5:00 am nang magising ako sa ingay ng alarm clock. I guess it's "me time" bago ko simulan ang unang araw ng trabaho ko.Nag-unat ako ng katawan saka narin ako kaagad na tumayo. Kinuha ko ang towel ko, toothbrush at ang bath soap na nanggaling pa kay Senior Delilah kahapon. Hindi ko alam kung bakit excited ako pero siguro ganito lang talaga ang feeling pag first time? Tapos sa sunod makalawa wala ka ng gana. Sana lang talaga tumagal nga ako rito gaya ng sinabi ni Miss Jasmine kagabi. Feeling ko kasi ito na yung opportunity para baguhin ko yung unhealthy lifestyle ko na hindi ko mabago-bago kahit anong pilit ko.
Usually kasi tanghali na ako nagigising kasi late narin naman ako natutulog. Minsan nga magdamag akong gising tapos buong araw namang tulog. Madalas ako mag-skip ng meals. Madalas ring puro coffee lang. But for the first time in a while nagising ako ng maaga. mas early pa ako sa bird nito ngayon. Goodbye naba sa pagiging night owl? Magiging morning person naba ako nito? Haaaaays! Iniisip ko palang parang nakakapagod na kasi syempre nagtatrabaho na ako. Kailangan ko ng kalimutan ang buhay prinsesa ko noon.
But hey! Let's look at the bright side! I'm working now and in work? Merong sweldo syempre kaya Laban!! XD
"Miles, iha?"- Pagtawag ni Senior Delilah sa pangalan ko matapos niyang kumatok ng tatlong beses sa pinto.
"Gising na po ako Senior Delilah, nagbibihis lang."- I informed her. Kalalabas ko lang kasi ng Shower room kaya hindi ko agad mabuksan ang pinto.
"I'll be downstairs. Yung gamot ng amo mo, it's almost 6:00 am."- Paalala niya. "Bumaba kana pagtapos mo magbihis at kunin mo na sa kitchen ang Breakfast ni Sebastian."
"Yes po Senior Delilah."- Hiyaw ko bilang sagot sa matanda. Nagmadali narin ako gaya ng sabi niya. Simpleng damit lang ang suot ko ngayon since wala pa nga akong uniform. Maong na shorts at white shirt. Feel at home, ika nga nila. Doon tayo sa mas kumportable.
Matapos ng pagbibihis ay bumaba na ako sa kusina para kunin ang breakfast pati narin ang gamot ng young master. Matapos naman ng preparation ay muli na akong umakyat papunta sa third floor para gisingin na ang natutulog na beast. I mean, Ang natutulog kong amo. Why did I even think of that? Tsss.
"Young master?"- Kumatok ako ng dalawang beses bago ako tuluyang pumasok sa kwarto nito. "Sir Sebastian?"- I called out. Ipinatong ko muna sa bed side table niya ang tray ng pagkaing dala ko saka ko binuksan ang ilaw pati narin ang mga kurtina.
I was surprised when I turned on the lights kasi sobrang ganda. Napakaganda at napakalaki nitong kwarto niya kumpara sa kwartong tinulugan ko kagabi. The size of his room is twice the size of my room. Well, what's a mansion without luxury rooms, right?
(Click the photo to see Sebastian's imaginary room)
Bago ko siya tuluyang gisingin ay naglibot muna ako rito sa paradise-like room niya. I can't help but wander my eyes mapa ceiling man o sahig hanggang sa marating ko ang shower room niya na may sariling jacuzzi. Gosh! I can't even find the right words to explain the beauty of what's in front of me right now. So this is the master bathroom that they're talking about? Damn! Parang gusto kong maligo ulit!