siya ng mga rules at mga schedule namin sa paaralan.

"Huy Shass--" Hindi ko na siya pinatuloy. "Ano bang problema mo!?" Sabi ko habang naiinis sa kanya.

"Grabe ka naman ang sungit mo! tinatanong lang naman kita ehh.." Napayuko siya at kumaha ng isang notebook na parang.... Sketch book ata at kumuha din siya ng lapis.

Pagbukas niya sa Sketch book niya... Aba ang galing niya pala magdrawing. May drinawing siyang mga anime characters tapos ang cu-cute. Napanganga nalang ako sa nakita ko..

"Ohhh baka gusto mong tignan?.." Binigay niya sakin ang Sketch book niyang puno ng magagandang drawing. Tumango lang ako tas kinuha ko yung Sketch book niya...

Nang natapos kung nakita yung lahat ng mga drawings niya at iisa nalang yung isang page nagulat siya agad. Eh turn to last ko nalang sana pero binawi niya agad yung Sketch book bigla at itinago sa bag niya.

"Ha!? Bakit ano bang nandun?.." Tanong ko. "Ano kasi.. Basta! Wag mo nalang yun intindihin kasi alam kong magagalit ka kung makikita mo yun.tsk." Aniya habang nakatingin sa malayo.

Biniwala ko nalang yun at nakikinig nalang ako kay ma'am Guzano, yung adviser namin...

Mayamaya nagring na rin yung bell so meaning recces time na namin. Pero nahihiya pa akong pumunta sa canteen na magisa kaya tatawagin ko nalang si Krissa. Ibinigay niya kasi yung number niya sakin in case of emergency daw.

[Calling]
"Krissa busy ka ba? Mag ca-canteen sana ako. Sama ka na?.."

"Oh-oo cge Shassy puntahan mo nalang ako dito sa room ko..sa sectionC okay?.."

"Okay mga 10 minutes nandiyan na ako..."

"Keeyy bye."

Inoff ko na agad yung cellphone ko at inayos ko na yung mga gamit sa bag. Tatayo na sana ako pero may humawak sa kamay ko, si impakto na naman. Hinila niya ako pa tingin sa kanya.

"Saan ka pupunta Shassy?.." Aniya habang hinawakan pa niya yung isang kamay ko. At nakakita lahat ng mga kaklase namin kaya binawi ko agad baka may magmamalisya samin na kung ano-ano.

"Ano bang pake mo ha?!" Sabi ko. Tumakbo ako agad palabas sa silid.

Ano bang pake niya? Kakainis first day of school pa nga lang pero ang bwisit-bwisit na nang dahil sa lalakeng yun! Hayyss!

Tumakbo nalang ako patungung room section C, ang class room nila Krissa. Ang dami na namang mga estudyanteng nagsintinginan at nag bubulungan tungkol sakin. Ano ba sila? Hindi maka get over. Tssk.

Booggssshhh****

Arayyy!!!! Yung dibdib ko. Hayys buti nga hindi ako nadapa. Kung nadapa pa ako marami sigorong nakatingin sakin nakakahiya pa. Ang tanga-tanga ko talaga tssk.
Nabungo ko pa tung lalakeng to.

"Oh my.. I'm so sorry nagmamadali kasi--" magpapatawad sana ako pero siningitan niya ako sa pagsasalita. "Nonono it's ok...I understand." Aniya.

Tumingin ako sa mukha niya.... JUSMEE ANG GWAPO NIYA SHETE!!!

Parang napaka familiar niya talaga. Lalo na yung mata niya napaka familiar sakin.

"Uhhmm Cge bye..." Ngumiti ako sa kanya at umalis din ako sa kinakatayuan namin.

Malapit na sana ako sa locker kung saan malapit na rin ang room ng section C pero may humawak sa kamay ko. Ano ba? Ba't kamay ko pa? Pwede naman sa braso diba!

Hinila niya ako patingin sa kanya. Grabe sinundan niya talaga ako hanggang dito?.

"Waittt.. Uhmm can I know your name?.." Tanong niya. Ang gwapo ng mukha niyang chinito. Namumula ata yung pisngi ko gosh. "Ahh yes.. Uhmm it's Shassy..... Shassy Oreca." Sagot ko habang binabawi yung kamay ko padahan-dahan kasi ang daming nakatingin samin sa kamay namin. Baka mamaya kakalat pa.

"Ahh I'm Kaizzer from section A.." Sabi niya habang nakatingin at nakangiti sakin. Yung ngiting makakatunaw. Letche kinilig naman ako.

Nakipag shake hands siya sakin kaya inabot ko nalang yung kamay ko sa kanya tapos nakipag shake hands ako. Pagkatapos nun mga 10 seconds niya ata akong ni-shake hands kaya pinutol ko agad. Nakakahiya kasi ang daming estudyanteng nasa mga gilid namin, yung iba nagbubulungan at nagtsi-tsismisan.

"Ahh cge Kaizzer byee!..." Sabi ko. Tumango lang siya tapos ngumiti nang papaalis na ako sa kinatatayuan namin. Naalala ko kasi na pupuntahan ko si Krissa sa classroom nila.

Pumunta ako agad sa pintuan ng silid nila. Mayamaya may apat na estudyanteng babae na lumabas. Tinignan nila ako ulo hanggang paa.

"Waitt Hi! You're Shassy right?.." Sabi nung isang babaeng naka braid ang buhok. Maganda naman siya, matangkad at mestiza. Tumango lang ako. "Well Uhmm I'am the Cheerleader of our batch last school year and I choose you... gusto kong ikaw yung susunod na magiging Cheerleader ng batch natin. Kung ok lang sayo??..." Tanong niya. Kaya pala siya maganda cheerleader kasi. Pero siyempre kung tatanungin niyo ako tungkol sa pagiging cheerleader ok na ok talaga sakin. Eh gusto ko nga.

"Uhmmm Ok I agree with that..." Sagot ko. Nakita ko narin si Krissa palapit. Kumaway siya habang nakangiti at tumakbo sakin. Ni-ngitian ko din siya.

"Hi Shassy andito kana pala?.." Aniya. Tumango lang ako. "Uhmm Kyra may pinagusapan ba kayo?.." Tanong niya sa mga babaeng kinausap ko. "Ahh wala... siya na kasi yung na pili kong susunod na magiging cheerleader ng batch natin.. Sigoradong tayo na ang mananalo dahil may talent talaga siya.." Sabi nung naka braid, si Kyra. Tumawa lang kami ni Krissa.

"Ahaha cge mauna na kami ha? Byeee!..." Sabi ni Krissa sa kanila. "Byeee..." Anila. Ngumiti lang ako.

Tas umalis na kami ni Krissa...

MR. BULLY'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon