Miles McKenzie
__________Alas tres ng madaling araw nang magising ako sa tunog ng aking alarm clock. This is it, I guess. Kaagad kong inayos ang mga gamit ko. Inisa-isa ko itong chineck para makasiguradong wala akong nalimutan. Mga damit, personal hygiene, Sanitary pads at ilang Valuable items na siyang hindi ko magawang maitapon. Nasa maleta ko na ang lahat except for the necklace that dad gave me one year ago. Kagabi ko pa yung hinahanap pero diko makita.
Nasaan na nga ba yun?
Beeeep****
Beeeep Beeeep***
Who could it be?
"Miles! On your window!"
Wait... Was that....
"Miles!"
Kaagad akong sumilip sa bintana para kumpirmahin kung siya nga yun at hindi naman ako nagkamali. Si Timothy. Naroon siya sa labas at nakasandal sa hood ng pulang kotse niya. Kanina paba siya naghihintay? Haaays! Tingnan mo nga naman.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"- Bungad ko sa kanya noong makalabas ako. "Kanina kapa ba nandito?"
"I can't let you go without saying Goodbye."- He said, scratching the back of his neck. "Ang sabi mo madaling araw ka aalis. You didn't tell me the exact time kaya alas dos palang ng madaling araw ay nandito na ako."
"Are you crazy?"
"I just can't believe that you're leaving me."- He said, shaking his head. "You were there for me since third grade. Ever since we became friends hindi kana umalis sa tabi ko Miles. You always got my back. And now...... Well, I just want to be here for you in return for everything that you did for me."
Anong drama to? Di bagay sa kanya XD
"So? Are you ready to go?"
Teka? "Ihahatid mo ako, Tim?"
"Why not? This is the least thing that I can do for you."
"Pero malayo yu------
"Get your things. We have a long way to go, I know so Let's hurry up."
Seryoso talaga siya?
"Bilis na Miles. Ano pabang hinihintay mo?"
Seryoso nga ang mokong. So ayun kaagad narin akong nagtatakbo pabalik sa loob ng bahay para kunin na ang mga gamit na katatapos ko lamang i-check. Hindi naman nakatiis si Tim at tinulungan niya narin akong ilabas ang mga maleta ko para maisakay na sa kotse niya. Matapos non ay isinara ko na ang bahay saka iniwan ang susi under the mat. Leaving the keys under the mat is kind of our habit so yeah, Sigurado akong madaling mahahanap yun ni Mommy once she get here.
"Wala ka ng nalimutan?"
"I think?"
"Let's go then."
Tim started the car. I put on my seatbelt as I let out a sigh. Hindi naman yun nakalampas sa pandinig ni Tim. Nilingon niya ako saka niya sinabing;
"You can tell me if you don't want to go anymore. You know I can always turn back the car."
"No, Ituloy mo lang ang pagmamaneho mo."- I told him. "There's no turning back now."
Nakapagdesisyon na ako. Nakapagbitaw na ako ng salita kay Senior Delilah. I don't want to let them down specially my Dad kaya ipagpapatuloy ko ang aking pag-alis. I have plans. Marami akong plano para samin ni Dad kaya bawal sumuko.
"Call me if you find your job hard. You just have to dial my number If you think you can't last there and I'll come running just to pick you up."
"You want an award for being the bestest friend or something?"- biro ko sa kanya. "Kilala mo naman ako Tim, hindi ako madaling sumusuko lalo na kapag matindi ang pangangailangan ko."