"We're here."- Wika ni Senior Delilah kasabay ng paghinto ng sasakyan sa harapan ng isang napakataas na Gate na animoy gawa sa ginto. Kusa itong nagbukas kaya mas humanga ako. Ang Buong Mansion ay pinalilibutan ng matataas na puting pader at Magagandang halaman.Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagkamangha sa lugar na ito lalo na noong tuluyan na kaming nakapasok ng Mansion. Kung titingnan mo ang buong paligid ay para bang isang hari ang nakatira rito. Mansion ba talaga ito o isang palasyo? They even have a double grand foyer stairway. Napakaganda at halatang puro mamahalin ang mga gamit. Yung tipong nakakatakot hawakan dahil kulang ang buong buhay mo pangbayad kapag nasira mo ang isa sa mga ito? Something like that.
"Miles?"
"Y-yes Senior Delilah?"
"Alam mo naman na siguro ang magiging trabaho mo rito hindi ba?"
"Personal Maid po ng Anak ng may ari nitong palasyo?..... I mean, Mansion. Yun po ang sinabi niyo sakin."
"Sumunod ka sa akin sa itaas."
"S-sige po."
Geez. Kinikilabutan ako sa lugar na ito. This is the real definition of House goals. How come hindi nabalita sa telebisyon ang bahay na ito? I'm sure Rich people will freak out if they find out about this. Hindi kasi ito ang typical na mansion na makikita mo sa tv o sa kahit saan lang. Halatang mahabang panahon at napakaraming pera ang iginugol sa Bahay na ito. Eh mas maganda pa ata ito kumpara sa Mansion ng presidente eh. Well, opinyon ko lang naman.
"This will be your room."- Ani Senior Delilah saka niya binuksan ang nakakandadong kwarto dito sa third floor "May Tatlong kwarto dito sa Pangatlong palapag."- panimula niya. "Isa sa young master, ang isa ay bakante at bawal buksan, at itong pangatlo naman ang magiging kwarto mo. Dati itong Library pero ipinaayos ito para sa pagdating mo. Mas gusto kasi Ni Chairman na malapit lamang sa anak niya ang kwarto ng personal maid nito para natitingnan ito ng maayos."
"Ganon po ba?"
"Tatlo ang Master's Bedroom dito sa Mansion. Ang isa ay Sa Young Master, Isa sa Chairman na siyang nasa ikalawang palapag at ang isa ay ang kwartong ipinagbabawal buksan sa kahit na sino."
"Yung kwartong tinutukoy niyo na narito rin sa third floor? Yun po ba?"
Tumango siya bilang sagot. "Wala kang ibang gagawin dito kundi ang asikasuhin si Sebastian na siyang magiging amo mo for the rest of your stay here. Utos niya lamang ang tanging pakikinggan mo maliban nalang kapag ipinatawag ka ni Sir Leandro."
"I understand."
"Hindi pa ako tapos."
Hindi parin siya sa tapos sa lagay nayun?
"Maliban sa ipag-uutos ni Sebastian ay may mga kailangan kapang gawin na hindi mo dapat kalimutan."
"Gaya ng ano po?"
"Sebastian needs his medication every 6:00 am and before bed time. Hindi ka dapat magkamali sa gamot na ibibigay mo rito. Kailangan nakakain na siya bago niya inumin ang gamot kaya siguraduhin mong on time siya kakain."
"May I ask how Old Sebastian is?"
"Kaedad mo lamang siya, Miles. He's turning 21 this year."- She informed me. ineexpect kong bata ang magiging amo ko pero kaedad ko pala? Is that a good thing? Hmmmm? We'll see about that.
"Wala ka ng kailangan problemahin maliban sa medisina. May sariling cook sila dito sa Mansion kaya ang tanging gagawin mo lamang ay dalhan siya ng pagkain sa kwarto niya. Ang mga labada naman, dadalhin mo lang sa maid quarters at sila na ang bahala doon. Isama mo narin ang mga damit mo."